Chapter 50

1.2K 57 14
                                        

Sophie

Two weeks passed after that news. Ganun pa rin ang routine ko, gigising sa umaga, do my morning routines, papasok sa hospital, do my job and in the end of the day, uuwi sa bahay at iiyak sa loob ng room ko until I get tired and then sleep. Ganun lagi ang nangyayari sa akin for that two weeks.

Henley keeps on texting and calling me. Pero ni minsan ay hindi ko sinasagot at pinapansin ang mga ito. Naroon pa nga yung time na nate-tempt na ako na sagutin ang tawag niya dahil sa namimiss ko na rin ito, pero at the end, Im just staring my phone until the ring ends.

I miss Henley. I really do. Sa dalawang linggo pa lang na hindi ko siya nakikita at nakaka-usap, miss ko na siya.

My parents are not meddling us, I mean, hindi naman sila nakiki-alam sa problema namin ni Henley. But they always there by my side to support me and guide me. Hindi nga nila ako tinatanong tungkol doon eh. At thankful ako sa kanila kasi naiintindihan naman nila ako.

"Doctora Sophie, may naghahanap po sa inyo sa labas." Naagaw ng atensyon ko ang pagsasalita ng aking assistant nurse mula sa pinto ng office ko.

"Naghahanap? Papasokin mo na lang. Thank you." Ngumiti ako dito at agad din tinuon ang atensyon ko sa mga papel sa harap ko. Madami dami rin etong mga pasyenteng nagpakonsulta ngayong araw.

I heard that my door open at hindi ako nag-angat ng tingin doon. Baka yung nurse ko lang iyon.

Minutes after ng mapansin kong hindi naman nagsasalita ang pumasok at titignan ko na sana ito ng may mga bulaklak ng nakaharap sa akin. Tulips.

I sarcastically laugh in my mind. Hindi man lang pumasok sa isip ko na siya pala ito, siya pala ang naghahanap sa akin. Kakaisip ko lang kanina, ngayon nasa harap ko na.

"Babe, Sophie." Tawag niya sa pangalan ko.

I absent mindedly close my eyes, para lang pigilan ang luha na lalabas. Even her voice, on how she pronounced my name, I miss it.

Inayos ko muna ang mga papel sa harap ko at hindi ko pinansin ang bulaklak na binigay niya. I look at my wrist watch, uwian na pala. I finished another day na pagod ang pakiramdam. Pag-uwi sa bahay, magpapahinga, maglilinis ng katawan then kakain at sa huli papasok sa kwarto at doon iiyak na naman.

I sigh deeply.

"Please, talk to me. Sophie." Pansin sa boses niya ang lungkot.

Ako rin naman, nalulungkot sa nangyayari sa aming dalawa. What will I do?

Tuloy lang ako sa pag-aayos hanggang sa natapos ko ito at tinangal na ang white coat ko. Uuwi na ako. Kinuha ko ang bag ko at ng tumayo na ako para lumabas na sana ay siya namang pagpigil niya sa akin.

"Please naman, Sophie. Talk to me. Hindi ko kayang ganito na lang tayo lagi. Ayosin naman natin ito oh." Pagmamakaawa niya.

Sure, aayusin natin. Aayusin natin yung tama Henley.

Humarap ako sa kanya at bakas sa mukha ang lungkot. Pansin ko rin ang konting eye bag niya.

"Anong sasabihin mo?" Malamig kong tanong sa kanya.

Napahinga naman ito ng malalim. Parang nagpipigil lang ng emosyon.

"Let's fix it Babe. Ayokong lagi na lang tayong ganito. Miss na miss na kita, sobra. Mahal na mahal kita." Konti nalang maluluha na ito.

I miss you too, Henley.

"Sige, sagutin mo ang mga tanong ko. Gusto ko yung katotohanan, Henley." I said with authority in my voice.

"Oo Babe."

"Wala ka talagang balak sabihin sa akin ito di ba?"

Hindi ito nakasagot agad at nag-iwas pa ng tingin. Henley, sinasaktan mo na naman ako.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon