Sophie
"Paging to Dra. Sophie Villaruz, please proceed to Emergency Room."
Dinig ko mula dito sa office ko ang pagtawag sa akin mula sa pager ng buong hospital. Marahil hinahanap lang ako ng Mommy o di kaya si Daddy. Doon kasi sila naka assign ngayon at kahit may edad na silang dalawa, hindi pa rin nila gustong magretiro sa paggamot. Ika nga nila, gusto nilang makatulong sa mga nangangailangan ng tulong pagdating sa panggagamot.
My Mommy and Daddy, you can see them na sobrang mahal nila ang isa't-isa kahit na ilang taon na ang lumipas. Dalawampu't anim na taon na ako, ganoon rin katagal lumipas ang panahon at makikita mo pa rin sa kanilang dalawa ang pagmamahal at pag-aaruga. Ang swerte namin talaga ng kapatid ko na sila ang magulang namin. We always feel loved.
Lumabas na ako sa aking office and nagtungo na sa Emergency Room. Suot ang white coat, at ang stethoscope na nakasabit sa aking leeg. Dito pa rin sa hospital nila Daddy ako nagtatrabaho dahil sa gusto kong tulongan na mapalago rin etong minana namin mula sa mga grandparents namin. At dahil na rin upang makatulong sa mga hindi kayang magpahospital na simpleng tao.
"Anak bakit ang tagal mo?" That is Mommy asking. Pang Miss Universe pa rin ang kanyang tindig. Maganda pa rin siya kahit na may edad na.
"There you are, Doctora Sophie Villaruz." And that is also Daddy. Parehas sila ni Mommy, parang hindi nga tumanda eh. Ang gwapo pa rin niya, kaya naman inlove na inlove ang Mommy sa kanya.
"Bakit po niyo ako pinapatawag? May pasyente po ba tayo ngayon na kailangang tulongan?" I asked.
Sinalubong kasi nila ako agad sa pinto pa lang kaya hindi ko makita kung anong nangyayari sa loob. Nakaharang naman kasi sila.
"Ahh meron anak pero hindi naman ganoon kaseryoso yung natamo ng pasyente. Konting galos lang naman." Habang sinasabi eto ni Daddy ay napapatingin siya kay Mommy. Na para bang humihingi ng tulong? Ewan ko ba.
Sinubukan ko ulit lingonin ang pasyente sa loob pero naka harang si Mommy. Sa tangkad ba naman niya. Pero isang blonde na kulay ng buhok ang nakita ko.
"Ganoon po ba, tara na po sa loob para magamot natin." Magalang kong sabi.
Nagkatinginan silang dalawa at hindi ko alam kung anong meron sa titigan nilang dalawa. Kaya naman nilagpasan ko na lang sila baka nagmo-moment na naman.
Nakatalikod sa akin yung pasyente at naka upo sa isang bed dito sa loob. Sa nakikita ko, hindi naman siguro talaga ganoon kaseryoso yung natamo neto. Pero bakit ako pa kaya ang tinawag nila. Eh parehas naman kami ni Daddy na Surgeon. Yun nga lang, may specialists pa akong isa. Ang pagiging Obstetrician.
Lumakad na ako papunta sa harap ng pasyente para makita ko kung ano bang nangyari sa kanya pero napatigil ako sa pagsasalita sana para tanongin ang pangalan at nangyari sa kanya. Dahil sa pag-angat pa lang ng mukha niya, yung nakakainis ng ngisi niya ang bumungad sa akin.
"Hi, Sophie Babe." Yan agad ang bungad niyang salita sa akin.
Agad nasira ang mood ko pagkakita ko pa lang sa kanya. Alam kong mang-aasar at mangungulit lang sa akin eto. Ewan ko ba, kapag nakikita ko siya naiinis ako. Oo, magkababata kami pero hindi ko magawang maging kaibigan eto. Alam kong mabait naman siya. Matalino, maasahan pero kasi naiinis pa rin ako sa kanya. Naalala ko yung ginawa niya sa akin noong bata pa lang kami. Siya kaya unang nakahalik sa akin liban sa parents ko.
"Ah Henley, si Sophie na muna ang aasikaso sayo dito. Kailangan kasi kami sa office. Anak ikaw ng bahala sa kanya." Napatingin ako kay Daddy sa kanyang sinabi.
Bakit ako? Alam naman nilang hindi kami magkasundo. Haayss. Wala na akong magagawa iniwan na nila sa akin etong isa dito.
"So, its you who will take care of me. I like that!" Mapapansin mo ang pagngisi niya at ang pang-aasar sa akin sa pananalita pa lang.
"Well ako ang inatasan ng magulang ko so better start this non-sense game of yours. Marami pa akong gagawin." May pagkamasungit kong sabi.
Hindi ko talaga gusto ang makipag-usap sa kanya. Mabait ako pero pagdating sa kanya, ewan ko na.
"Hey Babe that's rude. Im not playing games here. See this scratches in my head? Nakuha ko po eto dahil sa nabagsakan ako ng semento sa construction site kung saan dinalaw ko ang Ate Hailey." Naka simangot na niyang paliwanag. Inikotan ko siya ng mata dahil sa kung ano pang palusot. Dahil lang naman eto kasi sa pagigiling makulit kaya natamo niya iyan.
"Whatever you saying Skyler Henley. Akin na at gagamotin ko. Baka ma-infection pa yan." Kumuha ako ng bulak at betadine pang linis na rin.
"Wow, may concern na ang Babe Sophie ko." Napairap ako sa kanya at napadiin ang panglilinis ko sa sugat niya. "Ouch. Dahan-dahan lang naman." Reklamo niya. Buti nga sayo.
"Excuse me lang ha? Pwede bang tigilan mo ang katatawag sa akin ng Babe? We are not an item here Skyler. Oopps! Huwag ka magreklamo, didiinan ko ulit etong ginagawa ko sayo." Totoo naman, walang kami kaya naiirita na ako sa katatawag niya sa akin ng ganyan.
Natahimik naman siya ng ilang minuto kaya tinapos ko na ang panggagamot sa kanya. Madami nga siyang gasgas eh. Meron sa noo, sa siko, meron din sa mga daliri niya. Kung bakit naman kasi saan nagpupunta eto. Sa tagal naming hindi nagkita sa ganitong paraan pa pala kami ulit magkakaharap. What a nice meeting place.
"Thank you Babe..oopps Sophie. You know what? Hayaan mo na akong tawagin kita ng ganoon. Saan ba tayo hahantong eh doon rin naman. Magkakatuloyan naman tayo. Magiging asawa kita. Remember what I said to you before?" She said.
I know, yung sinabi niya noong birthday ko nung bata pa kami. I blushed a little bit. Kung saan rin hinalikan niya ako.
"Dream on Skyler. That will never happen. We will not end on each other. Ayoko sa womanizer. I know you!" Sagot ko sa kanya habang nakahalukipkip sa harap niya.
"Believe me Babe, You and Me, will end up each other. At kaya lang naman ako nambabae kasi hindi mo pa ako sinasagot. Ang tagal naman kasi Babe!"
Tinalikoran ko na siya at lumabas na ng E.R. Bahala siya dyan kung anong sinasabi.
Nagtungo ako sa office ng parents ko at kumatok. I open the door and they are seating on the couch. Umupo na rin ako sa pang isahan. Nakasimangot na naka tingin sa mga magulang ko.
"What's with that look baby?" Daddy asked. At dahil sa pinangalan niya sa akin mas napasimangot pa ako. Tinawanan lang naman ako ni Mommy.
"I know Sophie kung bakit ka nagpunta dito. Anak, di ba magkababata naman kayo ni Henley. Tsaka ang tatanda niyo na para pa rin kayong mga bata kung mag-away." Mom said.
I sigh. Mommy was right. Sa tuwing maghaharap kasi kaming dalawa lagi kaming nag-aaway. Uhm I should say ako ang nang-aaway kay Skyler.
"But Mom, sana hindi niyo na lang ako tinawag kanina para gamotin siya." Parang bata kong reklamo.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay pang natawa sa akin.
"Sophie anak, matagal na kayong hindi nagkita ni Henley. Ngayon nga lang iyon naka-uwi dito eh tapos ayon pa nangyari sa kanya. She asked me if where are you so that's why pinatawag kita." Daddy said .
Tama naman sila, matagal kaming hindi nagkita mga 3 years yata, kasi naglagi siya sa America. Ang alam ko yung negosyo kasi nila doon ang hawak niya kaya matagal siyang hindi umuwi dito.
"And anak, she invited us na bumisita sa bahay nila. Later doon tayo magdinner."
With what Daddy said, sumuko na ako sa pakiki argue sa kanila. Now, what else can I do? Para hindi ako sumama sa kanila.
"Uh-uh! Nope Sophie. Alam ko kung ano ang nasa isip ko. Mommy knows you baby. Sasama ka mamaya."
Wala na nga talaga akong takas. Magkikita at magkikita pa rin kaming dalawa.
Skyler Henley Reidson, ughhh!

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.