Chapter 47

991 49 5
                                    

Skyler Henley

Two months passed at naging maayos naman ang relasyon namin ni Sophie. May mga times na nagkakatampohan pero agad din naman naaayos. Ang dahilan? Dahil lang sa pang-aasar ko sa kanya minsan. Asar talo eh.

Gaya ngayon, inuumpisahan ko na naman siyang asarin. Ang cute kasi niya kapag galit.

"Manahimik ka, Henley. Kung wala ka rin lang gagawin na mabuti, umalis kana muna. Nag-uumpisa kana naman." Naka simangot at halos magdikit na ang kanyang kilay.

"Halah Babe! Wala naman akong ginagawang masama dito. Behave nga ako oh." Natatawa ko rin namang sabi.

Nandito kasi ako sa opisina niya. Siyempre, dinadalaw ang mahal kong girlfriend.

"Anong wala? Wala ba iyong titingin ka sa akin tapos tatawa rin? Ano bang nakakatawa sa akin? Clown ako? Ah?" Uh-oh, galit na yata.

"Ohh, galit kana naman. Ang dali-dali mong maasar sa akin, Babe." Tumayo ako sa pagkaka-upo at lumapit sa kanya.

"Ano ba kasing nakakatawa sa akin?" Tanong niya habang naka simangot pa rin.

Hinawakan ko naman ang kanyang kamay at hindi naman ito kumontra. I kiss her hand at nakita kong namula ang kanyang mukha.

"Nothing is wrong with you, Babe. Actually, kaya lang naman ako natatawa kasi, when Im looking at you naiimagine ko ang future na kasama kita. Naiimagine kong kapag kinasal tayo, kapag nagka-anak na tayo at kapag yung magiging anak natin is magiging kagaya ko na makulit. Paano mo kaya iyon mahahandle kung dalawang tao na ang sasawayin mo? Yun ang dahilan." Mahabang paliwagan ko.

Kunot noo naman itong napatingin sa akin at naroon pa rin yung mukha niyang namumula.

"Ang advance mong mag-isip. Ilang buwan pa lang tayong magkarelasyon tapos kasal at anak agad ang gusto mo?"

"Ha? Hindi naman siguro masama iyon. Besides, ikaw at ikaw lang naman ang nakikita kong makakasama ko habang buhay."

"Hmp! Bola!" Binawi naman niya ang kamay niyang hawak ko kaya natatawa ako ulit. Ayaw lang amining kinikilig eh.

"Hindi bola iyon, Babe."

"Oo na lang." Napipilitang sagot niya.

Hinayaan ko na siyang magpatuloy sa kanyang trabaho. At ako naman ay nagbabantay sa kanya. Wala eh, ayaw ko lang mawalay sa kanya. May trabaho naman ako at iyon ay ang pagpapatakbo sa business ng family. Maluwag lang ang schedule ko kaya may time akong bisitahin ang girlfriend ko.

Portia gave birth too, to a healthy and a beautiful baby girl. Tuwang-tuwa sila Mommy at Dada kaya naman napapunta sila sa America noong nanganak ito. Buti nga at hindi nila nakita noon si Laura, because if they did saw her? Hindi ko alam kung kaya kong harapin yung mga tanong ng magulang ko. Oo, hindi ko pa nasasabi sa kanila about her.

Laura keeps on updating me too to our baby. Regular naman ang check up nito at lagi rin niya akong ina-update. Our baby is healthy. Iyon ang laging sinasabi niya. I felt guilty and at the same time,  walang kwentang magulang. Iniwan ko ang anak ko para sa pansariling kapakanan. What will I do? Hindi ko naman ito napaghandaan.

Mabilis na tapos ang araw at eto, hinahatid ko na si Sophie pauwi. Mag-aalas sais na nga kami naka-uwi dahil sa may late operation siya.

"Pagod Babe?" I ask her habang naka sandal sa passenger seat at naka pikit ng mga mata.

"Yeah. Ang daming nagdatingan na pasyente kanina. Isabay mo pa yung operation." Sagot niya at mahahalata sa boses niya ang pagod.

"Pahinga ka muna and if you want to sleep, go on."

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon