Sophie
Nagpakabusy na lang ako sa trabaho matapos akong icomfort ng mga magulang ko. Nakakahiya man na sa edad kong eto eh nagpapacomfort ako, tapos sa pag-ibig pa, pero sila lang talaga ang alam kong makakatulong sa akin.
I made my whole day busy. Nariyan yung consultations, operations, and other referrals na din ng patients. Mas mabuti na iyon para mawala rin sa isip ko ang nangyari sa amin ni Henley kaninang umaga.
Until afternoon came. Medyo maluwag na ang trabaho ko kaya na pagdesisyonan kong pumunta muna sa office ng parents ko. Para magpasalamat na rin sa ginawa nila kanina. Kung hindi dahil sa mga advices siguro, hindi ako makakapagtrabaho ng maayus ngayon.
Nasa tapat na ako ng pinto nila at walang katok-katok ang ginawa ko. Para sana surpresahin sila kung ano ang ginagawa man nila. Pero pagkabukas ko ng pinto, mukhang ako pa yata ang nasurpresa kung ano at sino ang nadatnan ko dito sa loob.
Si Henley naka yakap kay Mommy. At ang mga magulang ko naman nakangiti sa kanya. Ano bang ginawa na naman kaya nitong taong ito para ganyan sila Mommy na nakangiti na ngayon? Habang kaninang umaga lang eh halos magalit na sila sa kanya. Si Daddy na kulang na lang sugorin niya sana si Henley sa bahay nila kanina, pero ngayon isa rin sa naka ngiti.
"Why are you here, Henley?" Pagtawag ko sa pansin nilang tatlo.
Nakita ko naman na nataranta si Henly sa pagtayo at humiwalay na ng yakap kay Mommy. Ewan ko lang pero parang takot yata sa akin ang isang ito ngayon. Matatawa na sana ako sa kanya kundi lang may hinanakit pa ako sa kanya ngayon.
"Ah Sophie, maupo ka muna dito at makapag-usap tayong lahat. Sige na anak." Ayaw ko pa sanang sundin ang utos ni Daddy at lalabas na sana pero ayoko rin naman siyang sawayin. Mabuting anak ako.
Naupo naman ako sa pang isahang upuan at malayo kay Henley. Naka-upo na rin kasi siya.
"To answer your question kanina anak, si Henley na lang sasagot." Sabi ni Daddy.
Nagulat naman ang isa sa sinabi ni Daddy. Nakita ko rin na napalunok siya. Ang sama kaya ng tingin ko sa kanya. Siguro hindi niya rin inaasahan na ganun ang sasabihin ni Daddy. Maski rin naman ako, ang alam ko siya ang sasagot.
"Ah..eh..Sophie, ah-" Halos hindi rin makapagsalita si Henley.
Inirapan ko naman siya dahil sa hindi niya pagsagot ng maayos.
"I came here to asked an apology to your parents. For what I did, to you." Pabulong na ang huling sinabi niya pero dahil sa walang ingay ang loob ng office, rinig ko pa rin ang huling sinabi niya.
Apology huh? May alam pa pala siyang ganun. Pero sa tingin ko, tinanggap na ng mga magulang ko ang sorry niya. Knowing them? Hindi sila nagtatanim ng galit sa ibang tao.
Ako ba kaya? Siguro, mapapatawad ko naman siya eh. Iyon nga lang hindi pa sa ngayon. Masakit rin kasi yung ginawa niya. Sabihin na nating hindi pa naman kami magkarelasyon pero kasi, mahal ko na rin siya eh. Masakit na maiwan ka ng taong mahal mo.
"Anak, we accepted her apology na. She also explained to us what her reasons. And I think, biktima lang kayong dalawa ng maling akala. May kasalanan siya, pero pinagsisisihan na rin niya ito. Ramdam din namin iyon, kaya tinanggap namin ang sorry niya." Mommy explained.
Hindi naman ako nagtatampo kung pinatawad nila eh. Ayus lang sa akin, pero sa ngayon kung ako ang tatanongin, I need sometime.
"Im really sorry, Sophie." Napatingin naman ako kay Henley.
Pinagmamasdan ko ang mukha niya ngayon. Bakas dito ang kulang sa tulog. Alam ko ang dahilan kung bakit ganyan ang mata niya ngayon, hindi lang dahil sa iyak, kundi sa puyat. Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam kong dito na siya dumeretso kanina pagkagaling ng airport. Dahil sa dala niyang maleta kanina.
Kahit naman puyat siya, litaw pa rin ang kagwapohan ng isang ito. Madami pa ring babae ang mapapalingon sa kanya. Tsk, kung ano-ano na ang iniisip ko.
"Riley, labas muna tayo." Napatingin ako kay Mommy ng tawagin niya ang Daddy. "Mag-usap muna kayong dalawa. Iiwan namin kayo dito dahil sa alam naming hindi kayo makakapagusap kapag nandito pa kami."
Ano ba yan! Ayoko nga sanang kausapin pa ang isang nandito eh. Kaso ang mga magulang ko tlaga, hasyt!
Tuloyan ng lumabas ang mga magulang ko at kaming dalawa na lang ang naiwan sa loob. Walang umiimik sa amin at nakayuko naman siya.
I heared she sighed.
"Alam kong ayaw mo pa akong makausap o makita ngayon. Hindi ko rin naman balak na magpakita sayo ngayon dahil sa nangyari kaninang umaga. Ang mga magulang mo lang dapat ang kikitain ko ngayon. Iyon nga para humingi ng tawad sa kanila. Alam kong hindi mo ako agad mapapatawad, kaya sa kanila muna ako humingi ng tawad. Maski man lang mabawasan ang kasalanan ko sayo. Pero Sophie, sana mapatawad mo parin ako." Mahabang litanya niya.
I know, she tells truth. Pero anong magagawa ko pa sa ngayon? Mapapatawad ko siya, but not now.
Tumayo siya at lumapit sa akin. Tumayo na rin ako baka kung ano pa ang gawin niya kasi eh.
Magkaharap naman kami ngayon, hinawakan niya ang dalawang kamay ko at nilagay sa magkabilang pisngi niya. Ramdam ko ang init ng balat niya. Nakapikit na rin siya ngayon. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Pilit ko naman hinihila ang mga kamay ko kaso ayaw niya kaya pinabayaan ko na lang.
Sa malapitan, mas mapapansin na kulang sa tulog ang mga mata niya. May mga itim kasi sa gilid nito. Yung buhok naman niya ay humahaba na rin. Pero napadako ang mga mata ko kanyang labi. Kailan na ba ang huling nahalikan niya ako sa aking labi? Ang una siyempre noong mga bata pa kami at sinabi pa niyang magiging asawa niya ako. Halos iyak ako ng iyak noon. Birthday ko pa naman iyon.
Ah, naalala ko na. Huling beses nahalikan kiya ako noong welcome home party niya. Iyon lang ang time na nahalikan ulit niya ako. Nitong mga nakaraang buwan, kahit na nanliligaw siya sa akin hindi niya in-attempt na halikan ako sa labi. Sa pisngi or sa noo ko lang siya lagi humahalik.
Im not demanding na sana halikan niya ako sa labi, pero ano na ba kasi ang pakiramdam na halikan siya sa labi?
Nagulat ako ng kumurba sa ngisi ang kanina ko pang tinititigang labi niya. At napatingin na ako sa mga mata niya. Dilat na ito at ngayon, naka ngisi na siya. Ang kinaiinisan kong smirk ng Skyler Henley!
"Kiss na lang kita?" May halong biro na tanong niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko at agad ko siyang tinulak palayo sa akin. Nakita niya pala iyon!
Hindi ko alam kung namumula na ang mukha ko. Bakit ko ba naman kasi ginawa iyon! Yan tuloy, nang-aasar na naman siya.
"Shut up!" Sagot ko sa kanya at inirapan.
Muli na naman niyang kinuha ang dalawa kong kamay, pero sa ngayon hawak-hawak na lang niya ang mga ito.
"Ayaw mo talaga ng kiss?" I glared at her. "Ah, oo ayaw mo nga." Mabuti naman at nakuha niya. "Payakap na lang ako Sophie."
Wala pa akong sagot pero agad na rin niya itong ginawa. Binalot ako ng mga braso niya. May kahigpitan naman ang yakap niya pero nakakahinga pa naman ako ng maayos.
Hindi ko siya niyakap ng pabalik. Pero gusto ko ang yakap niya ngayon. I missed her hugs, sa totoo lang. Yung mga halik niya sa ulo at noo ko kapag pagod ako. Yung lagi niya akong pinapangiti.
"Let's be like this for a minute. I miss doing this to you." Alam ko. "Eto, hihingi na naman ako ng sorry sayo. Hindi ako mapapagod kakahingi ng sorry sayo basta mapatawad mo lang ako. Alam kong hindi mo pa kaya akong patawarin, pero hihintayin ko. Mahal na mahal kita, Sophie." At humalik siya sa pisngi ko at huli sa noo ko.
Hindi ko na napigilan ang mga kamay kong iyakap rin sa kanyang katawan.
Mahigpit na yakap.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.