Chapter 30

2.7K 71 1
                                        

Ayesha Rakki's POV


Agad kong kinuha ang bag ko at nagmadaling lumabas ng opisina. Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko. Natatakot ako.


Ito na ang sinasabi ko. Ito yung sinasabi ko na sana sa Paris nalang sila pero hindi sila nakinig sakin!


Nang mapunta ako sa labas ay agad kong nakita si Mang June na mukhang pupunta kay Isshi kaya hinarang ko na siya na bahagya pang nagulat.


"Doc Rakki?"


"Mang June, I need the car keys." Hindi ko na siya hinintay na magsalita at kinuha nalang ang susi na nasa kamay niya bago nagmadaling hanapin ang sasakyan.


Nanginginig pa ang kamay ko habang pinapasok ang susi kaya mahina pa akong napamura bago tuluyang makapasok at mabilis na pinaandar yun.


I don't care anymore. If they'll arrest me because I didn't follow the traffic lights—then arrest me. 


Sinubukan ko pang tawagan si Uncle pero hindi na rin sumasagot kaya mas lalo lang akong nagpanic.


SHIT.


"Come on, Uncle. Pick up the phone!"


"What? It's 1am, Rakki. Why are you calling me?" Halatang nagising lang siya dahil sa call ko. "Is there a problem?"


"Uncle, It's Tristan." Hindi ko magawang sabihin sa kaniya lahat. Hindi ko masabi sa kaniya na hindi ko nagawang protektahan ang kapatid ko.


Hindi ko masabi.


"What's with Tristan? Nasa bahay ako ng mga Farrell ngayon that's why I left Tristan there alone." I know. I know, wala siya sa hotel. Pero paano nila mapapasok si Tristan kung nandon ang mga body guards niya? "Ayesha, what the hell is happening?"


"Uncle.... may tao sa hotel. Si Tristan." I can't say any word anymore dahil nag-unahan na tumulo ang mga luha sa mata ko.


Hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama kay Tristan. Habang buhay kong sisisihin ang sarili ko.


"Rakki, I need you to focus."


"Uncle, I can't." Hindi ko kayang magfocus sa mga oras na 'to dahil isa nalang ang nasa isip ko. Kailangan kong makitang okay lang ang kapatid ko.


"Pabalik na ako." Narinig ko pa ang mabilis na paglalakad ni Uncle bago tuluyang namatay ang linya.


Sa main building ako dumaan kaya nang tumigil ako doon ay ibinato ko nalang ang cellphone ko sa sasakyan at mabilis na tumakbo papasok.


May sinabi pa ang guard sa akin pero hindi ko na siya inintindi pa at nagmadali na papunta ng elevator.


Shit. Ang layo pa ng elevator!


Tumakbo agad ako papunta sa fire exit at doon dumaan. Hindi ko na naisip pa ang pagod. I don't care anymore.


I wanted to burn this entire building to the ground, but Tristan is still here. And no matter how far gone I am, I can't bring myself to let him go down with it.


Inihanda ko na ang baril ko nang makarating sa tapat ng room namin. Hindi nakalock ang pintuan kaya bumungad sakin ang napakadilim na paligid at ang kalat kalat na gamit namin. May mga basag pang glass doon.


When Fighters Fall In LoveMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon