Chapter 43

1.2K 52 14
                                        

Skyler Henley

We are all here in airport. My whole family and my girlfriend. Naks! Ang sarap sabihing girlfriend. Nakakaproud na sabihing girlfriend ko na ang isang Sophie Rilly Villaruz. Na sa hinaba haba man ng paghahabol or should I say paghihintay ko na mapasaakin siya, eto na oh, girlfrend ko na siya. Im head over heels inlove to her, at proud ako doon.

Ilang minuto na lang siguro ang hinihintay namin bago tawagin yung flight number ko. Kanina pa kami dito actually.

"Im going to miss you, Babe." Bulong ko sa girlfriend kong kayakap ko. Yup, kayakap in public place. So what? Gusto ko lang sabihin at ipakitang akin ang taong ito. Sophie is mine.

"I'll be missing you too Babe. But you need to go there di ba? Don't worry, hihintayin kita. Basta, remember what I said last night?" Oo naman, tandang tanda ko iyon. At hindi ko malilimutan. Iyon yung first time na pagbantaan ako. "Hindi ako nagbibiro doon Henley. So behave?" Tumango ako.

I kiss her head. Behave naman talaga ako. At hinding hindi ko gagawin ang nasa isip niya. I can't afford to lose Sophie. Hindi ko na siguro alam ang mangyayari sa akin kapag wala siya sa buhay ko. I love her, so much. Kaya mababaliw ako kapag iniwan niya ako. Corny mang pakinggan pero ganun talaga ang pagmamahal ko sa kanya.

"Trust me Babe. Hindi po ako magloloko doon. Ang dami kayang pwedeng magsumbong sayo. Pero hindi ko naman gagawin eh. Sobrang mahal kita at takot akong mawala ka sa akin kaya para gumawa pa ako ng kalokohan."

"I hope so Babe. Pero may tiwala naman ako sayo, minsan maharot ka lang kasi." Natatawa naman niyang sabi sa huling mga salita.

"Babe naman, grabe sa maharot."

"Totoo naman ah. Noon ngang nandito pa yung kaibigan mo, si Laura, ang harot mo sa kanya. Kulang na lang maghalikan kayo noon sa harap ko." Ngayon naman parang naasar na naman siya sa akin.

"Babe hindi ah. Kaibigan lang siya. Nagseselos ka ba?" I smirk.

"Ano? Selos? Hindi ah. Mas maganda naman ako doon." Tatanggi pa halata naman.

"Siyempre naman. Ganda-ganda ng girlfriend ko. Pakiss nga."

Akma na sana akong hahalik sa kanya pero hinarang naman niya ang palad. Swerte ng palad niya, nahalikan ako!

"Magtigil ka. Ayaw kitang ikiss. Inaasar mo ako." She pout after.

Ang cute niya magpout. Sarap talagang halikan.

"Anak, bantayan mo si Portia doon ah. Malapit ng manganak iyon. Kahit naman may mga pinsan kang kasama niya doon mas panatag ang kalooban ko na ikaw ang titingin muna sa kanya." My Mommy Sabrina said.

Oo, malapit na ngang manganak iyon. Magkaka-apo na sila ni Dada.

"Yes Mommy. Ako pong bahala sa kanya. I'll make sure na ligtas mo sila ng baby niya." Siyempre kapatid na namin iyon.

Ilang minuto lang ang lumipas ng tawagin na ang flight number ko.

Oras na.

"Paano ba yan, aalis po muna ako Mommy, Dada. Kayo na po munang bahala sa girlfriend ko. Mabilis lang ako doon. Hendrick, bantayan mo itong Ate Sophie mo ah? Baka may umaaligid, ipatapon mo agad." Natawa naman sila sa sinabi ko pero ang girlfriend ko kinurot ako pero hindi ko na lang pinahalata na masakit.

"Kung anong sinasabi mong bata ka. Oo, kaming bahala kay Sophie. Basta taposin mo agad yung pupuntahan mo doon." Dada said.

Yumakap na ako sa aking pamilya. I gave them hugs and kisses. And lastly, sa pinakamamahal kong si Sophie na.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon