Chapter 30

1.5K 60 14
                                    

Skyler Henley

Two days passed noong nag-usap kami ni Portia about doon sa nangyari sa amin ni Sophie. Lagi na siyang busy sa phone niya. Oo, binilhan ko siya ng bagong phone para hindi na siya maboring din dito. Alam ko namang namimiss lang niya sina Mommy. Lagi ko na ring nakikitang kavideocall niya ang mga ito.

"Ito po si Kuya Henley oh, Mommy." Nakita ko namang nakatapat sa akin ang phone niya. Kausap ang Mommy. "Pagalitan mo nga po siya Mommy. Laging nag-iinom po dito tuwing gabi. May time nga rin po na inuwi nila na sobrang lasing." Ang sumbongera naman nito.

"Oy Portia! Huwag ka nga diyan. Nasa tamang edad na ako para gawin iyon." Hindi naman ako galit sa pagsusumbong niya.

"Mommy inaaway ako!" Halah ang bata mukhang maiiyak pa.

"Henley bakit mo ba inaaway si Portia ah? Tsaka bawas-bawasan muna ang pag-inom ng alak. Gaya ka talaga sa Dada niyo, malakas uminom." Si Mommy.

Nakatapat sa akin ang camera ng phone kaya ako lang ang nakikita. Habang si Portia ayun, naka belat pa sa akin. Tsk, bata nga talaga.

"Hindi ko naman inaaway siya Mommy. Tsaka po, oo. Babawasan na po ang pag-iinom." Natatawa pa si Portia na siyang may hawak ng phone.

Hinayaan ko na silang mag-usap muna dahil sa may kailangan akong taposin na trabaho.

Nasa sala pa rin kaming dalawa at ganun pa rin, naka harap siya sa phone habang ako busy sa trabaho. Hindi ko siya pinapakinggan kung sino ang kausap niya.

"Opo. Heto siya oh. Opo, akong bahala." Naka headset na siya ngayon. Parang bumubulong pa nga siya sa kausap niya.

Nakita kong sa akin niya tinatapat ng phone niya. Hindi ko makita kung sino ang kausap niya kasi yung screen nasa harap niya.

"Kita mo na po? Pangit na niya ano? Laging naglalasing kasi iyan tuwing gabi. Sinumbong ko nga kay Mommy po, ayun pinagalitan." Humagikhik pa siya.

Hindi na si Mommy ang kausap niya? Sino naman ngayon?

"Oy tigil mo nga iyan." Napatingin ako sa phone niyang nakatapat sa akin. Yung back cam niya, doon napatingin ako. Na parang may mga mata doong nakatingin din sa akin. "Huwag mo sa akin itapat yung camera."

"Bakit ba Kuya? Nakikita mo?"

"Sino ba kasi yang kausap mo? Sina Mommy ba?" Umiling naman siya. "Eh sino?"

"Eto oh." Ipapakita na niya sana sa akin kung sino iyon pero may tumawag naman sa phone ko.

I picked my phone na nasa tabi ko lang at si Laura pala ang tumatawag.

"Sandali, tumatawag si Laura."

"Eto muna. Dali na."

"Hello Laura?" Sagot ko sa phone. Hindi ko na nakita pa kung sino ang kausap ni Portia kasi lumabas na ako sa sala.

"Hi Henley! You busy?"

"Ahm, sort of. May tinatapos kasi ako na papers. Bakit?"

"Gusto ko lang sana bumisita sa bahay niyo. Para kamustahin din si Portia."

"Ah okay lang namang pumunta ka dito. Mabuti pang pumunta kana lang dito para naman may kausap din siya. Lagi lang ako nun inaasar. Di ko naman maasar din kasi nga nagsusumbong kay Mommy, tapos pagagalitan ako."

Parehas kaming natawa.

"Sige, papunta na ako. Bye!"

Binaba ko na ang tawag at pumasok na sa loob. Naroon pa rin si Portia na may kausap. Tagal naman nilang mag-usap.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon