Sophie
On the way ako ngayon sa bahay nila Henley para bisitahin si Portia. Hindi si Henley ang pakay ko at wala akong balak na bisitahin ang isang yan.
Dumaan muna ako sa isang bakery shop para bumili ng cake, nakakahiya naman kung wala akong dala. At ng makarating ako sa shop ay agad akong bumili ng isang ube cake at agad din binayaran.
Nang makarating sa tapat ng gate nila ay bumaba na ako at kinuha sa passenger seat ang binili. Nagdoor bell na ako at ilang sandali lang ay si Hera ang nagbukas nito.
"Hello Hera!" Nakangiti kong bati. Naka pambahay lang ito pero litaw ang kanyang kagandahan. Bata pa lang at kamukha niya si Tita Sabrina.
"Hi Ate Sophie! Pasok ka po Ate. Tara!" Ang saya naman niyang makita ako.
"Salamat. Heto oh, may dala akong cake para sa inyo. Sorry yan lang yung nadala ko ha?" Kasi balak ko ngang lumabas kami ni Portia.
"Naku tiyak mauubos agad ito Ate. Kasi ang hilig ni Portia sa matatamis. Sinusuway naman ni Mommy minsan pero alam muna, buntis po." Parehas naman kaming natawa sa huling sinabi niya. Oo naman kasi buntis nga.
Nagtungo kami sa may living room nila at saktong nanonood ng tv si Portia. Katabi naman niya si Tita Sabrina.
"Mommy nandito po si Ate Sophie at may dalang cake." Dahil sa sinabi ni Hera, nakita kong nagliwanag ang mukha ni Portia. Naku buntis alert!
"Hello po Tita and Portia." Nagbeso ako sa kanilang dalawa at naupo sa couch.
"Mommy." Tawag ni Portia kay Tita Sabrina. "Pwedeng kumain niyan? Konti lang po, promise!" Parang bata niyang paalam.
Alam kong bata pa talaga siya pero buntis na ito. Napatingin naman sa akin si Tita.
"Sophie, okay lang ba kumakain siya ng matatamis? Ngayong maselan ang pagbubuntis niya?" Makikita mo sa mata ni Tita na nagaalala na rin ito.
Ngumiti muna ako bago sumagot. "Okay lang naman po Tita, as long as hindi masobrahan. And Portia." Baling ko ng tingin sa bata. "You can eat sweets, pero alam mo dapat ang magcontrol. Hindi maganda sa nagbubuntis ang sobrang tamis."
Tumango naman siya at nagtawag ng maid si Tita para dalhan kami ng gamit.
"Ate." Tawag ni Hera sa akin. "OB na rin ang kukunin ko na specialist pag naka pasa ako." Masayang pahayag niya.
"Sure! Masaya ang maging OB, kasi alam mong nakakatulong ka sa kapwa mo babae pagdating sa pagbubuntis. Nakakagaan ng pakiramdam kapag nakita mong maayos ang panganganak nila." And that's true. Kaya eto ang kinuha ko pa.
Nagpaalam na ako kay Tita Sabrina na aalis kami, at isasama ko na rin si Hera tutal wala naman siyang gagawin mas magandang magka-girl bonding naman. Nope! Hindi sa sister in law bonding!
"Ate, paalam rin tayo kay Skyley lalo na lalabas etong bunso namin. Nasa Cebu kasi iyon." Tukoy ni Hera kay Portia.
Natawa kami pareho kasi napanguso si Portia ng tawaging bunso. In which is talaga naman bunso na nila ito simula ng tumira siya sa mga Reidson.
"Sige ako na ang tatawag sa kanya. Gusto ko rin siyang makausap Ate." Tumango ako bilang pagsang-ayon kay Portia.
"Hi Kuya Henley! Kinakamusta lang po kita." Nakikinig lang kami sa usapan nila.
"..."
"Opps sorry, baka nagpapahinga ka po naistorbo pa kita."
"..."
"Gusto ko lang po ipaalam na lalabas po kami. Kasama si Ate Sophie."
"..."
"Okay po."
BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.