Simula

4.8K 103 4
                                        

They start as frenemies. Aso't pusa kung ihahambing sa hayop. Bida at kontrabida naman kung sa isang palabas.

But one of them doesn't see those bad  things against each other. Mas gusto pa nga niyang siya na ang kontrabida sa kanilang dalawa kung maaari. Pero hindi na iyon mahalaga sa kanya.

Sophie Rilly Villaruz. Isang magaling na Doctor, mana sa kanyang mga magulang.  Masunoring anak at mabait na kapatid. Wala kang mapipintas sa kanyang mali dahil sa isa siya sa pinaka magaling, mabait, matalino at mapagmahal na tao. Kaya maraming humahanga sa kanya. Mapalalaki o babae man. Magaling siyang makihalubilo sa kapwa niya kahit anong estado pa ang buhay nito. Pero may isang tao siyang ayaw makita o kausapin. Ewan ba niya sa sarili niya kung bakit ganoon na lang ang kanyang nararamdaman kapag si Skyler Henley Reidson na ang pinag-uusapan.

Skyler Henley Reidson. A successful business woman just like her parents too. Isa siya sa taga pamahala sa company ng kanyang magulang. Pagdating sa larangan ng negosyo, isa siya sa maaasahan. Tuso ito kapag trabaho na ang pinaguusapan. Ganoon pa man, mabait siyang anak sa kanyang magulang. Masunoring kapatid sa kanyang kambal na Ate at mapagmahal na kapatid sa kanyang dalawa pang kapatid. At maasahang kaibigan sa lahat ng malapit sa kanya. She maybe a good daughter, sibling and friend, pero minsan may pagkamakulit rin ito at sutil. Gaya na lamang ng pagkamakulit nito kapag nakikita na niya si Sophie. Nagliliwanag ang paligid kapag eto ay kanyang nakikita. Sumasaya ang pakiramdam kapag nakikita na niyang nakasimangot eto kapag kanyang nakukulit. At bumibilis ang tibok ng kanyang puso kapag eto ay kanyang nakikita ang mukha ni Sophie na namumula na sa inis.

Saan ba hahantong ang pagkakaibigang eto? O mapupunta sa pag-iibigan?

Mag-iiba ba ang tingin nila sa isa't-isa?

Ano bang mas matimbang? Love or Hate?

Kaya mo bang maghabol sa taong ayaw pahabol sayo?

At lastly, Are you willing to sacrifice your happiness?

We'll see if Skyler Henley and Sophie Rilly will have a happy ending, just like their parents.

Bella ciao!

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon