Skyler Henley
Ilang araw matapos ang pangyayaring paghingi ko ng tawad sa magpapamilyang Villaruz ay hindi muna ako nagpakita sa kanila, specially to Sophie. Hindi naman ibig sabihin na sumuko na ako sa kanya, it's just that I only want to give her space and peace of mind. Alam kong nag-iisip pa siya kung patatawarin ba niya ako.
Sa ilang araw na hindi ko rin pagpapakita sa kanya, I contacted Laura para naman kamustahin ang buntis na naiwan ko doon. Nag-aalala naman ako para sa kanya, kasi kahit naman na okay na siya doon, alam kong nahihiya pa siya.
At ngayon nga ay balak ko ng magpakita at humingi na naman ng sorry kay Sophie. Sunday ngayon at alam kong nasa kanilang bahay lang nila ito. Ayos naman na ako sa mga magulang niya kaya siya na lang ang kailangan kong pagpursegihan.
Im on my way to their house. As usual, may dala akong bouquet of tulips. Iyon naman ang lagi kong dala at binibigay sa kanyan. Gustong-gusto nga niya ito eh.
Nasa tapat na ako ng bahay nila at hawak sa kaliwang kamay ang bulaklak. Hinhintay ko na lang na may magbukas sa kanilang gate.
"Ano po ang kailangan nila, Sir?" The guard asked.
Hindi niya ako kilala siguro nito pero ayos lang.
"Im hear for Sophie. Please tell her, Henley. Or kay Tita Samantha na lang."
Agad naman itong tinawag sa telepono at ilang sandali lang ng pagbuksan na ako ng gate.
"Salamat po!" Nakangiti kong sabi sa kanya. Sumaludo lang naman ito sa akin.
Pagpasok sa bahay nila, nakita ko si Tita na nasa living room at nagkakape lang ito. Wala ang asawa?
"Good morning po, Tita." Tawag pansin ko sa kanya.
Napatingin naman ito sa akin at ako ay sinenyasang lumapit. Pagkaharap naming dalawa ay bumeso ako sa kanyang pisngi.
"Ang aga mo naman, Henley. Tulog pa siya eh." Sabi naman niya.
Napakamot naman ako sa aking kaliwang kilay dahil sa oo nga, maaga pa ako ngayon. Alas otso ng umaga pa lang kasi.
"Pasensya na sa istorbo Tita. I just want to see and talk to her again po. To ask her forgiveness and kung papayag po kayo ulit, liligawan ko po siya."
Ngumiti naman siya sa akin. "I know Henley. Nakapag-usap na rin naman tayo so, okay lang sa akin at kay Riley. Basta huwag mo ng saktan ulit ang anak namin ha?"
Tumango naman ako bilang sagot. "Yes po Tita. Im sorry po ulit."
"Sige na, akyatin mo na sa kwarto niya. Tulog pa kasi iyon dahil sa late ng naka uwi kagabi dahil may emergency operation sila. Pati nga ang asawa ko eh."
Ngumiti rin ako sa kanya. "Baka po magalit si Sophie kapag ginawa ko iyon. Mas lalong madaragdagan ang galit niya." My smile turned to napangiwi.
"Hindi iyan. Akong bahala. Sige na. Alam mo naman ang kwarto niya di ba?"
"Opo. Sige po akyat na lang ako."
Nagpaalam na ako sa kanya at habang umaakyat sa hagdan ay nananalangin akong huwag sana siyang magalit. Utos naman ng Mommy niya eh.
Nasa tapat na ako ng kwarto at hindi ko na sinubukang kumatok. Luckily, it was not locked. I opened the door at sinilip ko muna siya baka kung ano pa ang makita ko di ba? But again, luckily ito ay tulog pa.
Pumasok na lang ako at maingat na sinara ang kanyang pintuan at hindi gumawa ng ano mang ingay.
I walked until Im beside her bed. Nilapag ko sa kama niya ang dala kong bulaklak. I sit on her bed. I look at her, she is really asleep. Medyo naka buka pa nga ng konti ang kanyang bibig pero hindi iyon nababawasan ng ganda niya. Magulo rin ang kanyang buhok. Inayos ko naman ang kanyang kumot. Nakalabas kasi ang isang paa na niya.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.