Chapter 8

1.5K 63 6
                                    

Skyler Henley

Narito ako sa office ni Dada dito sa bahay. Gusto ko kasing ipaalam sa kanila about dun sa batang Portia. I really want to help her. No matter what happen.

Naka upo ako sa isang couch at hinihintay lang namin si Mommy. Habang si Dada naman ay naka upo pa sa swivel chair niya. Nasa room pa kasi nila si Mommy kaya wala pa dito.

"Henley, what is it you want to talk?" Tawag pansin sa akin ni Dada. Seryoso siya ngayon at dapat seryoso rin ang sagot. Mahirap ng magalit siya ano!

"Ahm Dada, pwedeng sabahin ko na lang kapag nandito na si Mommy?" Para minsanan na lang diba. Tumango naman siya.

Minutes after, pumasok na si Mommy. Gabi na ngayon kaya naman naka night robe na siya. Naistorbo ko pa yata sila ni Dada!

"Love, bakit ang sexy mo?" Natawa ako sa banat ni Dada. Pasimple pa kasi! Kinurot naman siya ni Mommy sa pisngi. "Anyway, doon na tayo sa couch maupo, baka mainggit pa etong si Henley  sa atin." Kasi naman naupo si Mommy sa lap ni Dada. Sweet kasi ni Mommy!

"Naku Dada, hindi ako maiingit ano. Madami na kaya akong nakandong, dito pa sa part na ito oh." Sabay turo ko sa lower region ko. Natawa naman si Dada pero si Mommy piningot ako. Aray naman.

"Ikaw bata ka ah? Huwag ka ngang tutulad dito sa Dada mo. Huwag kayong mahalay na dalawa. Naintindihan mo? Baka dahil dyan magka-apo ako agad!" Si Mommy talaga. Napailing na lang ako.

"Ahm yun nga po sana ang gusto kong sabihin." Pero naputol ang sasabihin ko ng mapasigaw si Mommy sa gulat.

"Ano? Nakabuntis ka? Henley naman anak. Alam kong nasa tama kang edad na pero anak, hindi pa namin nakikilala yung nabuntis mo." Parang naiiyak na siya. Ano ba yan.

"Eh Mommy naman makinig ka muna. Dada please help." Pagmamakaawa ko. Natawa muna si Dada sa akin.

"Love relax nga muna, patapusin natin si Henley. Please?" At hinalikan niya ito. Oh Dada is really sweet.

Nakinig naman si Mommy sa kanya at natahimik. Napangiti ako at tinuloy ang sasabihin.

"I've met someone and she is 16 years old. And pregnant-" Hindi ulit natuloy sasabihin ko ng nagsalita na naman si Mommy. Pati si Dada nagulat.

"Eto na yung sinasabi ko Haym! Nakabuntis na etong si Henley. Lola na ako. Anak kaya ba napa-uwi ka kasi dahil sa naka buntis ka? Dapat hindi mo iyon iniwan. Mali-" And this time ako naman ang pumutol sa pagsasalita niya.

Nakatitig sa akin si Dada at seryoso. Ayaw kasi niya ng ganoon. Dahil kabilin-bilinan niya sa akin noon na dapat maging responsable sa lahat ng ginagawa at kapag nakabuntis man ako, dapat panindigan. Gagawin ko naman talaga iyon. Ayaw kong maging iresponsableng tao.

"Mommy, hindi ko siya nabuntis." Nakasimangot kong sabi. Napatigil naman siya at tinuloy kong magsalita. Kinwento ko iyong nangyari kanina sa hospital nila Sophie. Lahat-lahat. "At balak ko po siyang isama sa America if aayawan na talaga siya ng parents niya. Gusto ko po siyang tulongan dahil sa nangyari sa kanya."

Hindi agad nakapagsalita ang magulang ko. Marahil iniisip mabuti kung tama ba yung gagawin ko. Sana pumayag naman sila.

"In that case, dapat magsama ka ng abogado natin para walang maging problema. Ayos lang sa akin ang pagtulong mo sa bata pero dapat sigurado tayong walang mangyayaring demandahan. Ayaw kong mapahamak ka Henley." Sabi ni Dada.

Napangiti ako dahil sa payag na siya. "Opo Dada, thank you po."

"Pero anak, sino ang kasama niya doon kapag nagtrabaho kana?" Si Mommy naman.

Naisip ko na iyon kanina pa at may plano na ako. "Sa bahay po muna siya nila Lolo Papi tapos kukuha na lang po ako ng katulong para tumingin sa kanila. Para na rin po may kasama sila doon kapag wala ako sa bahay."

Matanda na sila kaya kailangan na rin nilang may magbabantay at alaga. Syempre hindi si Portia iyon. Para may kasama lang sila doon at hindi mabagot.

Natapos ang usapan namin at maayos naming naplano ang gagawin. Nagpasalamat ako sa mga magulang ko dahil sa napaka supportive nila. Kaya naman ng matapos na kami, tinawagan ko si Sophie. Oo naman nakuha ko na yung number niya kanina.

Nandito ako sa kwarto ko at nakatayo sa veranda. Sinusobukang tawagan si Sophie. Sana gising pa siya kahit gabi na. Pero dahil sa swerte ako, sinagot niya ang tawag ko.

"Hi Babe?"

"What now Henley?"

"Wala man lang hello?"

"Okay so, Hello?"

"Ganyan, mas masarap pakinggan kapag di ka nagsusungit Babe."

"Bakit kaba kasi napatawag eh gabi na? Gusto ko ng magpahinga kaya kung mang-aasar ka lang please ipag-pabukas mo na."

Mahahalata mong inaantok na nga siya. Kaya naman natawa ako. Ang pikon talaga nito.

"Namiss kasi kita. Pwede makitulog sa inyo tapos tabi tayo matulog?"

"Anong pinagsasabi mo? Ayoko ngang makatabi ka baka kung ano pang gawin mo sa akin."

"Nice suggestion Babe. Ayaw mo? Para hindi tayo mabored."

"You pervert! Tumigil ka na. Ibababa ko na eto wala ka namang sasabihing importante."

"Sige na nga next time may gagawin tayo." At natawa ako habang siya eh napipikon na. "Eto na sasabihin ko na. Date tayo bukas?"

"What?" Napalakas yung pagkakasabi niya. Ang sakit sa tenga!

"Date Babe. Ikaw at ako. Lalabas, magdi-date ganun."

"Sorry but Im busy tomorrow. At ayoko, kaya ibababa ko na eto." At bago pa niya maibaba ang tawag nagsalita na ako.

"Samahan mo ako bukas, kausapin natin yung magulang ni Portia."

Hindi siya agad nakapagsalita. Alam ko napapa-isip na naman siya sa ginagawa ko. Gusto ko lang naman talagang tulongan ang bata.

"Okay. Sasama ako sayo pero hindi iyon date! At tsaka baka bukas lalabas na rin siya."

"Mabuti naman para makasama natin siya. Bukas na tayo pupunta kapag naka discharged na siya."

Sakto na yung paglabas niya para makita na rin siya ng magulang niya. At kung ano man ang mangyayari bukas, papanindigan ko parin na tutulongan siya.

"Okay. I'll hung up now. Wala ka naman na siguro pang sasabihin di ba."

"May hinihintay ka pa lang sasabihin ko? Uyyy. Pakipot pa kasi Babe. Gusto mo akong kasama ngayon ano?" Tukso ko sa kanya.

"Pinagsasabi mo!"

"Oh sige pupunta na ako diyan ngayon, basta tabi tayo matulog ah?" Ang sarap lang talagang asarin!

"NO!!! Don't you dare Henley! At ayaw kitang katabi dahil sa pervert ka!"

"Hahahaha. Takot ka ba? Wala naman tayong gagawin, unless you want it."

Toooott.

Ayun, binabaan talaga ako. Asar talo talaga si Sophie. Binibiro lang naman kasi siya. Hahaha.

Nahiga na ako sa kama at handa ng matulog para bukas maaga kaming aalis sa hospital. But before I sleep, I sent a text message to Sophie.

"Goodnight Babe! See you tomorrow. Dream of me tonight, and I will be dreaming of you too, naked. 😘"

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon