Henley
"Anak, kailan ba kayo magbabakasyon dito sa Pilipinas? Miss ko na yang apo ko." Mommy asked.
Kasalukuyang nagvivideo call kaming magpapamilya. Kasama niya sila Dada at mga kapatid ko, habang ako naman ay nasa lap ko ang gwapo kong anak na nilalaro ko. Laura is here too pero umalis saglit para kumuha ng pamalit na damit kay Harry.
Simula kasi noong pinanganak si Harry, we never went home. Dito namin siya sa States pinalaki. Nandito naman ang pamilya namin eh, kay Laura. We planned naman na uuwi rin kami doon pero it's a surprise.
"Eh wala pa po sa plano naming umuwi ngayon diyan. Besides I have my business here that needs my supervision. Next year na lang po siguro." Sagot ko. I just want to surprise them.
Tila nalungkot naman sila sa sinabi ko at lihim naman akong natatawa sa mga mukha nila. Sorry family, surprise nga eh.
"Ang tagal naman 'nun. Gusto ko ng alagaan yang pamangkin ko." It's Hera.
"Pang gigilan mo pa. Huwag na lang. Yung anak ni Ate Heather na lang pang gigilan mo. Huwag ang anak ko."
"Ang damot mo! Saan ba si Ate Laura at siya na lang kausap ko? Tsaka kotang kota na yung anak ni Ate sa akin. Ayaw na ngang ipahawak." At parang natatawa pa siya sa naisip.
Paanong hindi ipagdadamot ng Ate Heather ang anak niya kung lagi naman kasi nitong pinang gigigilan. Laging pinipisil yung pisngi at laging nahalik. Siyempre yung nanay magagalit. Kaya nga ayaw ko ipahawak sa kanya itong anak ko eh.
"Si Ate Hailey na lang." Sagot ko.
"Anong ako?" Takang tanong naman ng kapatid namin.
"Mag-asawa kana kasi. Ilang taon kana oh, wala ka pang anak at asawa. Para iyong anak mo ang pang gigilan ng isa diyan."
Lahat naman kami ay natawa sa sinabi ko at ang Ate naman ay naka simangot na. Palibhasa wala kasing jowa. Ewan ko sa kanya kung bakit.
"Ako na naman nakita niyo ah! Busy ako kaya wala sa isip ko ang mga yan." Pagdadahilan naman nito.
"Weh? Talaga ba? Baka naman kasi lagi mong sinusungitan mga manliligaw mo? O baka naman, iba talaga ang gusto mo?" Pang aasar ko pa dito.
"Magtigil ka nga Henley. Huwag niyo na lang pag-usapan yung love life ko. Darating din naman iyon." Sagot na lang niya.
Hinayaan na lang namin ito baka magalit na naman.
Ang kulit ng anak ko. Galaw ng galaw kaya naman laging pawisan.
"Tapos na ba kayo mag-usap?"
Napatingin naman ako kay Laura na kadarating lang. May hawak na damit ni Harry at saka merienda naming dalawa.
"Not yet. Lika dito muna sa tabi ko."
Tumabi naman ito sa akin at humalik muna sa anak namin.
"Hi Laura!" Bati nila sa kanya.
"Hello! Hello Tita and Tito!" Bati naman niya.
"Gumaganda ka yata lalo Laura." Dada said.
Nagkatinginan naman kaming dalawa at sabay na ngumiti. Hay naku, kung alam niyo lang po sana. Pero siyempre surprise pa din.
"Di naman po. Hindi lang po ako masyadong stress kaya ganito."
"Naku, dapat lang. Sabihin mo kapag nastress ka kay Henley ah." Sabat naman ni Mommy.
"Bakit ako?"
"Alangan namang sa anak niyo?" Sabat ni Ate.
Hindi ko na lang ito kinontra pa at baka magalit na naman.
BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Storie d'amore**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.
