Chapter 17

1.4K 52 2
                                        

Skyler Henley

Rinig ng dalawang tenga ko na tinawag niya ako, kaso mas pinili ko na lang na umalis doon at taposin niya muna ang trabaho as what she choose. Aminado akong mali rin iyong ginawa ko, na mas unahin ang date kesa sa trabaho. But can you blame me? If I really missed her, so much.

Sa tatlong araw na hindi ko pagpaparamdam sa kanya, naging busy kasi ako sa negosyong naiwan ko sa America. Nagkaroon naman ng konting aberya pero agad ko rin namang nasolve. Thanks to Laura dahil sa tinulongan niya ako. She suggested that she will handle my business until I came back there. And speaking of her, bumalik na siya sa America kahapon lang.

Naglalakad ako ngayon patungo sa office nila Tita Samantha, doon ko na lang siya hihintayin kung papayag siya na magdedate nga kami. But knowing her? Baka nga i-decline pa ako dahil sa ginawa ko.

Nasa harap na ako ng pinto at kumatok na rin ng tatlong beses. Narinig ko naman na pinapapasok na ako kaya ginawa ko na lang. Nabungaran ko ang mag-asawa na sa tingin ko, naglalambingan. Her parents and mine are same. Kahit na may edad na sila at ilang taon na ang lumipas sa pagsasama nila, still makikita mo pa rin ang pagmamahal nila sa isa't-isa. Ganito ang gusto kong mangyari sa akin in the future. Lumipas man ang ilang taon, naroon pa rin ang pagmamahal and Im hoping, I'll end up with Sophie.

"Sorry, I think I disturbed something?" At kumamot pa ako sa aking batok. Baka nga talaga nakakaistorbo ako sa dalawa eh.

"No Henley. Bakit nga pala?" Tita Samantha asked.

Sinenyasan naman ako ni Tito Riley na maupo at ginawa ko naman. Sa pang-isahang sofa ako naupo.

"Pwede po bang dito ko na lang hintayin si Sophie?"

"Sure. Pero akala ko ba pumunta ka na sa kanya?" Nagtataka namang tanong niya.

"Opo nagpunta nga po ako kanina and may kausap kasi siya po. And that was Frederick I think? Im not sure on his name po. Pero he said, he is Sophie's suitor." Para naman akong batang nagsusumbong nito.

Nagkatinginan naman ang mag-asawa at may pagtataka sa kanilang mga mata. Marahil sa kilala nila ito or maybe not. I don't know, kaya hinayaan ko na lang sila.

"Are you sure?" Tito Riley asked. Tumango naman ako bilang sagot.

"Mahal ko, tawagin mo nga dito ang anak natin. Gusto ko lang siya kausapin tungkol dito. Sunduin mo na lang ha?" Utos ni Tita.

Tumayo na si Tito Riley para tawagin ang anak. Ewan ko ba, para naman akong bata na habang nagsusumbong eh kinakampihan ng Nanay. Dahil nga sa pinapatawag ni Tita si Sophie.

"Tita, kilala mo ba yung manliligaw niya?"

"Oo. If iyong Frederick na sinasabi mo ngayon is Frederick Canlas kilala ko. Classmate siya ni Sophie noong nag-aaral pa sila. Kaibigan nga rin niya ito at nagtataka naman ako kung bakit siya manliligaw sa anak ko kasi ang pagkakaa-alam ko naman, Frederick is--"

Naputol ang sasabihin sana ni Tita ng bumukas ang pinto at iniluwa nito ng babaeng gustong-gusto ko. Kahit na nakabusangot na siya ang ganda pa rin niya. Napapailing na lang ako sa sarili ko, lintek iba na yata ito.

"Mahal ko, nandito na kami ng anak natin. Ano bang pag-uusapan?" Lumapit naman siya sa asawa.

Hindi ko na tinignan pa si Sophie ng maupo naman siya sa kabilang sofa. Baka sabihin pa nito magsumbong ako sa parents niya about doon sa date. Pero half guilt, nagsumbong naman talaga ako doon nga lang sa manliligaw niya. Tsk!

"Anak kasama mo ba si Frederick kanina? Yung kaibigan mo noong nag-aaral kapa?" Agad namang tanong ni Tita.

Ayokong makisali sa usapan nila kasi usapang pamilya lang iyan. My parents taught me na huwag makisali sa usapan ng may usapan pero siyempre, nakikinig naman ako.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon