Sophie
More than a year had passed. Patuloy lang ang buhay at hindi dapat huminto. Nadapa man tayo, babangon rin tayo. Hindi huminto ang buhay ko mula noong araw na iyon, kung saan iniwan ko siyang luhaan. I made myself busy. Sa work, sa bahay at sa iba pang paraan para lang hindi ko maalala yung nangyari. And I guess, it was effective.
Maraming nangyari din naman sa akin during those days like yun nga busy sa work, pero may iba rin gaya ng sinubukan kong magtravel sa ibang lugar, of course kasama ko yung kapatid ko. Every month, I make sure na may pupuntahan kaming lugar na pwedeng pasyalan. Pasalamat na lang ako na gustong sumama sa akin ng kapatid kong iyon.
And one more thing, I got suitors too. Sa labas man ng hospital o mismong nasa loob ng hospital. I entertained them para hindi sabihing masungit ako, but I immediately tell to them na wala silang makukuha sa aking pag-asa. Kung pagkakaibigan pa, pwede kong ibigay. Pero kung ang puso ko naman ang gusto nila, hindi ko pa kaya. Hindi pa handa. Wala pang espasyo para sa iba.
Pero may isa akong manliligaw na ayaw tumigil kahit sinabi ko na sa kanyang wala siyang makukuha sa akin. But he insisted na hayaan ko siyang ipakita at iparamdam yung nararamdaman niya sa akin. Pinilit ko naman itong patigilin pero ayaw din talaga. And he is Nelson De Guzman. Oo, yung doctor noon ni Henley. After two months, nag-umpisa siyang manligaw sa akin. He even asked permission from my parents. Pero nasa akin naman ang desisyon. At hanggang ngayon, patuloy pa rin ito.
Ayoko munang sumabak ulit sa pag-ibig. Hindi ako handa at ayokong pakawalan pa ang taong nasa puso ko. Oo, aaminin kong hindi pa ako nakakamove-on. What Im gonna do? Mahal ko pa siya eh. Sobrang mahal. No one knows my feeling even my parents. Ang alam nila, okay na ako. Pero ang totoo hindi pa. Ngumingiti ako sa harap nila na parang walang problema, pero sa loob-loob ko hindi ako masaya.
Alam kong alam nila na hindi ako okay. Pansin ko naman sa kanila kapag nagkakasama kaming pamilya. But they never asked me once.
"Sophie, may pa welcome party daw sa bahay ng mga Reidson." Daddy said. We are here inside my office at binisita nga ako nito ngayon.
Napa tingin naman ako sa kanya ng sabihin niya ito. Simula noon, madalang na lang akong makapunta sa bahay nila. Pero minsan naman nagkaka-usap kami ni Tita Sabrina sa phone.
"Welcome party? Kanino po?"
"For their grandson. Dumating na daw ang mga ito kaya may simpleng handaan lang. Mga kalapit pamilya at kaibigan ang imbitado."
Dumating na pala sila? Ano kaya iyon, bakasyon o dito na? Ewan.
"Ganun po ba. I guess, we are invited?"
"Yes, that's why Im saying it you now. Ano, sama ka?"
Kaya ko na bang harapin ang taong pinakawalan ko? Kaya ko ba?
Nag-isip muna ako ng ilang minuto bago sumagot. Naghahati kasi ang utak ko kung pupunta ako o hindi. Kung hindi naman ako pupunta, parang ang bitter ko naman. Pero kapag pupunta naman ako, makikita ko siyang masaya na. Ano nga ba?
"It depends, Daddy. Alam mo naman po yung trabaho natin, laging on-call." I answered. Playing safe.
Daddy look at me intently. Alam kong may gusto siyang sabihin pero hindi na lang nito tinuloy.
"Okay. If mag-bago man ang isip mo, pumunta ka na lang doon. Your Mommy and I are going to their house. Nakakahiya naman kung i-reject yung invitation nila. We are still friends." Saad niya.
Sa kabila ng nangyari sa aming mga anak nila, napanatili pa rin naman nila yung pagkakaibigan ng pamilya. That's good right?
After we talked, balik na kami sa pagtatrabaho hanggang sa mag-uwian na naman. But I guess, hindi ako makaka-uwi ngayon ng maaga kasi may emergency akong gagawin.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.