Skyler Henley
After that little chitchat we had, nagkanya- kanya muna kami ng pasok sa mga kwarto namin. Magpapahinga ng konti at maghahanda sa pagdating ng bisita.
Ako? Nakahiga pa sa malambot kong kama. I wanna rest for long hours. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod ko mula sa mahabang biyahe pauwi sa Pilipinas at sa nangyari sa akin. Even though its tiring, sulit naman lahat ng pagod. Im home, and it feels so right. Namiss ko rin etong room ko. Alam ko namang pinapalinis nila Mommy eto palagi kaya alam kong hindi maalikabok dito.
Im not staying here for good, kailangan ko pa ring bumalik sa States para sa negosyo. Maybe I will be staying here for two months and it depends if magkakaproblema sa negosyo. At hindi ko pa eto nasabi kila Dada, ang alam nila eh dito na ako magtatrabaho but no, I need to go back. Aayosin ko muna ang negosyo doon and then for good na ako dito.
"Skyley?" I heard someone calls me outside my door and I know who owns that voice. "Can I come in?" Dagdag pa niya.
I let a small smile on my lips. "Yes baby Hera, come in." Ganting sigaw ko para madinig niya.
Sa lahat ng kapatid ko, eto ang pinakamalambing. Yes bunso siya pero iba sa lahat ng bunso. Dada spoiled her sa lahat ng gusto pero hindi naman eto brat gaya ng iba. Even me, I spoiled her. I love my little sister.
Nagbukas ang pinto at pumasok siya. Naka ngiti siyang tumingin sa akin. I know that face!
"Did I disturb you?" Medyo alanganin pa niyang tanong.
"Not really, just having my rest. Why you here?" Taas kilay kong tanong.
Lumapit naman siya sa kama ko at umupo na rin siya. "I just want to say, thank you sa gifts. I really appreciated it. May taste ka talaga sa mga damit." Natatawa niyang sabi.
Bibigyan ko lang naman siya ng nga designer shirts as request by her, mga perfumes, shoes and chocolates. I know, sobra iyon pero ngayon ko lang kasi siya binigyan ng gift.
"Welcome baby. At salamat nagustohan mo. Pinaghirapan ko kaya iyon na hanapin." Biro ko sa kanya.
Nagkatawanan lang kami at nagkamustahan na rin. Maaga pa naman para sa dinner kaya eto muna kami, bonding time.
"Before I forgot, tell me honestly baby, may boyfriend kana?" Pinaningkitan ko siya ng mata para matakot.
"Eh wala pa naman but I do have suitors. With 's' iyon!" Proud niyang sabi.
Napa iling ako sa kapatid kong eto. Maganda si Hera. Kamukha niya si Mommy kaya naman madaming nagkakagusto rin sa kanya at nanliligaw.
"Kahit ilang suitors pa yan. Bawal ka pa magkaboyfriend. Finished first your study, maging doctor ka muna bago yang lovelife. Got me?" Seryoso kong sabi sa kanya. She just nod her head saying she understands me.
"Ay di ba Doctor si Ate Sophie, sabihin mo naman sa kanya na if my time to have training sa kanya na ako pupunta? Please pretty please Skyley? Para may time ka ring kausapin siya later." Sabi niya.
Natawa ako ng malakas sa sinabi niya. Sure tutulongan ko siya doon sa part ng training pero doon sa time para makausap si Sophie? I always have time for her. Umoo na ako sa request niya at tuwang tuwa naman eto.
"Sige na mag ayos ka na, darating na yung mga bisita natin mamaya lang at magdidinner na tayo." Sabi ko at lumabas naman na siya sa room ko.
Inabala ko na rin ang sarili sa pag-aayos ko at simpleng polo shirt at pants lang ang suot. I also wear my sneaker shoes at lumabas na ng room.
Pababa ako ng handa at doon nakita ko ang mga kapatid kong naghihintay sa living room, even my parents.
"Hello, good evening my lovely family!" Masaya kong tawag sa kanila.
They greeted me too at naupo sa tabi ni Hera. After fifteen minutes, tinawag na kami para sumalo na sa hapag. Madaming pinahanda sila Dada kasi hindi lang naman ang mga Villaruz ang bisita pati na rin ang ibang kamag-anak namin.
Narinig namin ang doorbell at lumabas ang isang maid para buksan ang pinto. Dito kami sa may garden kakain kasi malawak dito. Madaming tables ang naka set para sa bisita.
"Where is Skyler Henley?" I heard someone said my name at napatingin ako sa loob ng bahay at nakita ang taong naghahanap sa akin.
"Lola and Lolo!" Masaya kong bati sa kanila at niyakap ko silang pareho. I also missed them. "I missed you po."
Pinatuloy ko na sila sa garden at pinaupo sa isang table para sa kanila. Nagkwentohan muna kami habang unti-unting nagsidatingan ang ibang bisita.
"Anak." Tawag ni Mommy. "Nasa labas ang mga Villaruz, pasundo naman sila. Please baby?" Natawa ako sa huling sinabi ni Mommy.
"Ofcourse Mommy. Anthing you say, tutoparin ng anak mong gwapo." At nagkatawanan na kaming mag-anak. What? Matangkad, maputi, matalino, mayaman at gwapo. Saan kapa diba?
I go to the front door of our house and sinalubong ang mga Villaruz. Una kong nakita ang mag-asawa. "Good evening po, Tito Riley and Tita Samantha." At humalik ako sa pisngi ni Tita habang naki pagkamay naman ako kay Tito. "You look so beautiful po Tita. No wonder why Tito Riley drool on you." Natawa silang dalawa sa biro ko, but really Tita Samantha is so beautiful just like Mommy.
"Ikaw talang bata ka, hindi nagbago yang mapagbiro mong ugali. Oh siya papasok na lang kami at alam ko naman kung sino ang hinihintay mo." Sabi ni Tito Riley. "Pero hinay-hinay sa pang-aasar ah? Baka di kana magustohan nun." Dagdag niya pa.
Namula ang mukha ko dahil sa sinabi niya. They knew I like their daughter at boto na siya sa akin ngayon.
Hinintay ko na lang yung magkapatid at naunang pumasok si Silver. "Sup Silver!" We did handshake. "Asan na ang Ate mo?"
Tumingin siya sa likod niya at tinuro niya doon ang hinahanap ko. "Nagpapaganda pa para sayo, pakihintay na lang papasok na ako ah? Bye Henley!" Napailing na lang ako. Silver and Hendrick are the same age at magkaibigan sila.
Napatingin ako sa may gate namin at nakita ko ang isang dalagang sobrang ganda. Simpleng pink dress lang naman ang suot niya pero ang lakas ng dating. I try to feel my heart, ang bilis ng tibok neto. Am I palpitating? Nope!
"Hi Babe!" Bati ko sa kanya na naka ngiti.
Isang 'tsk' lang ang binigay niya sa akin bilang bati at sinabayan ng irap. Napatawa na lang ako sa ginawa niya. She really hates me.
"Stop Henley. Wala ako sa mood para makipag-asaran sayo. So please let me in." Seryoso niyang sabi.
I put my two hands up na parang sumusuko. "Okay Babe, let's go. Nasa garden sila." Sabi ko pero inirapan na naman ako. Okay Henley, she is not on the mood.
Sabay kaming pumasok sa loob at naglakad patungong garden. Walang nagsasalita sa amin pero ako naka ngiti pa rin. Ang ganda kasi niya ngayon. I can't hide my happiness na kasama ko siya ngayon. Even if she hates me to the higher level, still I like her.
"Mabuhay ang bagong kasal!" Parehas kaming nagulat ni Sophie dahil sa sigaw na iyon ng makarating kami sa garden and dahil sa sobrang nagulat siya, napahawak sa braso ko. Other visitors laughed. At habang ang mga magulang naman namin ay natatawa na na-iiling rin. I tried to search who is the culprit and my eyes landed on the two men on the corner laughing hard on their ass.
Tinignan ko si Sophie at umayos na siya ng tayo. At sabay pa naming binangit ang pangalan nila.
"Silver!/Hendrick!"
At ayun tumakbo silang dalawa sa loob ng bahay. Huh, akala nila ahh hindi ako gaganti. Mamaya lang kayo!

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romansa**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.