Tristan Keith's POV
Maaga ako gumising ngayon para asikasuhin ang legal team ng Aurevia. I have to check some report and advise my team what to do next.
But I also have to know kung ano na ba ang nangyayari sa kapatid ko.
"Any news?" Tanong ko kay Lay. Sinabihan ko rin kasi siya na i-update ako.
"Isesend ko ba yung video kagabi sa apartment ni Rakki?" Tanong niya na bahagya kong ikinatigil.
Hindi ko rin kasi alam kung anong oras siya nakauwi o kung safe ba siya—o kung nakauwi ba talaga siya. Halos hindi ako makatulog kagabi kakaisip.
"Yes. Thanks, Lay." Sabi ko at ibinaba na ang call.
Saglit lang akong naghintay bago ko na-receive sa email ko ang video. Pero bakit nandon si Zayden at si Meisha? Nag-uusap pa sila.
Sunod na nakita ko ay ang pagpasok ni Zayden sa loob ng apartment ni Rakki pagkalipas ng ilang minuto. Pinindot ko pa ang fast forward dahil pumasok na sila sa loob. Wala pa namang cctv doon.
"Shit. Did something happen?" Naguguluhan na tanong ko hanggang sa makita kong lumabas na si Zayden.
Bahala na. At least, nakauwi naman pala siya. And there's someone with her.
If Zayden is the one helping her, then I'm fine with it.
"Kumain ka na?"
"Yes, Uncle. Nag-order lang ako ng food."
"Using my card?"
"Of course." Natural na sagot ko. "Can I talk to you later? I need to go over something with you from the legal team's side."
"Alright. Is this about the situation the executives have been discussing?"
"Yes, it is. My team and I are already working on it, but I just need a fresh perspective before we decide how to move forward." Natural na sagot ko na ikinatango niya.
As the head of the legal team, I can't afford to settle for anything less than my best. The responsibility doesn't just sit with me in name—it carries real weight, and every decision I make can shape how the rest of the team moves forward. I have to stay sharp, thorough, and deliberate, because whatever I bring to the table sets the standard for everyone else.
Ayesha Rakki's POV
Maaga akong nagising dahil sa isang panaginip. Sabi ko na nga ba at babalik na naman lahat.
Itinali ko ang buhok ko ng isang buo matapos gumamit ng blower. Kinuha ko na rin ang bag at cellphone ko bago naglakad papunta sa ibaba kung saan ko natagpuan si Kuya June na hinihintay na ako.
"Magandang umaga po, Doc." Bati niya sa akin na bahagya ko lang tinanguan. Sumakay na ako sa loob at pinaandar niya naman na agad yun.
"Kamusta na si Isshi?" Natural na tanong ko sa kaniya.
"Masigla na po doc. Sobrang kulit na nga po eh—parang hindi inoperahan." Natatawa niyang sabi sakin.
Nakakatuwa na marinig yun kaya medyo naging maayos na rin ako.
One good thing can be enough to turn your whole day around and make it feel okay again.
BINABASA MO ANG
When Fighters Fall In Love
RomantikHaunted by events from years ago, Ayesha Rakki is determined to return to the Philippines and seek revenge. To do that, she must first become a doctor-using her profession as a way to track down the people she's been searching for. Along the way, sh...
