S2 Chapter 5

1.2K 46 14
                                        

Henley

Days passed by smoothly. Laging maingay ang bahay dahil sa bata at sa nag-uugaling bata. Ilang linggo na lang din kami dito at matatapos na ang bakasyon namin. Sulit naman yung bakasyon namin eh dahil sa nakasama namin ang pamilya ko at siyempre, nakita at nakasama rin nila ulit ang anak ko.

"We need to buy diapers and others for Harry. Paubos na yung stocks niya." Laura informed me habang nag-aayos ng gamit namin.

As for our baby boy, mahimbing itong natutulog sa bisig ko. Ganito naman ang mga bata di ba? Laging tulog. Pero habang lumalaki sila, mas gugustohin na lang na maglaro kesa matulog.

"Okay. We'll buy tomorrow. Pasyal na rin natin si Harry bukas at hindi lang puro dito sa bahay naglalagi. Para makakita rin ng chicks niya." At natawa ako sa huli kong sinabi. Bakit ba? Eh sa ang gwapo rin naman ng anak ko. Mana sa akin.

"Kung ano-ano ang sinasabi mo. Harry is still baby. Huwag kang advance mag-isip." Laura answered na may ngiti rin sa mga labi.

"Nagbibiro lang naman ako."

We spent the whole day sa pagbabantay at pag-aasikaso sa bata. Sinusulit na rin kasi nila na andito pa kami at alam nilang matatagalan na naman ang huling pag-uwi namin dito. Maybe, a year after or more than that.

Kinabukasan, we all readied the things of Harry. Isasama kasi naming dalawa ang anak namin sa pagbili ng gamit niya. Actually, it's a family date for the three of us. No, for the four of us. Our soon to be child.

I just wear my pants and polo shirt while Laura wears dress. Siyempre naman kahit nanganak na ito, hindi mawawala ang sexy niyang katawan dahil sa isa pa rin siyang model noon. Hindi mo nga makikitaan na nanganak ito eh. And for our baby boy naman, just his polo shirt and short.

"Henley, mag-ingat sa pagmamaneho ah?" It's Mommy. Nasa labas na kasi kami at ready to go na. Heto siya at nagbibilin pa.

"Opo. Don't worry, I keep my family safe at all times. Alis na po kami." I kissed her cheek and then hug her.

Ako sa driver seat at nasa backseat naman ang mag-ina ko. Ayos lang na nagmumukha akong driver nila. Im always ready to serve my family.

Tulog na naman ang bata kaya kinakarga ni Laura. Kaya naman maingat ang pagpapatakbo ko sa kotse.

We go to the nearest mall para doon na magshopping at mamasyal. Hindi naman madami ang bibilihin namin kasi mga gamit lang ni Harry ang pakay namin. I opened the door for them as I parked the car here in the parking area. Saktong pagkababa niya ay siya namang gising ng bata.

"Ohh my baby boy. Gising na pala." I carried him ng mailock ko na ang pinto.

"Kanina pa yan gising, pinatulog ko lang ulit."

Umalis na kami sa parking area. Im carrying Harry while Laura is beside me, naka yakap sa aking bewang ang isang kamay nito. Im taller than her. I looked at our view, one happy family.

Una naming pinuntahan ang pagbili ng mga gamit ni Harry. Diapers, wipes, and baby clothes. Sunod naman yung kay Laura , mga simpleng pambabaeng kagamitan. After paying it all, iniwan muna namin yun sa baggage counter para maghanap muna ng kakainan.

"Wait. Naiwan ko yata yung phone ko sa kotse." Laura said habang kinakalkal ang bag nito. We stop and pumagilid muna.

"Ha? Balik tayo kung ganun."

"Huwag na. Ako na lang ang pupunta doon. Kailangan kong makuha iyon baka tumawag yung manager ko alam mo na man, ipipilit na naman na bumalik ako sa pagmomodel." Yup, her manager keeps calling her for that matter. Pero may desisyon naman na siya.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon