Skyler Henley
One morning, I woke up not feeling good. Nanghihina ang katawan ko, nilalamig din ako. I tried to get up pero ramdam ko ang sakit sa buong katawan ko. I don't know what is happening to me. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi naman ako naiinitan, nilalamig oo.
Balot ng kumot ang buo kong katawan dahil sa nilalamig talaga ako. Kinakapa-kapa ko ang paligid ko para hanapin ang phone ko at buti na lang, nasa ilalim siya ng unan ko. I wanted to call Sophie para batiin siya ng good morning. At kahit nanghihina pa ako, sinubukan ko ng hanapin sa contact list ko ang pangalan niya at successfully, nahanap ko ito at agad din tinawagan.
Three rings lang naman ang tinagal bago niya nasagot.
"Good morning Babe." Paos ang boses kong bati sa kanya.
"Good morning too. Late kana nagising?" Ang lambing ng boses niya.
"Oo eh. Late na yata. Hindi ko nakita ang oras." Nakapikit pa rin kasi ang mata ko ngayon. Hindi ko nga nakita kung ano ang oras na.
"Nagpuyat ka? Tsaka bakit ganyan ang boses mo? Hindi naman ganyan usually kapag tumatawag kang bagong gising."
Napansin pala niya. I smiled.
"Nope. Hindi ako nagpuyat kagabi. Maaga nga akong nakatulog kasi hindi maganda yung pakiramdam ko. And I think, Im sick right now. Natuloy na yata." I laughed at my last sentence.
"Did someone checked on you now? May nakakaalam naba na may sakit ka ngayon?" She is worrying, I knew because her voice is worried.
"Wala pa. Ikaw kaya una kong naisip pagkagising ko."
"Magsabi kana kaya sa mga kasama mo sa bahay. Sa Mommy mo. Para tulongan ka dyan."
"Sure. Later na lang. I want to talk to you pa eh."
"Ughh! Henley naman, para kang bata. I'll hung up now. Pupuntahan na lang kita ngayon."
Magsasalita pa sana ako pero binaba na niya ang linya. My Sophie Babe is worried at me. Ang saya sa pakiramdam na may specific na taong nag-aalala sayo. Dahil nga sa may sakit ako at nilalagnat, hindi ko namalayang nakatulog ulit ako.
I feel something cold on my forehead. Didikit tapos mawawala. Kaya naman I decided to open my eyes para makita kung ano ba iyon. But a gorgeous lady is what Im seeing.
"Nasa langit na ba ako? Ang ganda mo namang anghel. Kamukha mo yung taong gusto ko." Out of nowhere namang sabi ko.
But this Angel infront of me just laughed on what I said. Ang ganda ng ngiti niya.
"Wala ka pa sa langit! Come on Henley, umayos ka na. Para ka talagang bata ngayon ah." The Angel said.
I blinked my eyes for three times at ang anghel sa harap ko, mas gumanda pa.
"Babe." I said kahit paos pa ang boses ko. Yes, the Angel Im talking about is my Sophie.
"Ngayon gising kana siguro?" Natatawa pa niyang tanong.
I smiled at her.
"Bakit ka nandito? Tsaka baka mahawa ka sa lagnat ko. Sana sina Mommy or Hera na lang ang magbantay sa akin." May hawak siyang bimpo at iyon pala ang malamig na bagay kanina sa noo ko.
"Skyley, we are here!" At hinanap ng mata ko kung nasaan ang nagsalita.
My Mommy, Hera and Portia were standing too sa paanan ng bed ko. I didn't saw them kanina. Na kay Sophie kasi ako nakatingin lang. Ang ganda naman kasi niya.
"Anak kamusta na ang pakiramdam mo? Si Sophie na ang nag-alaga sayo kanina pa. Ako na nga sana ang mag-aalaga pero mapilit itong nililigawan mo anak. Pagdating dito kanina sa bahay, sobrang nag-aalala siya sayo. Hindi ko naman alam agad na may lagnat ka pala." My Mommy said.
Napatingin naman ako kay Sophie. She is blushing now. Ang cute!
"Mommy, I feel okay now. Gagaling na ako nito. Kasi ang galing ng Doctor ko. Sige na Mommy, ilabas mo na ang dalawang iyan. Lalo na si Portia baka mahawa pa sa akin."
Ilang buwan na rin naman siyang buntis kaya hindi pwede na mahawa siya. Postponed ang pagpunta namin sa America ni Portia dahil nga sa panliligaw ko kay Sophie. Pero matutuloy pa rin naman siyang sa America manganganak.
"Sige, lalabas na kami muna Sophie. Ikaw na munang bahala sa anak ko ah? And thank you sa pag-aalaga sa kanya." My Mommy hugged Sophie bago sila lumabas ng room ko.
Hindi na rin naman ako masyadong nilalamig ngayon kumpara kanina. May lagnat pa rin ako pero hindi na ganun kataas.
"Babe, thank you."
"Saan naman Henley?"
"For taking care of me now."
"Maliit na bagay." Parehas naman kaming natawa. "Pinakaba mo nga ako eh. Ng tumawag ka kanina na may lagnat ka. Buti na lang wala pa akong appointments ngayon kaya nakapag-paalam ako kina Mommy."
"I'll talk to them kapag fully recovered na ako."
"It's okay. Sila nga ang nagsabing magleave muna ako ngayong araw para puntahan nga kita. So yeah, Im free today. Kaya maaalagaan kita ngayon."
My sweet Sophie. Hindi niya ba alam na sa simpleng mga galaw niya, doon ako nabibighani sa kanya? And I think, that's what makes me fall for her more.
"Eh di mas may rason akong magpasalamat pa sa kanila. Thank you again." I said at hinawakan ang isa niyang kamay.
"Stop saying thank you. It's my duty too, bilang isang Doctor. At yeah, bilang nililigawan mo. May concern naman ako sayo ano." Sophie is smiling while she is saying those words.
"Aminin mo na, nahuhulog kana sa akin ano? Sige na, sasalohin naman kita." Kahit pa may lagnat ako, hindi ko maiwasang asarin ito.
"Kung ihulog na lang kaya kita dito sa kama mo? May dinaramdam na nga ang lakas pang mang-asar." At doon na ako natawa sa kanya. Ang dali talaga nito maasar.
Umayos ako ng upo at sumandal sa head board ng bed. Tinulongan naman niya ako kahit pa ganung naaasar na siya.
"Ang cute mo talaga kapag naaasar."
"Eh sa may sakit kana nga nakuha mo pang gawin iyon."
"Pero double meaning naman iyon Babe. Not literally na hulog out of nowhere. What I mean is, if you are falling to me, Im falling too. Handa naman akong salohin ka Babe. Because I like you, I do love you Sophie. Mabilis? Iyon ang nararamdaman ko eh."
There. I confessed my true feeling to her. Wala eh, hindi ko naman mapigilang sabihin sa kanya kung ano itong nararamdaman ko. Mahal ko siya. At sa totoo lang, siya ang unang taong minamahal ko ngayon aside from my family.
"H-Henley..ahm, I don't know what to say. You shocked me." Alam kong gulat pa talaga siya.
"I understand Sophie. Hindi ko naman inaasahan agad na gagantihan mo ng ganun ding salita. I just want you to know what I feel towards you. Pero hihintayin ko ang araw na iyon. Hihintayin ko kung kailan mo rin ako mamahalin. Maghihintay ako."
Ngumiti siya sa akin ay agad akong niyakap. Kontento na ako na ganito muna kami. We will take things slow. Walang pagmamadali.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romantizm**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.