Skyler Henley
Narito na kaming magkakaibigan sa airport dahil sa pagkatapos ng aming bakasyon eh diretso na sila sa pag-uwi sa America. Sulit naman iyong bakasyon namin dahil sa maraming lugar ang napuntahan namin. Hindi lang kasi sa Cebu kami nag stay kundi sa karatig na place rin kami nagpunta. We did great on that one week vacation.
"Our flight numbered was called buddy. We need to go now." Nag manly hug naman kami sa isa't-isa.
"Henley, see you in America. Take care of that bitch here." We chuckled after she said that.
Hindi kasi uuwi pa si Laura dahil sa gusto pa daw magbakasyon at may gagawin pa daw kami kaya heto, hinahatid na namin ang dalawa pa naming kasama.
"Of course, I will. Take care too. We'll see each other when I get back there."
Nagcheck-in na sila at kumaway-kaway na kami ni Laura sa kanila.
"Tara na. Gusto ko ng mahiga sa kama ko ."
Pagod pa talaga ang katawan dahil sa bakasyon namin. Ilang activities ba ang ginawa namin? Hindi ko na mabilang kung ilan. Basta ang alam ko nakakapagod.
"Okay. Gusto ko ring mahiga sa kama mo, kasama ka." Kumindat pa siya sa akin.
Napapa-iling na lang ako sa pangseseduce niya sa akin. Binuhat ko na lang ang mga bags at maleta namin. Magtataxi na lang kami pauwi sa bahay. Hindi na ako tumawag sa bahay para magpasundo baka nga busy sila at gusto ko rin isurprise sila. Hindi kasi sila nagtatanong kung kailan ako uuwi, basta daw sulitin ko yung bakasyon. Di ba? Ang swerte ko sa pamilya ko.
"You will be staying in our house. But not in my room Laura. Off limits ka doon!"
Nakasakay na kaming dalawa sa taxi at patungo na eto sa bahay namin. Nasa backseat kaming pareho.
"Off limits? Why?" Alam kong natatawa na ito sa akin.
"You know what I mean. Gapangin mo pa ako eh di makita na nila Dada tapos lagot ako sa kanya. Makikita rin ng mga kapatid ko eh di isusumbong nila kay Sophie. Goodbye Sophie na ako kung ganon." Litanya ko.
Tumawa lang naman siya sa sinabi ko kaya tinignan ko siya ng masama. "Okay, okay! So advance. Kung gagapangin man kita yung walang makakarinig sa atin para wala rin mang-iistorbo."
"Ahhsst! Wala na tama na Laura. My Sophie na ako. Stop seducing me."
Alam kong iyon naman ang ginagawa niya sa akin ngayon eh.
"Hoy! Wala pang kayo kaya pwede pa kitang gapangin." Nakakainis naman, straight to the point.
"Siyempre magiging kami na pagsinagot ako. So no sex for us."
Hindi na niya ako sinagot at natahimik na lang din ako. Ilang minuto lang din ay nasa harap na kami ng bahay. Bumaba na kami sa taxi at kinuha ang mga bagahe namin tapos nagbayad na kay manong driver.
"Eto po bayad. Keep the change na rin po Kuya. Salamat!"
Pinindot ko yung door bell at naghintay kung sino ng magbubukas. Wala kasi yung guard na naka duty baka nananghalian na dahil sa tanghali na nga.
"Skyley!"
Malakas na tili ni Hera ang sumalubong sa amin. Sinugod nga ako ng yakap tapos tumalon pa kaya ayan, karga ko ngayon etong kapatid ko.
"Baby Hera, baba na. Ang bigat mo na ah." Pero sa totoo lang, hindi naman siya mabigat. Ang sexy kaya netong kapatid ko.
Bumaba naman siya sa pagkakalambitin sa akin at napatingin kay Laura. She doesn't know her but Laura does. Kinukwento ko rin kasi sa kanya about sa kapatid ko.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.