Chapter 54

2.2K 84 1
                                    

This is the updated version of Chapter 54. However, I'll update it once more if I encounter any problem or issues. Thank you for your understanding!


Updated: January 24, 2022


Ayesha Rakki's POV


Napangiti ako nang lumapag na ang eroplano namin galing sa Paris. Gabi na ngayon sa Pilipinas at pagod na pagod ako. Halos isang araw din kasi akong nag-stay sa Paris para asikasuhin 'yung organisasyon at 'yung kompanya ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nalaman ko. Hanggang ngayon ay napapaisip pa rin ako kung tama ba ang mga 'yun.


"Saan ko po kayo ihahatid?" Tanong sa akin ni Faudia kaya napatitig na ako sa kaniya habang hawak-hawak ang bread na binili ko. Pinasama ko pa rin kasi siya dito sa Pilipinas dahil kakailanganin ko siya sa mga bagay-bagay. Hangga't hindi ko nakikita si Uncle Greg ay hindi ako patatahimikin ng galit ko. Isa pa, sigurado naman ako na gusto din ni Faudia na manatili dito sa Pilipinas. Alam ko 'yun.


"Magpahinga ka na. Ako na bahala sa sarili ko. May matutuluyan ka na ba?"


"Yes po. Doon lang din sa hotel na tinutuluyan ninyo nila Uncle Sean." Napamaang ako at kumaway nalang sa kaniya paalis bago sumakay ng taxi. Sinabi ko lang ang address ng apartment ng mga doctor dahil kailangan kong puntahan si Zayden. Pakiramdam ko ay kailangan ko magpaliwanag. Wala kasi din akong sinabi man lang sa kaniya. Ilang beses pa niya akong tinawagan and even messaged me sa instagram pero lahat 'yun ay hindi ko nireplyan. Ako din talaga ang may problema.


Nang tumigil ang taxi ay agad na akong bumaba at hindi nagdalawang isip na umakyat sa hagdanan at dumiretso sa pintuan ng kwarto niya. Dalawang beses akong nagdoorbell pero wala pa ring sumasagot sa pangalawang doorbell ko kaya napakunot na ang noo ko. Naiinis na. Hindi talaga mahaba ang pasensya ko sa ganito.


"Hindi pa ba siya nakakauwi?" Bulong ko sa sarili ko at kinuha ang cellphone ko. Balak na sana siyang tawagan pero napatigil din agad nang maramdaman ang mga braso na pumalibot sa bewang ko. Nang lingunin ko 'yun ay bumungad sa akin si Zayden na mukhang kakauwi lang galing ng hospital. Suot-suot niya pa ang bag niya.


"Hi, baby, I missed you." Bulong nito na ikinangiti ko. Hindi pa ako nakapagsalita agad dahil pagpasok na pagpasok namin sa loob ng apartment niya ay sinandal niya kaagad ako sa pader at hinalikan. Hindi pa man lang ako nakakasagot doon sa sinabi niya.


Inilagay ko ang mga braso ko sa leeg niya kaya mas yumakap pa siya lalo sa akin. Ang bag na dala namin pareho ay nahulog na. Kahit ang cellphone ay nahulog na doon pero binalewala na namin 'yun dahil naramdaman ko nalang ang likuran ko na lumapat sa couch sa living room niya. Tinulungan niya pa akong tanggalin ang jacket na suot ko. And the next thing I knew, we are doing that thing. The feeling is new. Kahit natatakot, I allowed him to do that. I gave myself to him.


"I love you." Mahina niyang sinabi bago ko naramdaman ang kakaibang pakiramdam na ibinigay niya. Ilang minuto ang lumipas at naramdaman ko nalang ang pagbagsak niya sa tabi ko. Mas napagod ako. Nakakainis talaga si Zayden! "Kailan ka pa nakauwi, babe?" Nakatitig na tanong niya sa akin habang nakayakap pa rin. Dinampot ko ang kumot na nakita ko sa tabi ng couch at ibinalot ko sa aming dalawa bago muling humiga sa tabi niya.


"Ngayon lang. Nang makalapag ang eroplano ay pinuntahan agad kita dito. Pagod na pagod na ako." Nakangiwing sabi ko na ikinatawa niya kaya bahagya ko siyang hinampas sa dibdib. "Seriously, Zayden? Nakakainis ka."


"What did I do? I told you I missed you. Baka kapag nagtagal ka pa ng ilang araw doon ay hindi na kita palabasin dito." Sinamaan ko kaagad siya ng tingin sa sinabi niya bago bumuntong hininga. "Anyway, anong ginawa mo sa Paris?"


When Fighters Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon