Sophie
Nakakainis!
Bakit? Kasi hindi na talaga tumigil si Henley sa paghingi ng tawad. Tinotoo na niya yung sinabi niyang hindi titigil. At mukhang maging totoo na rin na magsawa ako kakahingi niya ng sorry at mapatawad na siya.
Ano bang mga ginagawa niya? Heto.
Naroon yung araw-arawin na niya akong hinahatid sundo para magtrabaho. Hindi ko naman matanggihan dahil sa mga magulang kong tondo suporta pa sa isa. Mas anak na yata nila si Henley kaysa sa akin. Another one, pagkapasok ko sa hospital, bungad pa lang ha? Yung ibang staff namin doon kinakuntyaba niya para sa ginawang eksena. Lahat ng kakasalubong ko, may mga bulaklak sila na binibigay sa akin, tulips to be specific, tapos may card na nakalagay na word na sorry. Hiyang-hiya nga ako sa kanila kasi, pati sila dinadamay niya pa, may mga trabaho kaya sila.
Isa pa pala! Sa ibang araw naman ito, pinuno niya ng baloons at flowers ang buong kwarto ko sa bahay! As in punong puno ng bulaklak, parang garden na. May sorry word na naman na baloons doon.
At ang dami pa niyang pinaggagawa para humingi ng sorry.
"Naman eh!!" Maktol ko dito sa loob ng kwarto ko.
Kung bakit na naman? Ang dami na namang bulaklak - no I mean, halaman! Mga nakapasong tulips na iba't ibang kulay ng bulaklak niya. Pwede ng garden talaga ang kwarto ko.
"Paano ba nakakapasok iyong taong iyon dito sa kwarto ko? Ginawa na niyang garden na literal ang loob."
Hindi naman magulo ang pagkaka-ayos, yun nga lang, sobrang dami na nito.
"Thanks to Tita Samantha. Ang supportive ng mga future in laws ko."
Napatingin ako sa likod ko at sa taong nagsalita. Sino pa ba?
"Henley naman eh! Hindi garden ang kwarto ko. At literal pang nakapaso na iyong nilagay mo dito."
"Ang ganda kaya, pwede ng itanim ang mga iyan. Or kung gusto mo naman, ganyan lang na nakapaso, may decoration kapa." Naka focus ang mga mata niya sa mga halaman. Hindi man lang ako tinignan!
Sumusukong na pa upo na lang ako sa bed ko. I appreciated all her doings naman. Sa totoo nga niyan, I've forgiven her na. Sino ba naman ako para hindi magpatawad kung nakikita ko naman na seryeso siya. Hindi ko lang sinasabi kaso tinetest ko siya kung kailan ba siya susuko. And I think proved na hindi nga siya sumusuko. It's a good thing though.
Nakitabi naman siya sa akin.
"Ayaw mo ba ng mga iyan? Ipapatapon ko na lang. Sorry."
Tapon? Ang sayang kaya. Ang gaganda pa naman.
"Hindi sa ayaw, Henley. I like those plants, flowers. My point is, kwarto ito hindi garden. Okay na sa akin ang dalawa o tatlong halaman ang nandito. Ang No, hindi yan ipapatapon. Doon na lang sa garden namin talaga iyan itatanim."
"Sorry."
Haayst. Hindi ko na nga lang aawayin ang isang ito. Sobra na rin naman yung effort niya eh.
I hug her. At ramdam kong nabigla siya sa ginawa ko. Side hug lang naman.
"Stop saying sorry na. Your forgiven. Just don't hurt my heart, again. Please."
Umayos siya ng upo at siya na rin mismo ang yumakap sa akin. Still, nakayakap pa rin ako sa katawan niya. Yung mga braso naman niya ang kumulong sa katawan ko.
"Thank you!" She kiss me sa noo ko. "I will not hurt you, I love you Sophie."
Humigpit ang yakap ko sa kanya. Should I say it too na mahal ko na rin siya? Uhm, No. As her punishment na rin ito.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Roman d'amour**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.