Chapter 10

1.7K 64 5
                                        

Sophie

"No." I answered to what Henley asked.

I don't know if I really want her to court me or not. Pero yun kasi agad ang nasabi ko. Ewan ko talaga. Hindi ko rin naman alam kung seryoso siya sa tanong o nang-aasar lang. Ganoon naman kasi siya, mahilig mang-asar.

"Okay." Okay lang sa kanya talaga? Mabuti naman at walang problema dun. "I will get you by hook or by crook." At napanganga ako sa sagot niya.

Ano ba yan, ayaw talaga paawat ng taong eto. Nireject na nga ayaw pa tumigil. Ang lakas talaga ng loob niya. Ano bang gagawin ko sa kanya tumigil lang sa kalokohan niya.

Hindi na natuloy ang sasabihin ko dahil sa dumating ang mga magulang niya. Kaya naman mamaya ko na siya kakausapin pa. At sakto, makakaisip rin ako ng dahilan para matigil siya.

"Oh may bisita pala tayo Love." Sabi ni Tito Joey. Naka-akbay naman siya kay Tita Sabrina. "Hello Sophie! And to you too young lady." Bati niya kay Portia. Nakita kong namula siya ng batiin siya. Wow crush niya si Tito Joey? Sabagay gwapo pa rin naman kasi siya.

"Hi po Tito and Tita. This is Portia. And I think nasabi na ni Henley sa inyo about sa kanya?" Tumango naman sila at naupo na sa isang couch.

Nagtawag naman si Tita ng maid para magbigay ng meryenda at agad rin etong umalis. Nag-uusap kami kung anong gagawin kay Portia at saktong nakabalik na yung maid dala ang ilang cookies at juice. Dadalhin pala ni Henley sa America etong bata.

"You'll be staying sa mga magulang ko iha. Mabait sila at huwag kang mag-alala, kaming bahala sayo pati na rin iyang batang dinadala mo. At kapag malaki na siya, pwede ka ng magtuloy ulit ng pag-aaral mo doon. Si Henley na ang bahala sayo kasi siya ang nakaka-alam doon." Sabi ni Tita Sabrina.

Mabuti na lang at sa amin siya napunta. Hindi yung kani-kanino lang na tao. Baka gawan pa ng masama.

"Kung hindi niyo po mamasamain, kailan po ako aalis ng bansa?" Portia asked.

"Henley anak, kailan ba?" Tita Sabrina asked. Napatingin rin tuloy ako sa kanya at nakita kong nakatingin siya sa akin. Kinindatan pa ako!

"After maayos ng Lawyer Mommy yung papers niya. Baka after two weeks. Ako ang kasama mo pupunta roon, may business rin kasi ako doon na kailangan ng supervision ko." Sagot naman niya.

Wow! Two weeks na lang pala siya dito at tatahimik na naman ang buhay ko. Mabuti pa nga na umalis na siya eh. Pero deep inside me, may nararamdaman akong lungkot. And that's not right!

Oras na para umuwi ako at ihahatid ako ni Henley sa bahay. Wala akong dalang kotse at tsaka sumabay ako kila Mommy kaninang pumunta sa hospital kaya naman eto, on the way na kami sa bahay.

"Babe, ayaw mo talaga ako manligaw sayo?" Heto na naman siya. Pero mabuting sagotin ko na lang yung mga tanong niya.

"Oo. Hindi kita gusto Henley. Okay? So stop bugging me. Hindi ka manliligaw sa akin. Kasi hindi rin magiging tayo." Diretsang sagot ko. Masaktan ko man siya pero eto lang ang alam kong paraan para tumigil siya.

"Ang honest mo naman Sophie." I know, she's hurt on what I said. "Pero totoo naman etong nararamdaman ko sayo. Gusto kita. Walang halong biro."

I looked at her side at diretso ang mata na nakatingin sa harapan habang nagda-drive. Ewan ko parang sumaya naman yung loob ko ng sabihin niyang hindi siya nagbibiro. Pero hindi talaga pwede. Ayaw kong masaktan dahil lang sa pagmamahal na iyan. Kaya nga wala akong nakarelasyon ni isa dahil doon. Im afraid to get hurt.

Hindi ko siya kinausap hanggang makarating kami sa bahay. Pinapasok ko siya para naman hindi niya sabihing ganoon ako kasama.

"Good evening po Tita Samantha." Bati niya kay Mommy. Wala yata si Daddy. Naka upo kasi siya sa sofa dito sa living room at na nonood ng tv.

Napatingin sa amin si Mommy at ngumiti. Lumapit ako sa kanya upang bumeso at yumakap. "Mommy, asaan si Daddy? Wala ba siya dito sa bahay?" Tanong ko naman. Nakita kong naka upo na si Henley sa sofa.

"May emergency operation siya ngayon anak. Kumain na ba kayo?" Tumango naman kami. "Oh siya magpapahinga na ako kasi maaga ako bukas, maiwan muna kayo dito."

Tatayo na sana si Mommy ng magsalita si Henley. "Ah Tita, may gusto sana akong ipagpaalam sa inyo. Wala naman po si Tito Riley ngayon pero magpapaalam rin po ako sa kanya pag nagkita kami." What is she saying! "Gusto ko pong ligawan si Sophie, payag po kayo?"

Hindi nakasagot si Mommy agad at ako naman ay napatingin ng masama sakanya. Hindi ba niya naintindihan nung sinabi kong ayaw ko? Ang kulit naman.
"By hooked or by crooked." At nag-echo sa isip ko yung sinabi niya kanina. Face palm. Eto na ba iyon?

"Hindi naman ako tutol sa gusto mo Henley. Masaya nga ako na nag-paalam ka pero the decision is still on Sophie. At sigurado rin akong payag ang Daddy niya." Pahayag ni Mommy.

"Eh Tita, nireject ako kanina. Please po tulongan niyo po akong mapapayag siya." Ginamit pa talaga ang Mommy ko! Napaka talaga nitong tao!

Natawa si Mommy dahil sa sinabi naman niya. Nakahanap pa yata ng kakampi eh. I hope, hindi rin niya kakampi si Daddy. And I know, Silver will agree to her too.

"Nakakatawa ka talagang bata ka. Eh anak bakit mo naman nireject si Henley. Mabuting tao naman siya di ba? At kilala niyo na ang isa't-isa mga bata pa lang kayo. Bigyan mo na ng chance, baka heto na ang first relationship mo anak. Hindi na kami tutol ng Daddy mo." My god! Kung ano na ang sinabi ni Mommy! Nakasimangot na ako ngayon sa harap nilang dalawa. Pinagtutulongan ako!

"I'll think about it later Mommy." Iyon na lang ang naisagot ko.

Ano ba talagang gusto kong mangyari? Ano rin ba talaga ang gusto niyang mangyari? Hindi ko na alam kung anong iisipin. Kung papayag ba ako or hindi. Sasaktan ba kaya niya ako? O ako ang mananakit sa kanya?

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon