Skyler Henley
After staying in the States for three years, ngayon na lang ulit ako naka uwi dito sa Pilipinas. I was so busy during those years. Kaya hindi ko magawang umuwi para makasama ang pamilya ko. Although, sila na ang bumibisita sa akin kapag hindi ako makakauwi on special occasions. Hindi naman ganoon kalungkot ang mag-isa roon dahil sa kasama ko naman ang Lolo Papi ko at ang Lola Mama. Sa kanila kasi ako binilin nila Dada para may kasama na rin sila roon at dahil nga sa may katandaan na sila.
I manage one of our business sa America. At dahil sa ako lang naman ang naiwan doon, ako na ang umako. Sila Ate Heather at Ate Hailey kasi ang namamahala na sa iba naming negosyo dito sa Pilipinas. Si Ate Hailey, siya ang may hawak ng construction sites kung saan nagpapatayo kami ng mga condominium. Habang si Ate Heather naman sa Car Manufacturing ang hawak.
Kasama pa rin namin sa pagpapalago ng negosyo ang Dada at katulong niya minsan si Mommy. Even if they gained more age, my parents are still gorgeous. Si Mommy, ang ganda pa rin sobra. Model yata ang past life! Kaya laging naka buntot si Dada sa kanya. And speaking of my Dada, syempre naman ang gwapo pa rin kahit na makikita na tumanda na sila. But still, ang lakas pa rin ng sex appeal!
Kaya nga eto, hindi ako ang bunso sa amin. Yes, may kapatid pa kaming dalawa. Next to me is Samuel Hendrick, at malapit ng matapos sa pag-aaral at about business din ang kinuha. Next to him is our bunso, our baby, Selene Hera. She is now at second year college and she is studying about medicines. Magiging doctor ata ang gusto.
Now, enough about my family at sarili ko naman ang pansinin niyo! De joke lang.
"Henley kamusta na yang sugat mo? Ikaw kasi kung saan-saan ka nagsusuot kanina, hindi kapa nagsuot ng helmet kaya ayan tuloy, ang daming galos. Kung bakit naman kasi tumuloy ka agad sa site eh kararating mo lang dito." That is my Ate Hailey.
Alam ko namang nag-aalala siya sa akin dahil sa nangyari. She is a sweet and loving Ate. Parehas sila ni Ate Heather. Actually, lahat naman kaming kapatid nila sweet sa amin.
"Don't worry now Ate, okay na ako at nagamot na rin eto kanina. Nagpunta nga ako kay Sophie and she took care all of this." Turo ko sa mga natamo ko. "And to answer your other question, I just want to see you. Ikaw ang pinakamalapit na lugar na pwede kong puntahan kaya ayun." Sagot ko naman.
About sa helmet thingy, I admit, I forgot to use one. Eh excited kasi ako na makita yung pinapatayo nila. Kasi isa eto sa pinamalaking project niya.
"Naku kang bata. Makita yan ni Mommy ewan ko na lang kung hindi ka pipingotin." Ate Hailey with her smirk. Parehas kasi kami neto eh, may pagkamakulit at sutil.
Nandito kasi kami sa bahay namin. Kaming dalawa pa lang ang naka uwi. Wala pa ang mga kapatid namin and our parents. Siguro pauwi na rin naman sila galing sa kanya-kanyang lakad.
"Oh bakit kayo nag-aasaran na naman?" And speaking of our family, that one who asked us is Mommy. Lagot!
Nagkatinginan kami ni Ate Hailey at mas lalong ngumisi sa akin. Bakas pa kasi ang bago kong galos. And with that, Mommy see my scratches at naningkit ang mata sa akin. Lagot talaga ako. Dada help!
"Skyler Henley? What did you do? Ano iyang mga galos mo sa mukha? Anak kadarating mo palang ganyan na ang salubong mo. Anak naman eh, ano bang ginawa mo na naman?" Si Mommy with a worried face.
Hindi ako makasagot kasi naman, mahirap makisabay kapag ganitong nag-aalala si Mommy. Baka mapalo pa ako sa pwet!
"Love, kalma ka lang. Baka may pinuntahan lang siya at nadapa. Kalma lang Love, nawawala yang maganda mong mukha eh." Ayan, save by the bell si Dada. Yes!
Nagkatinginan kami ni Ate Hailey at natatawa na sa loob-loob namin. Paano naman kasi, parang bata kung amoin ni Dada si Mommy. Pero pagkakataon ko na eto para magpaliwanag.
"Mommy I missed you. Dada I missed you too." Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo at yumakap sa kanila. Sinalubong naman nila ako ng mahigpit na yakap. I missed my parents. "Mommy, ano kasi..ahmm, I got bored when I arrived here a while ago so I decided na puntahan si Ate Hailey sa site. Siya po kasi ang pinakamalapit na pwede kong puntahan so I got too much excitement and I forgot to wear helmet. Nahulogan po ako ng semento." I explained.
Mommy got a teary eyes. Alam ko nag-aalala na naman siya ng sobra. Sa States pa nga lang sobra na yan mag-alala sa akin kasi malayo ako sa kanyan at hindi niya ako naalagaan but I understand that situation.
"Mommy, don't worry too much. Okay na siya at nagamot na rin po. Magaling naman kasi yung Doctor na gumamot sa kanya. Which is Sophie. Alam mo na Mommy!" Sabi ni Ate Hailey with taas baba ng kilay.
Sabay pang napailing ng ulo ang Dada at Mommy. They knew about Sophie. About what I feel for her. That I like her, too much. Pero hindi kasi niya iyon nakikita.
"Kauuwi mo pa lang anak, at ngayon lang kayo ulit nagkita baka naman inaasar mo na naman si Sophie ah." Dada said.
Ako naman ngayon ang napailing ng ulo. Kasi naman, totoo rin na inasar ko nga. Eh sa namiss ko rin kasi siya.
"Slight lang Dada. Nakakamiss naman po kasing makita yung mukha niya kapag naiinis sa akin. Nakakatawa kasi. Pikon pa rin po sa akin." Natatawa kong sabi.
I remember her face kanina habang ginagamot ako. Mas gumanda si Sophie. Mas naging mature na ang itsura niya. Pero nandoon pa rin ang gustong-gusto kong makitang mukha niya kapag nakikita ako. Naka simangot. Ewan ko ba dyan, sobrang inis siya sa akin noon pang bata kami. Eh sa gusto ko lang naman makipagkaibigan sa kanya noon. Kaya nga kinukulit ko. And yeah, I know, I did kissed her before.
"Henley talaga, mana ka sa Dada mo parehas kayong mapang-asar minsan." Sabi ni Mommy.
Nagkatawanan na lang kami nila Dada at Ate Hailey sa sinabi ni Mommy. Totoo naman kasi iyon, mana ako kay Dada.
Tinuloy na lang namin ang pag-uusap sa living room at noon nga ay sabay-sabay ng naka-uwi ang iba ko pang kapatid. At nagulat sa mga galos ko that's why another explanation na naman at buti nga andito na silang lahat para minsanan. Unang yumakap sa akin si Ate Heather na nakasuot pa ng dress galing company.
"I missed you Henley!" Yumakap na rin ako sa kanya at humalik sa pisngi niya. "I missed you too Ate Heather. Ang sexy mo ngayon ah." Sabi ko naman. Isang iling at tawa ang ginanti sa akin.
"How was States, kapatid?" And that is Hendrick. We gave each other a manly hug. "Sup kapatid. Ganoon pa rin, maraming chix." Bulong ko sa kanya at sabay kaming natawa. Napatingin pa nga sa amin yung mga kasama namin at napapailing. They know us.
"Ako na next! Skyley, asan ang pasalubong ko?" At ang aming bunso, si Hera. Ganyan ang tawag sa akin. I open my arms wide open para yakapin ako at tumakbo nga siya papunta sa akin. Niyakap ko ng mahigpit ang kapatid kong eto. I miss this kid. Dahil nga sa bunso natutupad ang gusto niya kapag humihiling sa akin. "Your gift? Nasa room mo na Baby Hera. Dapat pagbutihin mo yang pag-aaral ah? At teka baka may boyfriend kana? Hindi pwede iyon, bawal muna." At dahil sa huli kong sinabi, napasimangot siya sa akin pero hindi naman kumalas sa yakapan namin.
Ang saya ng pakiramdam ko, kompleto na rin kami ngayon at kasama ko na ang pamilya ko. Iba talaga ang sayang nararamdaman kapag pamilya muna ang kasama, ibang saya ang iyong mararamdaman. Madarama mo rin yung pagmamahal niyo sa isa't-isa.
Nagbonding muna kaming lahat sa living room. Kamustahan lang ang ginawa namin at binigay ko na rin iyong mga pasalubong nila mula sa akin. Syempre hindi ko naman iyon malilimutan. Simpleng bagay lang iyon.
"Mommy and Dada, I invited the Villaruz to have dinner with us later. And pumayag naman po sila. Gusto ko lang pong makamusta sila at pasasalamat sa paggamot sa akin." I announced.
Nagkatinginan ang mga kapatid ko at alam ko ang nasa isip nila. They knew also! My gosh!
"Gusto mo lang makita ulit si Sophie! Ayeee!!" Sabay-sabay nilang sabi.
I blushed with that thought. Gusto ko lang talagang magpasalamat sa kanila. Pero tama naman sila, gusto kong makita si Sophie. Ayeeeee! Ang puso ko excited na!

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.