Skyler Henley
Matapos ang gabing may nangyari sa amin ni Laura ay agad din kaming lumabas ng hotel. Hinatid ko muna siya sa hotel kung saan siya naka check-in at tumuloy na ako sa condo ko.
Dalawang araw na rin ang nakalipas at heto nga kami, kasama ko na naman sila dahil sa pangako kong ipapasyal ko sila. Narito kami ngayon sa Cebu dahil sa gusto ko silang ipasyal sa may madaming tanawin. Sa una sa Boracay sana kaso doon daw sila nagstay ng ilang araw bago kami nagkita-kita.
Sinubukan kong isama ang pamilya ko pero lahat naman sila ay busy. Si Dada at Mommy busy sa isa't-isa. Ang kambal ko namang mga Ate busy rin sa kompanya at lovelife nila. Si Hendrick at Hera naman ay may klase habang si Portia, na parang kapatid na rin namin ay hindi pwedeng magbyahe pa sa ngayon. Kaya ako lang ang nandito.
I also try to convince Sophie to come with me, kaso ayun, siyempre ayaw niya di ba. So hinayaan ko na lang rin. And until now, Im still thinking kung nagtataksil ba ako sa kanya dahil sa may nangyari sa amin ni Laura. But deeper in my mind said that, Im not. Literally, wala naman talagang pagtataksilan dahil sa wala akong karelasyon. Pero kasi, nanliligaw ako sa kanya. But! She doesn't allow me to court her. Ang gulo diba?
"What are you thinking boo?" Tumabi siya sa pagkakaupo ko dito sa isang bench. Narito kasi kami sa isang beach resort. Knowing them? Mas gusto pa nilang nasa dagat kesa sa bundok.
"Nothing. Just tired." Half lie. Ayaw ko namang saktan ang feelings ng kaibigan ko kapag sinabi kong nagsisisi ako sa nangyari sa amin.
Nanatili lang kaming naka upo at naka tanaw sa dagat. Ang dalawa naming kasama naman ay ayun, lumalangoy na sa dagat. Ayaw paawat kasi eh kahit kadarating pa lang namin nag-aya na silang maligo.
Im wearing a green trunk shorts. Walang pang-itaas. If you are wondering, parang lalaki na rin kasi ako. Ang built ng katawan ko parang lalaki dahil sa lagi akong nag-gigym. Iyong dibdib ko naman eh wala. I mean walang umbok gaya ng isang babae. Mas dominant ang testosterone sa katawan ko kaya naman hindi lumalaki eto. Kaya naman katawang lalaki na ako, plus that thing between my legs. Pero pinanganak akong babae. Just like Dada, we're the same. Mas nadeveloped na lang ang katawan ko as puberty hits me.
"Did you find that girl? Yung sinasabi mo sa akin noon na gusto mong ligawan pagdating mo dito sa Pilipinas?" Napatingin naman ako sa kanya. Alam kasi niya about kay Sophie. Sa aming tatlo, sa kanya ako laging nagkukwento about sa mga pangyayari sa buhay ko. Even about Sophie.
"Yeah, her family and mine are family friends. Kaya madali lang iyon hanapin."
"Oh nahanap mo pala agad, so nanligaw kana?" Medyo alanganin ko naman siyang nginitian. "What's with that look?"
"Kasi may problema." She didn't talk and I guess she's saying ituloy ko. "She doesn't want me to court her. And I think she hates me too." Nakayuko kong sabi.
Isang batok sa ulo ang binigay niya sa akin. "What was that for?" Sabay kamot binatokan sa akin. Medyo masakit kaya.
"Weak!" Sabay irap sa akin kaya napasimangot ako. "You gonna give up that easy boo? I thought no one dares to reject Skyler Henley Reidson? Huh?" Taas kilay niyang tanong.
Minsan nakakatakot rin itong magalit dahil sa mapanakit siya. Pero ayos lang iyon dahil sa may sense naman ang pananakit.
"Of course not! Just that, I can feel her hate towards me. I don't even know why she hates me that much." Malungkot kong sabi.
"I have something in my mind. I'll help you to win her. Ang hina mo naman kasi. Sa America naka ilang girlfriends kaba? Ah marami pero walang tumatagal pala. Tsk." Okay na sana eh.
Yup! I had a lot of girlfriends before. Kaso walang tumatagal dahil sa minsan madali akong magsawa or minsan dahil sa pagiging babaero ko. I can't find contentment to them. Kaya ko iyon nagagawa.
"Okay na sana Laura, humirit kapa. Tsaka ano naman iyang nasa isip mo ngayon? Sigurado kabang matutulongan mo ako or baka worst, mas magalit si Sophie sa akin."
Tumayo naman siya sa pagkakaupo at naglakad ng ilang hakbang mula sa bench kung saan siya nakaupo. Nakatayo siya ngayon paharap sa akin at kitang kita sa kanya ang hubog ng kanyang katawan. Ang sexy niya talaga and Im one hella lucky person to touch that body of hers. Huh perv mind!
"Trust me. Magugustohan ka niya sa gagawin ko. At baka nga sagotin ka agad eh. But!" Pabitin pa niyang sabi. "May kapalit ito boo. You know what I mean!" Seductive niyang sabi sa huli.
Napailing na lang ako at natatawa habang pinapanood siyang papalayo sa akin at tumampisaw na sa dagat. Mens are drooling ng makita siyang naglalakad kanina. Who wouldn't drool on her? Kung para siyang si Elsa Hosk sa katawan, may konting abs at ang liit ng bewang, kung para siyang si Stella Maxwell sa mga binti niyang mahahaba, kung para siyang si Catriona Gray sa ganda niya.
That gal is a temptation!
Tumakbo na rin ako papunta sa kanya para maligo na. Pampatanggal init ng katawan!
--
Nakahiga, nakaupo, at naka tihaya. Yan ang pwesto naming apat dito sa Villa na inupahan namin. Pagod kaming maghapon dahil sa madami kaming ginawa. Naroon ang paglangoy, pamamasyal, at mga water activities kaya drained kaming lahat.
"Where we will eat our dinner buddy?" Tanong ni Brandon.
Hindi ako agad nakasagot dahil sa pagod pa rin ako. Nakahiga ako dito sa isang sofa habang nasa ibabaw ko namang nakahiga si Laura. Walang malisya sa kanila kung ganito man kaming dalawa dahil sa alam nilang ganito na kami noon pa. Clingy.
"I don't know, maybe we search a resto later?" Sagot ko naman.
Isang hummed lang ang narinig ko at marahil pagod pa rin sila. Nasa ganoon pa rin kaming pwesto ng magring ang phone ko kaya naman inabot ko na lang eto sa mesa para hindi maistorbo sa pahinga ang nasa ibabaw ko.
"Hello Portia?"
"Hi Kuya Henley! Kinakamusta lang po kita."
"Ah ganun ba. Okay naman ako, eto pagod."
"Opps sorry, baka nagpapahinga ka po naistorbo pa kita."
"Hindi naman. Napatawag ka?"
"Gusto ko lang po ipaalam na lalabas po kami. Kasama si Ate Sophie."
Dahil sa narinig ko ang pangalan niya para akong nabuhayan.
"Pwede paka-usap naman sa kanya?"
"Okay po."
"Sophie? Babe?" Tawag ko sa kabilang linya. Napatingin naman sa akin si Laura ng marinig niya eto at mas sumiksik pa sa leeg ko sa may banda kung saan ang phone ko. Marahil nakikinig.
"Oh bakit?" Masungit niyang sagot.
"Ang sungit mo naman Babe. Saan kayo pupunta?" Tanong ko.
"Boo let's sleep. Pagod pa ako." Sabi ni Laura kaya naman napatingin ako sa kanya pero naka ngisi naman siya. Alam kong narinig iyon ni Sophie. Kaya sinenyasan niya akong ituloy ang pakikipagusap kay Sophie.
"Okay, kausapin ko lang eto. Hello Sophie?" Natatawa naman si Laura sa pinaggagawa.
"What?"
"Saan kayo pupunta?"
"Mall." Maikli niyang sagot.
"Boo, Im hungry. Labas na tayo. Oopps. Magbibihis muna pala tayo." That's Laura. Ano bang pinagsasabi niya.
"Ah..ehh..Sige lalabas na tayo." Sakay ko na lang sa gusto niyang gawin.
"You know what? Just hung up this call. Kung ano-ano pa ang naririnig ko, nakikipaglandian ka lang naman!"
"What? No---" Pero wala na. Pinatay na ang tawag.
Narinig kong tumatawa na si Laura at nakaupo na pala ito. Kaya naman tinignan ko siya ng masama.
"That is the start boo!"
Okay, I know now what she saying. And I hope, maganda ang kalabasan nito.
Crossed fingers.
![](https://img.wattpad.com/cover/214002215-288-k154741.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romantik**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.