Skyler Henley
Ang saya ko, sobrang saya ko! At last! Pinayagan na niya akong manligaw sa kanya. Ito lang naman ang isa sa mga bagay na nagpapasaya sa akin, and Sophie gave it to me.
Pagkarating ng bahay, naka ngiti akong pumasok sa loob at nandoon pa ang mga parents ko habang nanonood. It's late, bakit kaya gising pa ang mga ito.
"Hello my dear parents! Bakit gising pa kayo?" Lumapit naman ako sa kanila at niyakap.
"Hindi kami makatulog anak. Kaya naisipan kong dito muna kami ng Dada mo. Ito nga oh, tinitignan namin ang mga pictures niyo noong mga bata pa kayo. Ang bilis ng panahon, ang lalaki niyo na. Ang Ate Heather mo, magkaka-anak na yata. Baka ilang taon lang, mag-aasawa na kayong lahat. Haym, ang tanda na natin." Mommy said.
I smile at her. Ganito si Mommy, nagiging madamdamin na. Pagdating talaga sa amin na mga anak niya, sobrang pagmamahal at pag-aaruga ang binibigay.
"Love, kahit na tumatanda na tayo, patunay lang naman nito na isang successful family tayo. Bakit? Kasi ang mga anak natin, napalaki natin ng maayos. Naging responsable silang mga anak. At proud na proud ako sa kanila. Ano man ang maging desisyon nila sa mga susunod na taon, narito naman tayo para gabayan lang sila. Kumulubot man ang mga balat natin, hindi magbabago ang pagmamahal ko sayo Sabrina." Ang sweet talaga ni Dada!
I idolized my parents. Why? Kasi ang pagmamahal nila sa isa't-isa, walang ending. Laging nakasuporta ang isa sa kanila kung may problema mang darating. And someday, I want this kind of marriage. Someday, with Sophie.
"Ikaw Henley, bakit ngayon ka lang umuwi?" Dada asked.
Naupo naman ako ng maayos sa sofa at naka harap sa kanila. "Ah, Sophie and I had a date po. And sa resort ko po siya pinunta. Sa Skyley's Haven."
"Buti pumayag na siyang makipagdate sayo anak?" Mommy asked.
Naku kung alam lang sana nila ang pinagdaan ko bago ko siya napapayag. "Ako pa ba Mommy? Siyempre mana kay Dada. Di ba Dada?" Nakangiting tingin ko kay Dada.
Natawa naman siya at napailing. Siyempre, sa kanya ako nagmana talaga. We are the same.
"Ikaw talagang bata ka. Oo naman, sa akin ka nagmana." Sang-ayon naman ni Dada. Natawa naman kaming dalawa habang si Mommy naman ay naiiling at natatawa na rin sa amin.
"Nga pala po, may sasabihin ako." They both nodded. "Pumayag na po si Sophie na ligawan ko." Ngiting abot tenga ang itsura ko ngayon sa harap ng mga magulang ko. I can't help it, masaya ako.
"Talaga anak? Kung ganun, huwag mong sayangin ang binigay niyang pagkakataon sayo. Kunin mo ang tiwala niya para mapasagot mo siya. Ibigay mo lahat ng kaya mo mapasaya mo lang siya. At huwag mong kakalimutan Henley, never make your girl cry." Bilin ni Dada.
Hindi ko kakalimutan ang sinabi niyang iyon.
"And Henley?" Napatingin naman ako kay Mommy. "Kasal muna bago ang baby, I know you!" Tila namula naman ang mukha ko.
Nagkatawanan pa silang dalawa sa sinabi ni Mommy. Alam na alam talaga ang ugali ko. Pero wala naman iyon sa isip ko na gawin kay Sophie, sa ngayon. Ibang usapan na kasi iyon.
"Yeah my dear parents. Hindi ko po kakalimutan ang mga sinabi niyo. Akyat na po ako. And matulog na rin po kayo. Goodnight and I love you both!" Yumakap at humalik na ako sa kanila saka umakyat na papuntang kwarto ko.
I feel nostalgic parin ngayon. Sa ilang beses kong pagkumbinsi kay Sophie na ligawan, ngayon ang pinaka masaya.
Nakapagbihis na ako at naka higa na rin. I open my phone and tatawagan ko si Sophie.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.