Skyler Henley
After that confrontation, kung 'yun nga ang tawag sa nangyari sa amin ni Sophie kanina sa office niya, dumeretso na ako ng uwi sa bahay. Halos wala pa akong matinong tulog rin dahil sa pagkalabas ko pa lang ng airport kaninang madaling araw, tumungo ako agad sa office niya.
I prepaid all those things para sa kanya at para humingi ng tawad na rin sa nagawa ko. But, as what happened earlier, hindi maganda ang kalabasan.
I maid a big mistake. A really big mistake. Kahit siguro kaninong tao man makarinig sa ginawa ko, ako at ako pa rin ang may mali. Tanggap ko na na talagang mali ako sa naging desisyon ko. Nasaktan lang ako kaya ganun. But from now on, ipaglalaban ko na itong nararamdaman ko sa kanya. I love Sophie. I really love her.
Buntong hininga na malalim ang pinakawalan ko ng nasa tapat na ako ng bahay. Hindi nila alam na uuwi ako ngayon. Binilin ko kasi sila Lola na huwag ng sabihin pa sa pamilya ko na uuwi ako. I just want them to be surprised. Heto na naman ako sa supresang iyan. Mamaya ako na naman ang maging biktima. Natrauma na yata ako ah.
Nakita naman ako ng guard at agad niyang binuksan ang gate. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at nagtungo na papunta sa loob.
Tahimik ang buong bahay. Siguro nasa kanya-kanya na silang agenda. Hindi ko lang sigurado sa mga magulang ko kung nasa loob ba sila o umalis rin. Kahit na ano na lang, wala na rin kasi akong maisip pa ngayon dahil sa pagod na rin ako.
"Henley?"
Naka yuko kasi akong naglalakad kaya hindi ko nakitang may tao na pala sa harap ko.
"Hi Mommy." Bati ko rin sa kanya. Ngumiti naman ako kahit papaano.
"Anak? Bakit ka napa-uwi? May problema ba? Hindi ka nagsabing uuwi ka. Sana na sundo ka namin ng Dada mo. Kumain kana ba? Anong oras ka dumating?" Ang daming tanong ng Mommy ko. Kaya naman napatawa ako ng konti.
"Mommy, mahina ang kalaban." Sabi ko namang nakangisi. Pinaningkitan niya tuloy ako ng mata. Binibiro lang eh.
She sighed first before answering. "Oh siya, pumasok kana sa loob. Parang pagod na pagod anak. Hindi ka naman kasi nagsabi na uuwi ka pala." I know, she's just worried.
"Mommy okay lang ako. At tsaka sinadya ko talagang hindi po sabihin sa inyo para surprise po. Eto nga oh, nasurprise ko ang pinakamaganda kong Mommy." Saka naman ako yumakap sa kanya ng mahigpit.
Gumanti naman siya ng yakap sa akin. Sa ginawa ni Mommy, medyo gumaan ang pakiramdam kong kanina ay mabigat.
"Sige, papaniwalaan ko muna ngayon iyang sinabi mo. Alam ko namang may dahilan ka kung bakit napauwi ka eh." Mommy really knows me. Alam talaga ng mga Nanay kung ano ang nararamdaman ng kanilang mga anak.
Kumalas na rin ako sa yakapan namin. Hinawakan naman niya ang magkabilang pisngi ko at inayos pa ang magulo kong buhok. Ang sarap magpalambing sa Nanay.
"Sige na, pahinga ka muna at mamaya mag-uusap tayo. Pero kumain ka muna pala, alam kong gutom ang anak ko." Diba ang sarap magpalambing sa Nanay?
"Thank you Mommy. I love you po! Akyat muna ako tapos baba rin agad para kumain. Mommy paluto naman po ng favorite ko. Please? Miss ko na kasi iyong luto mo. Please, Mommy?" Sasagarin ko na lang ang paglambing.
Nangingiti at napapa-iling naman ang aking napakagandang Mommy. She can't resist me eh.
"Okay. Akyat na at magpalit kana rin ng damit. Samahan mo na lang ako magluto, tutal tayong dalawa lang ang nandito. Walang ang Dada mo, nasa company ng Ate Hailey mo para tulongan. Ang mga kapatid mo rin nasa school nila." So bonding rin pala namin ngayon. Ayos!
BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.