Sophie
Halos takbohin ko na ang emergency room mula sa office ko dahil sa sinabi ni Daddy. Im so worried about Henley. Sobrang kaba ang nararamdaman ko ngayon at sana walang masamang balita akong madaratnan doon.
Nang makarating na ako sa tapat ng pinto ay siya namang paghawak ng braso ko ni Daddy at napatingin a toko sa kanya.
"Sophie, it's better you stay here. May umaasikaso na sa kanya doon." Sabi niyang may pag-aalala naman sa mukha.
"But Daddy." Angal ko naman.
"We both know the protocol, right baby? Baka mas magkaproblema pa kung nandoon tayo dahil sa pag-aalala natin. We should separate our work from our personal things. Alam natin anak na mas gagaan ang trabaho nila kapag hindi nila nakikita ang pag-aalala mo." Daddy is right naman.
"Okay po."
"Hayaan mo at pinili ko naman yung magaling na Doctor dito para gamotin siya. And it's Doctor Nelson De Guzman. You know him right? So, huwag ka ng mag-alala." Niyakap naman ako nito at hinalikan sa ulo.
I know that Doctor too. Bago lang siya dito pero kahit na bagohan ay pinakita naman nito ang galing niya sa paggagamot. Sana talaga malayo sa peligro si Henley.
"I called the Reed family. And they are on their way now. Buti si Joey pa ang nakausap ko at hindi ang Tita Sabrina mo. Baka mahimatay pa ito kapag sinabi ko ang masamang nangyari sa anak."
I nodded. Wala akong masabi at hindi ganun makapagsalita dahil sa kinakabahan din naman ako. Kahit naman na hiwalay na kaming dalawa, may pinagsamahan naman kami at siyempre, hindi ganun kabilis mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. I still love Henley, so much.
Ilang minuto lang din naman at dumating na ang mag papamilyang Reed. Tita is crying while Tito has a worried face. Even her siblings, Ate Hailey, Kendrick, at Hera. Wala ang isang kapatid nila dahil sa buntis na ito. Ate Hailey and Hera are crying too.
"Riley, anong nangyari sa anak ko?" Tita Sabrina ask while still tears are flowing down her face.
"Ate Sophie." Tawag naman ni Hera sa akin.
Agad ko itong niyakap at mas lumakas ang iyak nito. Close talaga kasi sila ni Henley.
"She got in to an accident. According to the initial report ng pulis kanina, Henley is under the influence of liquor at nabangga ang kotse niya sa truck." Mas lalong humagulhol sa iyak si Tita at nakayakap ito sa asawa.
Lahat naman kaming nakarinig ay mas umiyak. Hindi ko nga natanong kung ano ba ang nangyari talaga sa kanya kanina eh dahil sa sobrang kaba.
"Kumusta na ang lagay niya, Riley?" Tito Joey ask.
"Im sorry, pero hindi ko pa alam sa ngayon. I and Sophie decided to stay here outside at huwag ng makisali doon sa loob. Because we both know na mas magandang huwag kami doon makialam, baka madala lang kami ng bugso ng damdamin makagulo lang kami. But I make it sure naman na ang pinili kong Doctor ay yung pinakamagaling in this case." Daddy explained.
Naintindihan naman nila ito at tahimik naman kaming naghihintay sa balita kung ano ang lagay niya. Tita is still crying habang inaalo ng asawa. Ako naman ay nakayakap kay Daddy. Tinawagan na kanina ni Daddy si Mommy at sinabi ang balita. Naka uwi na kasi ito kanina at kami ni Daddy ang naiwan.
Minutes later naman ay lumabas na ang assigned Doctor kay Henley.
"Doc Villaruz, the patient is stable now. But unfortunately, she got injuries. May bali ang kanang kamay niya pero hindi ganun kagrabe. Ganun din sa kanang paa niya. Madadaan pa naman sa therapy ang lahat." Doctor De Guzman said.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.