S2 Chapter 4

1K 42 10
                                    

Henley

Christmas and New Year's day had passed. We all celebrated it ng sama-sama. Maging sila Ate Heather and her family came to the house to celebrate with us. Minsan lang kami mabuo kaya naman nasulit namin ang araw na iyon.

Naging masaya rin ang mga magulang namin dahil sa mga apo nila, kahit na dadalawa pa lang ang mga ito at on-the-way  pa ang isa. Hindi lang naman sila ang naging masaya kundi kaming lahat. Naging kawawa ang mga anak namin dahil sa mga Tito at Tita nilang sabik sa kanila.

As for Laura, we just greeted her parents through video call. Hindi rin naman namin nakalimutan na batiin sila. Im thankful to them na tinanggap nila ako for their daughter.

Mula ng nagkatagpo-tagpo kami nila Sophie noong may handaan sa bahay, hindi na muli itong naulit. Okay na rin iyon, because we both know that it's the best for all of us. At yung time na ding iyon na Laura felt threatened that I might leave them, mas lalo kong pinadama at pinakita sa kanya na hinding -hindi ko siya iiwan. No matter what.

That's my promise to my baby boy na hindi ko sila iiwan. Kahit na iyon man lang sana ang pambawi ko sa kanila noong hindi ko sila pinili. I will never do it again.

Ngayon, busy kaming dalawa ni Laura sa pag-aasikaso kay Harry. Nagta-tantrums na naman kasi ito. May ugali kasi siyang ganito minsan, lalo na kapag bagong gising. Minsan mahirap patahanin pero minsan madali lang din.

"Tahan na baby boy. Mommy is here." Pang-aalo ni Laura sa anak namin. Patuloy kasi ito sa pag-iyak.

Ini-hehele lang niya ito para tumahan na kaso ayaw pa rin eh.

"Baka gutom?" Tanong ko.

"Katatapos lang niya kanina di ba." Tila nag-aalala naman nitong sagot.

Maingat kong kinuha sa kanya ang anak namin at ako na ang humele sa kanya. I even tried to baby talk to him. Sa una iyak lang ng iyak pero habang tumatagal naman ay tumahimik na. He's little sob is all we hear.

"May toyo ka yata anak." Natatawa kong sabi. Mahina naman akong pinalo sa braso ni Laura.

"Mana lang sayo." Sagot na lang niya.

Pagkatapos naming patahanin ang bata ay nilabas ko siya papunta sa garden. Kailangan niya ng sariwang hangin para kumalma na. The three of us sat on one of the bench.

"After I gave birth, siguro mga one year after mag tatrabaho na ulit ako." Biglang sabi ni Laura.

"You know my stand to that, right? Magtrabaho ka man o hindi, kaya ko kayong buhayin. So don't bother to go back in modelling. Sa mga anak na lang natin mo ituon yung time."

"Gusto ko lang naman na matulongan ka. Our family is getting bigger now."

"I get it. Just leave it to me. Mas gusto kong alagaan mo lang ang mga anak natin. And if they get old and you want to work, let's put up your own business." I kiss her head.

"Okay. Kung yan ang gusto mo, I'll do it for our kids." She smile at me.

Eto ang isa sa nagustohan kong ugali niya. Lagi niya akong iniintindi whatever I do and say. Nirerespeto ko naman yung gusto niya mangyari eh, yun lang at mas gusto kong alagaan na lang niya yung nga anak namin. As I've said before, financial is not a problem.

We talked for more minutes then pumasok na rin kami sa loob. My grandparents visited us kasi at gusto nilang makita ang anak ko so that's why. Ilang oras lang naman sila dito na bumisita.

Regarding to our vacation here, yes only a vacation, sa katapusan na ng buwan kami uuwi pabalik sa States. Staying here for two months are enough for us. May naiwan pa kasi akong business ko doon so kailangan namin bumalik. They can visit us naman to our house there.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon