Chapter 7

1.6K 70 7
                                        

Sophie

Heto ako ngayon naka simangot pa rin. Paanong hindi eh kanina pa nandito si Henley sa office ko mula ng matapos ang lunch date namin nila Mommy. Hindi umalis! Tinataboy ko na nga siya kanina pero parang walang naririnig. Nadatnan nga kami ni Daddy na nagbabangayan eh  at ayun kausap niya ngayon dito ang parents ko sa loob ng office ko. Naka upo sila sa sofa at ako naman dito pa rin ako sa table ko.

Tumunog ang telepono ng office ko at sinagot ko eto. Napatingin naman sa akin si Henley kaya tinaasan ko ng kilay pero ayun, natawa lang sa akin.

"Yes hello, this is Dra Sophie Villaruz." Bati ko sa caller.

"Good afternoon po Dra Sophie. This is Nurse Berna from OB Ward, may irereffer po kasi kaming patient." Sabi sa kabilang linya.

"Sure, Im on my way now."

"Thank you Dra". At binaba ko na ang tawag.

I face my parents and also to Henley. Kahit papaano naman kailangan kong mag-excuse sa kanila. Ayaw kong maging bastos din kahit yung isang kasama namin eh bastos na.

"They need me now sa OB Ward po, Daddy and Mommy. So aalis muna ako." Paalam ko sa kanila. Pero hindi ko tinitignan si Henley, sa mga magulang ko lang ako nakatingin. They said that sila na ang bahala sa office so lumabas na ako.

Habang naglalakad, may naririnig akong nagchichismisang mga staffs.

"Sino kaya iyong gwapong nagpunta sa office ni Doctora Sophie?" Staff 1.

"Ewan ko girl! Baka boyfriend niya. In fairnes  ang gwapo nga eh. Nakaka-wet tingin pa lang!" Staff 2.

Napangiwi ako sa narinig ko sa kanila. Alam kong gwapo naman talaga si Henley pero yung last na sinabi nung isa? Oh my God! It's a big NO!

Nalagpasan ko na sila at tuloy pa rin sa chismis. Wala naman akong pakialam kung ano ang sinasabi nila kaya hinayaan ko na lang din. Binilisan ko na lang ang paglalakad papunta sa pakay ko at hanggang sa makarating na nga ako.

"Hi po Dra. Sophie! Eto po iyong record nung pasyente." Isang Nurse ang nag-abot sa akin at pinasalamatan eto. Binasa ko ang record niya at isang teenager pala eto.

Base dito sa record, she tried to abort the baby. And base na rin sa sabi ng Nurse, ayaw daw niyang tangapin ang baby sa sinapuponan niya dahil sa isang pagkakamali lang naman eto. She is 8 weeks pregnant at 16 years old pa lang siya. Naaawa ako sa kanya pero hindi tama na idamay yung baby. Kasi buhay pa rin naman iyon. She like it or not, buhay pa rin ang gusto niyang patayin.

Pinuntahan ko iyong pasyente upang kausapin at heto nga kaharap ko ngayon. Umiiyak at may nakita rin akong laslas sa kanyang wrist. Haayyy. Teenage pregnancy.

"Hi!" Bati ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin. "Im Dra. Sophie Villaruz, pero pwede mo akong tawaging Ate Sophie." Nginitian ko lang siya para gumaan naman ang pakiramdam niya. Pero tumalikod agad siya sa akin. "May I know your name?"

Hindi siya agad nagsalita at nakatalikod lang sa akin habang nakahiga. I gave her my handkerchief. "Eto oh, punasan mo na muna yang luha mo. Sige na." Im trying to make her feel good. Kinuha niya nga eto at nagpunas pa rin ng luha. Wala siyang kasama dito sa loob ng room niya. Kahit nga magulang wala siyang bantay.

Humarap na siya sa akin at naupo na sa kama. "Im Portia. Portia Rodriguez." Pakilala niya sa akin. Napangiti ako kasi okay na siya.

"Ate Sophie na lang itawag mo sa akin ah?" Tumango naman siya. "This may bring you a bad news pero huwag mong iisipin na bad eto." Tumango ulit siya. "Your baby is now safe." Dahil sa sinabi ko, para siyang nalungkot. Is she trying to abort the baby? "Don't feel sad Portia. Huwag mong kamuhian yung baby kasi isipin mong blessing mo siya."

Again she cried. "Paano ko po iyon gagawin kung dahil sa dinadala ko tinakwil ako ng magulang ko. Yung taong nakabuntis sa akin ayaw naman panindigan eto. Saan po ako pupunta Ate Sophie? Wala ng gustong makita pa ako dahil dito." Hinaplos ko lang ang kanyang likod habang umiiyak. Naiintindihan ko naman siya.

"Don't looked for them again. They don't deserve you." Sabi ng isang tinig mula sa likoran ko kaya napatingin ako doon. Only to see it's Henley. "Huwag mong ihabol ang sarili mo sa taong ayaw na sayo. Sila ang nawalan hindi ikaw."

Tinignan ko siya at sinenyasang tumahimik na kasi mas lalong umiyak etong pasyente. At saka bakit pala nandito eto.

"Henley stop. Hindi ka nakakatulong." Saway ko sa kanya. Napailing lang siya sa akin at naupo sa isang silya dito sa loob ng room. "Huwag mo siyang pansinin Portia."

"Ate boyfriend mo?" Tanong niya.

"Yes!/No!" Sabay pa naming sagot.

"No Portia. And she is not my boyfriend." Tingin ko kay Henley pero naka ngisi lang ang loko.

"Naku pakipot lang yang si Sophie, Portia. Soon she will be mine. Im Henley." Dahil sa sagot niya pinaningkitan ko ng mata.

Natawa naman etong pasyente at napatingi kami doon. "Ang cute niyo pong tignang dalawa. Bagay na bagay po kayo. Sana po huwag niyo pong pagsawaan ang isa't-isa." Sabi ni Portia.

Alam kong malabo yung sinabi niya pero dahil sa gusto kong maging okay yung nararamdaman niya nginitian ko na lang siya.

"Sure Portia! At kapag nagpakasal na kami, kukunin kong abay yang magiging baby mo. Kaya huwag mo na ulit subukang ipalaglag iyan. Aasahan ko siya sa kasal namin ah?" Henley said.

What is she talking? Hindi naman kami at bakit kasal agad? Ughhh! Nahihibang na siya!

"Opo Kuya Henley. Hindi ko na po gagawin ulit iyon. Salamat po Ate Sophie, napagaan mo po iyong pakiramdam ko." I know nagsisisi na siya sa ginawa niya. Mabuti naman.

"And about pala sa parents mo, ako ng bahala sa kanila. Kung ayaw ka pa rin nilang tanggapin, payag ka bang sasama ka sa akin?" Tanong ni Henley.

Im just listening to them. May ganitong side pala si Henley? Of course hindi ko alam dahil na sa pang-aasar lang naman ang alam niya gawin sa akin. Pero paano naman niya isasama si Portia incase nga na ayaw na ng parents niya.

"Talaga po? Siyempre po gusto ko sumama sayo. Kahit na kakikilala ko lang po sayo ngayon magaan na po yung loob ko sayo." Masayang sagot ni Portia pero agad din naman nalungkot. "At sigurado po akong ayaw na sa aking ng magulang lang ko. Mas gusto po nilang mawala na ako sa landas nila. At gusto ko na rin po umalis sa puder nila dahil sa lagi na lang pong sugal at paglalasing ang alam ng magulang ko."

I pity her. Swerte ko at hindi ganoon ang magulang ko. Hindi sila pabaya bagkus responsable silang magulang.

Iniwan ko na silang dalawa sa room ni Portia at nagpunta na sa office ko. Wala ng problema kay Portia dahil sa malakas ang kapit ng baby niya. Naupo ako sa swivel chair ko at napabuntong hininga. Pinikit ko ang mata ko dahil sa gusto ko etong i-relax.

"You are so beautiful Babe." Napamulat ako ng mata at nagulat dahil sa ang lapit na ng mukha ni Henley sa akin.

"Anong ginagawa mo pa dito? Pwede bang lumayo ka sa akin?" Irita kong sabi.

Lumayo nga siya sa akin pero hinatak naman ako patayo. Hinawakan niya yung dalawang kamay ko at magkaharap kami ngayon. "I admire you. Ang galing mo talaga dyan sa propesyon mo." Malumanay niyang sabi. At walang ano-anong niyakap niya ako. "Let's stay like this for a while. Please." Hindi na ako kumontra at niyakap ko na rin iyong kamay ko sa katawan niya.

I feel comfortable in her hug. Parang nailabas ko lahat ng stress ko dahil sa yakap niya.

Hayy Henley. What are you doing to me?

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon