Chapter 36

1.3K 75 26
                                        

Skyler Henley

"Wala ka bang balak tumulong sa business ng family niyo?" Tawag pansin sa akin ni Sophie.

Narito kasi kaming dalawa sa loob ng office niya. Siyempre manliligaw, kaya palaging dito. Ganito naman ako araw-araw eh. Kung hindi man dito sa office niya kami magkikita, sa bahay nila or sinusundo ko siya para sa bahay rin namin siya tumuloy.

Maayos naman na sa both families namin, I mean, nakapag-usap na kami tungkol sa nangyari. At ayun, nagkaintindihan naman kami.

About sa huling ganap sa amin? Yung halik? Well, that was a month ago. Oo ang bilis ng panahon na lumipas pero hindi ko naman namamalayan na ganun na katagal. Wala eh, dahil sa inlove ako, hindi ko na rin na mamalayan yung takbo ng oras.

Tungkol sa halik naman, hanggang doon lang ang nangyari. Alam ko sa sarili ko na may limitasyon muna kaming dalawa. I still respect Sophie. Sa aming dalawa, ako ang dapat na mas umunawa sa relasyon namin. And that's how I love her so much.

"Uhm, wala pa sa ngayon. Siguro kapag kailangan na ni Ate Heather na magleave dahil sa pagbubuntis, doon na lang ako tutulong. At tsaka hindi naman nila ako ngayon inuobliga pa sa business namin. And I have mine too." Sagot ko sa kanyang tanong.

"Paano yan? Isang buwan kana dito tapos may naiwan kang business sa America." Muli niyang tanong.

"Hindi naman iyon problema, kasi nandoon yung mga pinsan ko para tignan at sila rin ang kasama ko sa business. Kaya panatag pa rin ako. Nagsesend naman sila ng reports sa akin."

Tumango na lang siya at tinuloy ang pagbabasa sa mga papel na nasa harap niya. Marahil mga records iyon ng pasyente niya.

Napatitig naman ako sa kanya. Iba ang itsura talaga ni Sophie kapag nagtatrabaho na. Ang seryoso ng mukha niya pero kahit ganun, makikita pa rin ang taglay niyang kagandahan. Mula sa kanyang mga mata, na kahit naman singkit ang mga ito, mapapatitig ka pa rin. Sa matangos niyang ilong, sa kanyang mga pisngi at huli, sa kanyang mapula, malambot at kissable na lips. Ang swerte ko talaga kapag siya ang napangasawa ko. Isang diyosa na ito!

"May dumi ba ako sa mukha?" Hindi ko naman napansin na nakatingin na rin pala siya sa akin. Nahuli tuloy ako na nakatitig sa kanya.

"None. Iba ang meron." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Ano naman?" Medyo nagugulohan na rin niyang tanong.

"Isang maganda at na kakabighaning mukha." I said.

Tumatawa na siya sa aking sinabi.

"Ang korny mo! Tumigil kana nga diyan. At huwag mo na akong titigan ulit. Na kakawala ng concentration." Sabi niyang may ngiti pa rin sa labi niyang.

"So may epekto na pala ako sayo ngayon?" Hamon ko pang tanong.

"Huh? Ang ibig ko lang sabihin, ramdam ko na nakatitig ka sa akin, at para akong naiirita lang. Anong epekto pinagsasabi mo?" Medyo may pag kapula na ang kanyang mukha. Sabi na eh!

"Yun ba talaga?"

"Oo."

"Sige sabi mo eh."

Tinaasan niya lang ako ng isang kilay at tinuloy ang ginagawa. Hilig niya talagang gawin sa akin iyon. Ang taasan ng kilay. Pero hindi naman nakakabawas sa kagandahan niya. Mas nakakadagdag pa nga ito!

Hinayaan ko lang muna siya habang ako naman ay nagchecheck ng email ko sa phone para sa ilang update ng business ko. At hanggang sa uwian na nila. Siyempre, ihahatid ko siya.

"Tara na?" Tanong niya. Nakahanda lahat ng gamit niya at may ilang folders naman niyang dala.

"Yup! Let me handle those papers." Tatanggi pa sana siya pero kinuha ko na ito mula sa kanyang kamay.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon