Chapter 44

1K 50 28
                                    

Skyler Henley

Walang nagsasalita sa aming tatlo habang nakikinig kami sa sinasabi ng doctor. Ako? Hindi ko alam kung nakikinig ba ako sa kanya o hindi. Wala sa sinasabi niya ang iniisip ko. Nasa isang tao na kasama lang namin ngayon, si Laura.

Hindi na rin kami nakapag-usap ng makarating siya dito kanina. Inumpisahan na kasi ng doctor ang check up nilang dalawa at mas inuna niya muna si Portia at siya ang sunod.

Si Portia, halatang hindi rin alam na buntis din si Laura. Nagtataka nga siya kanina kung bakit ganun. Maski rin ako, pero kailangan ko ng kasagutan.

Laura is pregnant. Iyan ang sigurado, pero kung kanino ang sperm donor? Hindi ko pa alam. Magkahalong kaba, pagkalito at pagtataka na ang nararamdaman ko ngayon. Wala pa namang ibang sinasabi si Laura pero nagugulohan na ako. And I need to talk to her.

"And that's my advice for the both of you. Have some rest and don't stress out yourselves." Nabalik lang ako sa reyalidad ng magsalita na ang doctor na tapos na pala ang check up ng dalawa.

Naunang kinamayan ni Laura ang doctor at sunod naman kaming dalawa ni Portia. Pagkatapos naming lumabas ay alam kong iiwasan na ako ni Laura.

"Sumabay ka na sa amin pauwi. Ihahatid na lang kita." Pagtawag ko sa pansin ni Laura. Kailangan ko siyang kausapin.

"Ha? Hindi na. I'll just take a cab." Pagtanggi naman nito.

"Mas lalong ipipilit kong sumabay ka sa amin kung ganun rin palang wala kang sasakyan. Sumabay ka na lang sa amin." I look at her intently, sana naman makuha niya kung anong gusto kong ipahiwatig.

Nag-aalanganin pa nga siya sa una, pero alam kong nakuha na niya ang gusto kong sabihin.

We went home peacefully, walang sino man ang nag-salita sa aming tatlo para bang ang bigat ng awra sa aming paligid. Nakakasakal.

Pagkarating sa bahay ay tinulongan ko munang makapasok sa loob si Portia at iwan muna siya doon. Mag-uusap muna kami ni Laura.

"Where will I drop you?" Tanong ko.

"In my condo. Im staying there for now." Sagot naman niya. Tumango ako at sinabi rin ang address niya. Ilang minuto lang din at nasa parking lot na kami.

I heard she sigh deeply. At hindi ko iyon gusto.

"Thank you for dropping me here, Henley." Lalabas na sana siya ng tawagin ko siya.

"You know that we need to talk. I'll come with you." Wala ng sali-salitang bumaba ako sa driver seat at nagtungo sa passenger seat para pagbuksan siya.

Walang imik rin kaming pumasok sa elevator hanggang tumunog ito at nasa floor na niya kami. Kahit na sa paglalakad papunta sa pinto niya, tahimik.

"Feel at home, Henley. Ilalagay ko lang sa kwarto ang gamit ko." Sabi naman niya.

Tumango ako at nilibot na lang ang paningin sa loob ng unit niya. Naroon yung mga framed pictures niya. Isa siyang model kaya bagay na naka display dito ang mga larawan niya.

Ilang minuto lang ay lumabas na siya at naupo rin sa tabi ko. I guess, this is it.

"Who?" Unang tanong ko.

Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Napayuko siya at nakita kong napapikit rin ng mariin.

"You don't need to know who is who. Im okay with it. Hindi na importante iyon sa akin." Sagot niyang hindi makatingin sa akin. Sa ginagawa niya, mas lumalakas ang kutob ko kung sino nga talaga.

"Again, who is it? Laura." May diin ng sabi ko.

Hindi ako mapapanatag kapag hindi niya sinagot ang tanong ko.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon