Sophie
Today is tuesday. Kahapon lang yung anniversary party ng mga magulang ko and I might say, maganda ang kinalabasan ng party nilang iyon. Kasi mas nakita namin kung gaano nila kamahal lalo ang isa't isa. Im happy for my parents, but on the other hand, medyo nalungkot naman ako sa pinaalam sa akin ni Henley.
I know, wala pang kami to act like this, being clingy or whatever you may call. Pero alam ko naman sa sarili ko na walang mali sa ginagawa ko. Besides, I love Henley. Kung bakit hindi ko pa siya sinasagot? Well, Im getting there naman na.
Naalala ko na naman yung pag-alis niya. Im used seeing her and being there by my side. Hindi na nga kumpleto ang araw ko kapag hindi ko siya nakikita man lang. Kaya nga nalulungkot ako sa pag-alis niya. Pero alam ko naman na babalik siya, babalik siya sa akin.
Im here sa office ko sa hospital, umaga pa lang naman at wala pang ganoong pasyente na magpapacheck-up. I look at my wrist watch, and it says 9:30 am. An idea came out from my mind.
Dali-dali naman akong lumabas ng office ko at nagtungo sa office ng mga magulang ko. At pagdating sa harap ng pinto nila ay kumatok ako at pumasok na. May tig-isa na silang pasyente na kinakausap at sinenyasan naman ako ni Mommy na maupo muna, so I did.
Naunang natapos ni Daddy ang kausap at ilang sandali lang ay si Mommy naman. Lumapit ako sa kanila at bumeso.
"Hi my baby Sophie." My Daddy Riley.
I pouted my lips at siya naman ang kinatawa niya. Nang-aasar na naman kasi.
"Daddy naman, Im not a baby anymore."
Tumawa naman siya sa sinabi ko ganun din si Mommy.
"You are still our baby, remember that Sophie. Kahit na magka-asawa kana, ikaw pa rin ang baby namin. At siyempre, si Silver." Nakangiting sabi pa niya. Hinayaan ko na nga lang sa gusto niya alam ko namang paraan niya lang iyon ng paglalambing.
"Stop it na Mahal ko, inaasar mo na naman ang anak natin." Buti pa si Mommy. "Why you here anak? May problema ba?"
Tama nga ang sabi nila na nararamdaman ng Ina na may dinaramdam o iniisip ang mga anak nila. A connection between a mother and her child.
"Ah, none Mommy. I just came here to ask your permission. You approval rather." Bangit ko sa talagang pakay ko sa kanila.
"What do you mean, Anak?" Mommy asked.
"Can I take a vacation leave until Monday next week, Mommy?" I asked.
Ito kasi yung naisip ko bigla kanina kaya naparito ako. For what reason?
"Why? May masakit ba sayo? May sakit ka? Anong problema Anak?" Nag-aalala namang mga tanong ni Daddy. Minsan mas si Daddy pa ang nagiging paranoid sa kanila ni Mommy kapag ganito. Akala mo may dinaramdam kaming sakit.
"Wala po akong sakit at walang problema Daddy. Ugh, I just want to have a vacation po sana with Henley before she go back to States." Medyo nahihiya pa akong ipaalam sa kanila ang balak ko.
Yeah, ito talaga ang balak ko kanina. I'll file a vacation leave para naman masulit ko ang mga araw na kasama si Henley bago siya umalis man lang. A little way for me na rin na mabawasan yung pagkamiss ko sa kanya ng ilang araw, kung epektibo nga ba.
"Ay ang anak ko, in love na talaga kay Henley." Mapanuksong sabi sa akin ni Daddy. Ako talaga ang trip niyang asarin ngayon.
"Magtigil ka nga Riley." Saway naman ni Mommy sa kanya pero naroon pa rin yung nakakalokong ngiti sa akin ni Daddy kaya hinayaan ko na lang siya. "Babalik na pala siya sa States, but how about you Sophie? Iiwan ka na naman niya?"

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.