Chapter 41

1.2K 52 2
                                    

Skyler Henley

It's the last day of our vacation. Gustohin ko mang i-extend pa ito pero kailangan ko rin kasing bumalik sa America para ayusin ang naiwan kong negosyo.

Balak ko na kasing iwan yun at sa mga pinsan ko na lang ipapamahala. I want to stay here in Philippines para lagi na kaming magkasama ni Sophie at hindi na ako lalayo sa kanya. Ngayon pang mas lalong gusto kong manatili ngayon dito dahil sa mas dumagdag pa ang rason, dahil sa pagsagot na sa akin ni Sophie.

Sobrang saya ko nga ngayon eh. Atlast, I can finally call her mine, mine alone. Gagawin ko ang lahat maramdaman niya lang na mahal na mahal ko siya. Aalagaan ko siya na parang isang mamahaling kotse at hindi ko hahayaang may manakit sa kanya. Lahat-lahat gagawin ko para sa kanya, ganun ko siya kamahal.

Kung kailangang isugal ko ang buhay ko para sa kanya, gagawin ko.

I'll make her happy too, always.

"Ready na lahat? Wala ng naiwan sa room?" Pagtawag pansin ni Sophie sa akin sa malamim kong pag-iisip. Kahit na siya lang naman ang nasa isip ko ngayon.

Nasa loob na kasi kami ng kotse at palabas na ng parking area ng hotel. Naka checked out na rin kami at heto nga, ready ng umuwi.

"Yes Babe, I checked our things kanina. Yung mga pasalubong naman natin sa kanila nasa iisang bag na. Yung gamit natin, okay na."

"Okay. Sige na, alis na tayo para hindi na tayo gabihin masyado. May-aayos kapa ng gamit mo pagdating natin sa bahay niyo."

"Konti lang naman ang dadalhin ko. May mga damit na rin ako doon. Yung mga pasalubong ko lang naman ang karamihan na dadalhin." At mina-obra ko na ang kotse palabas ng hotel.

Actually, maaga pa naman, mga alas nuebe pa ng umaga. Pero dahil sa napagpasyahan naming dapat maka uwi ng maaga, kasi nagpaset kami ng dinner kasama ang both families namin. Siyempre, we are proud to announce to them na kami na. Pero hindi nila alam pa ito, sa dinner na lang.

"Bigay mo kay Portia yung pasalubong ko ah?" Kita kong humarap siya sa pwesto ko.

"Yes Babe. Makakarating." Ngiti ko namang sagot.

"Thank you!" And she kisses me three times on my cheek.

We giggled both. Ang clingy na nga niya ngayon eh, pero siyempre gusto ko naman ito.

Habang nasa daan pa kami pauwi, hindi ako tinulogan ni Sophie kahit na sabihin kong matulog muna siya dahil sa mahaba pa naman ang biyahe. Gusto daw niyang samahan ako na dilat ang mata.

We talked random things. Walang oras na hindi nagkukwentohan lang kami sa loob ng kotse. And this vacation we had was so amazing and memorable.

Ilang oras din ang binyahe namin at nasa harap na kami ng aming bahay, bahay ng parents ko. We decided na dito na lang muna kami dumeretso and mamaya ko na siya ihahatid.

Pagpasok ng bahay, nasa sala naman ang mga magulang ko at ang heto na naman sila, walang mintis sa paglalambingan.

"Someday, ganyan rin tayo pag matanda na. Parehas paring kinikilig sa isa." Bulong ko kay Sophie.

"Then, Im willing to wait for that time." At ngumiti siya.

Tumuloy na kami sa sala at pinutol na namin ang paglalambingan nila Dada at Mommy.

"Ang aga niyo nakarating ah. Pahinga muna kayo. Kumain na kayo?" Tanong ni Mommy.

"Yes po Tita. Dumaan na lang kami kanina sa drive thru para diretso na ang biyahe." Sagot naman ni Sophie.

"Hindi ba kayo nagugutom niyan? May pagkain pa naman doon, ipaghahanda ko na lang kayo?" Maalalahanin talaga si Mommy.

"Mommy, ayus lang po kami. Busog pa po." Ako na ang sumagot sa kanya.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon