Chapter 6

1.6K 68 3
                                    

Sophie

"Knock knock!"

I heard someone knocks on the door. Narito ako ngayon sa office ko dito sa hospital. Ilang araw na rin ba ang nakalipas nung gabing may naganap na halikan sa amin ni Henley? Mga tatlo na yata. Hindi ko na alam pero hanggang ngayon, ramdam ko pa rin sa labi ko ang kakaibang pakiramdam ng maglapat ang aming mga labi. Her lips was so soft, it taste sweet too. At itanggi ko man eto ng madaming beses, she's a good kisser. Madadala ka talaga sa kanyang halik.

Ngayon nga eh nakahawak pa rin ako sa labi ko. Iniisip ang nangyari sa amin. At kung hindi pa ako nataohan sa paghalik niya sa leeg ko baka kung saan na kami nakarating. Nakakadala talaga ang mga halik niya.

"Uh I guess wrong timing ako?" And I heard someone talk. Napatingin ako sa may pinto at nagulat akong si Mommy pala eto. Naku, nahuli niya akong nakahawak sa lips ko! "What's wrong Sophie?" Dagdag niyang tanong.

I sigh before I answer her. "Nothing Mommy. Just thinking on my patient this morning. Medyo maselan kasi yung pagbubuntis niya, so that's why." Rason ko. Ayoko namang sabihin kila Mommy yung nangyari sa bahay ng mga Reidson. They will just tease me. Knowing them? Botong-boto kaya sila kay Henley.

"Oh okay. Walang ibang problema anak?" Umiling lang ako bilang sagot. Umupo si Mommy sa chair na nasa harap ko. "Pinapunta ako dito ng Daddy mo kasi she is requesting that we should have our lunch later sa labas. Okay lang ba anak?"

Napa-isip naman ako, wala naman akong gagawin mamaya at tapos ko na yung check-ups ng pasyente ko. So pwede na ako.

"Sige po Mommy. Im clear this lunch." Nakangiti kong sagot.

Matapos ang konting pag-uusap namin ay lumabas na siya. Inabala ko na lang ang sarili ko habang hinihintay ang oras ng labas namin. Kesa naman isipin ko si Henley. That smirk on her lips!

Lunch time na at heto kami, nasa iisang kotse papunta sa restaurant kung saan daw kami kakain sabi ni Daddy. Nasa backseat ako at silang dalawa naman sa harap habang si Daddy ang driver namin. Tahimik lang ako habang sila naman ay nag-uusap on random things.

"Baby, narito na tayo. Tara na ipa-park lang ni Daddy ang kotse." Tawag pansin ni Mommy sa akin. Ganoon na ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko namalayan na nakarating na pala kami.

We go first at sinabi namin sa front desk ang reservation nila Mommy. May isang crew naman na naghatid sa amin sa table at nagtaka ako bakit five seats eh tatlo lang kami. Ah baka kasali si Silver. Mabuti pa nga para naman magkakasabay kaming pamilya.

Naupo na kami ni Mommy at hinihintay si Daddy. Hindi naman nagtagal at kasama na namin siya. Hindi rin nga ako nagkamali sa naisip kasi kasabay na niya si Silver. "Hello Mommy! Hi Ate!" He greeted us with that jolly vibe.

Nasa huling taon na siya ng pag-aaral sa college at hindi pagdo-doctor ang kinuha niya. Sa una, parang ayaw pa sana ni Daddy iyon pero kinausap naman siya ni Mommy na tangapin yung gusto niya. Okay lang din sa akin kung hindi siya tumulad sa yapak ng magulang namin. Ang importante masaya siya sa kinuha niyang kurso. Business course.

"Hello too, Silver." Bati ko sa kanya. Nasa isang pabilog kaming table. Magkatabi sila Daddy at Mommy habang katabi naman niya si Silver. Katabi ko si Daddy pero sa kanan ko bakanteng upoan.

Kinuha na nila ang order namin at hinihintay na lang na iserve. When this brother of mine speak of something na ayaw ko na sanang maalala. Ang galing rin kasing mang-asar nito!

"Ate, bakit nga pala pulang-pula ka noong lumabas ka sa bahay ng Reidson? At saan ka galing?" Makikita sa mukha niya ang nakakainis na ngisi. Maybe he knows something!

Inirapan ko muna siya bago magsalita. "Ginamot ko lang iyong sugat ni Henley." Maikling sagot ko. But he looked at me with his smirk. Kaya naman pinaningkitan ko siya ng mata.

"Eh bakit ang tagal naman yata?" Hirit pa niya. Ughh! Kanino ba eto nagmana?

"Alam mo naman na makulit siya. Kaya medyo nagtagal." Totoo naman eh. Ibang kulit nga lang ang ginawa.

I looked to my parents at nakangiti lang sila. What's with them? Pati ba naman sila mang-aasar rin? Pero hindi na natuloy ang usapan kasi saktong dumating na ang order namin. Save by the foods!

Tinapos namin ang lunch date naming magpamilya ng masaya. Hindi na nangulit pa si Silver. At mabuti nga iyon. Ayokong magsinungaling sa parents ko. Kaya pagkatapos namin, diretso kami ulit sa hospital habang iyong kapatid ko naman eh babalik pa sa University niya.

Habang papasok kami sa entrance ng hospital, napansin kong parang may tinitignan ang mga staffs at parang kinikilig. May artista ba? Nagtuloy lang kaming naglakad at nakahawak ako sa kanang braso ni Daddy habang sa kaliwa naman si Mommy. Kahit na may edad na ako, still they treat me as their baby pa rin. Mas sweet kasi ako kesa kay Silver.

"Doctora Sophie, may naghihintay po sa office niyo." Bungad sa akin ng assitant nurse ko. Napatingin sa akin ang parents ko. Asking maybe who is it.

"Thank you Charice. Pupunta na ako doon." Sagot kong nakangiti. "Kayo po, pupunta na ba kayo sa office niyo?" I asked my parents. At parehas silang tumango at nagpaalam na kami sa isa't-isa. Ako naman diretso na sa office ko.

Habang naglalakad ako, parang bumibilis ang tibok ng puso ko papalapit sa pinto ng office. I don't know why Im feeling this. At heto na nga, naka tayo ako sa harap ng pinto at huminga ng malalim at pinagsawalang bahala na lang iyong bilis ng tibok ng puso ko. I opened the door at isang taong nakatalikod sa akin ang nakita ko. Mas bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kilala ko siya.

"Hi Babe!" She greeted me with that signature smirk on her face.

Pinaikotan ko siya mata at diretso na sa table ko. Pinatong ang dala kong bag doon at naupo sa swivel chair.

"Why you here, Henley?" I asked. Pero hindi ko siya tinitignan sa mukha. Kasi naman feeling ko pulang-pula na ako. Naalala ko kasi yung, basta iyon! Kita ko sa peripheral vision ko na naupo siya sa harap ng table.

"I want to see you and give you this." Sabi niya at napa-angat na ang mukha ko dahil sa kuryosidad kung ano bang iyong sinasabi niya. Maayos na rin iyong mga sugat niya hindi na ganoon kavisible.

Isang bouquet of tulips ang nasa harap ko at hawak-hawak pa niya. Mas naging pula na ata ang mukha ko. I shouldn't feel this! Dapat magalit ako sa kanya!

"Gusto ko lang mag-sorry about the last time we saw each other. I didn't mean to harassed you or whatever you may think." Sincere niyang sabi. I know totoo ang sinasabi niya. "Pero, I can't resist you that night. Kaya nagawa ko iyon. But you know, let's practice more kasi naman hindi ka marunong humalik!" Dagdag niya.

Okay na sana. Okay na eh! Bakit naman ganoon pa yung sinabi. Nakakainis! Kaya naman ng makita ko iyong isang ballpen sa table ko binato ko siya neto at nakaiwas naman siya! Ughhh!!! Ayon tawa ng tawa!

"Stop Babe! Im just teasing you. Pero kung okay lang naman sayo, practice tayo?" Talagang ayaw paawat!

Kukunin ko na sana yung bouquet para ibato sa kanya pero napag-isipan kong maganda naman iyon kaya binawi ko na lang. "Nagpunta ka lang talaga dito para asarin ako ano? Lumayas kana nga sa harap ko! Nakaka-imbyerna yang mukha mo! Layas!" Galit kong sabi. Kasi naman sinong sasaya sa sinabi niya? Eh sa wala pa naman akong naging boyfriend para makipaghalikan!

"Okay I'll stop na. Ang pikon mo talaga Babe!" Tumigil na nga siya sa kakatawa ata naupo ulit. Kanina kasi nung binato ko siya ng ballpen nakatayo agad kaya naiwasan. "Bagay sayo yang necklace na bigay ko. Huwag mo iyan tatangalin para alam nilang akin ka."

"Who said that Im yours? Walang tayo Henley so stop dreaming. Ilang ulit ko bang sasabin sayo iyan?" Kumalma naman ako konti. Nakakainis lang talaga.

"Ako ang nagsabi. Remember what I said to you before? I like you and I will win your heart Babe. Trust me, maiinlove ka sa akin!" With confident pa niyang sabi. Bakit ba ang yabang niya!

"Nope! That will never gonna happen Henley. I will not fall for you!" Madiin kong sabi.

We will not end up being an item.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon