Chapter 26

1.4K 60 5
                                    

Skyler Henley

Matapos ang mahabang biyahe, sa wakas naka uwi na rin kami sa bahay.

"Welcome home, Henley!" Bati ni Lola.

Siya ang nagbukas ng pinto kaya siya ng unang bumati sa akin. Kaya naman yumakap ako agad sa kanya.

"Thank you Lola. Ito nga po pala si Portia. Iyong nakukwentohan niyo sa videocall." Minsan kasi, nagvivideo call sila para makilala daw nila ito.

"Oo ang ganda naman bata. Kamusta ang biyahe? Hindi ka naman ba nahilo o ano? Kamusta ang magiging apo ko sa tuhod?" Si Lola.

Alam rin naman nila ang sitwasyon ni Portia at tanggap nila ito. Iyon nga, apo sa tuhod ang tawag niya sa dinadala ni Portia.

Pumasok naman kami sa loob at agad kaming naupo sa sala. Naroon din ang Lolo na naghihintay. Agad ko siyang niyakap.

"Okay naman po, Lola. Medyo nahilo po kasi first time ko sumakay ng eroplano. Kinabahan nga ako noong una eh. Pero nag-enjoy naman ako sa biyahe." Si Portia.

Sinubukan ko na lang na libangin kasi siya sa eroplano. Bakas naman kasi sa mukha niya ang takot kanina. Ngkwentohan na lang kami about dito sa paninirahan niya.

Matapos naman ang kamustahan, agad kong dinala sa magiging kwarto niya, si Portia. Katapat lang nito ang kwarto ko. May kalakihan naman ang bahay nila Lola. Madaming kwarto, kasi dito minsan nagpupunta ang mga pinsan ko. Sa side ni Lolo.

"Ito ang kwarto mo dito ha? Doon naman sa tapat ang akin. Kung may kailangan ka, huwag kang mahihiya na magsabi sa akin. O kila Lolo at Lola. Pag may nararamdaman ka, sabihin mo agad sa akin ha?"

"Opo Kuya. Salamat po. Malaking adjustment siguro ang gagawin ko dito. Pero kaya naman. Ikaw ba Kuya Henley, may problema ba? Pwede mo po akong sabihan." Alam kong ramdam niya nga na may problema ako.

"Ayos lang ako. Huwag mo akong intindihin. Ikaw nga dapat ang alalayan ko dahil sa buntis ka. Lagot ako kay Mommy kapag may nangyari sayong masama at sa pamangkin ko."

Portia just nodded her head. Ayaw na siguro nitong magtanong pa dahil sa alam niyang hindi ko rin sasabihin.

Pareho kaming pagod sa biyahe kaya naman agad siyang nakatulog. Ako naman, imbes na matulog ang gawin ko, kumuha ako ng beer sa ref. Madami ang ganito dito sa bahay dahil nga sa mga bisita namin minsan.

Sa loob ng kwarto, doon ko na naman naisip si Sophie. Kung kailan mahal ko na iyong tao saka naman paghihiwalayin ni tadhana. Ang unfair naman.

"You are my happiness but I guess, I was not your happiness. Sino ba naman ako para hadlangan ka sa taong pinili mo? Siya ang ikakasaya mo so, susuportahan kita. Di ba sinabi ko na sayo noon ito. At eto nga, nagkatotoo pa."

Nakakailang bote na rin naman ako ng alak. Pero alam kong hindi pa ako lasing. Ang isip ko, nasa malayo, nasa iisang tao lang.

"Pero huwag kang mag-alala. Hindi kita gugulohin at hindi rin naman magtatagal, mawawala iyong sakit na nararamdaman ko."

"Mahal kita Sophie. Mahal kita."

Doon, humagulhol ako ng iyak. Ngayon lang ako umiyak ng ganito. Sobrang sakit talaga.

"Ano bang kulang sa akin? Dahil ba sa kakaiba ako? Dahil ba sa kondisyon ko kaya sa totoong lalaki ang pinili mo? Ang unfair naman Sophie, sobra."

------

Kinabukasan, tinawagan ko ang magulang namin para ipaalam na maayos naman kaming nakarating. Hindi ko na nga nagawa pang tumawag sa kanila kagabi.

Ibang number na ang gamit ko dito sa America. Hindi ko alam kung may tumatawag pa o nagtetext sa dating number ko. Sino naman ang mag-aabalang tawagan ako di ba?

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon