Henley
"Congrats Henley and Laura!"
Lahat sila ay parehong iyan ang sinabi. Happiness is written on their faces. Lahat sila tuwang tuwa sa balita namin. Who wouldn't right? Kung alam mong madaragdagan na naman ang pamilya mo.
The very first time Laura said that she is pregnant again, sobrang tuwa ko rin noon na halos hindi rin ako maka salita that time. Akala nga ni Laura na hindi ko gusto ulit iyong pagbubuntis niya. But I explained naman na hindi ganun.
Wala pa naman talaga sa plano namin na magkababy na ulit. Masyadong bata pa si Harry eh, pero unexpected things happen nga di ba. This baby, God gave to us. Kaya walang pagsisisi na magkakababy ulit kami.
But before the good news, we planned our marriage. At iyon nga sa susunod na taon. Big bonus na itong magkakaanak ulit. I planned naman na pakasalan ang Ina ng mga anak ko. I love them, I love her.
"Thank you!" Laura and I both said.
"Wow galing mo talaga magshoot!" Ulit. Muling inulit ni Hendrick ang sinabi niya.
"Yang bibig mo Hendrick ah!" Saway naman ni Mommy sa kanya.
"Ang gross talaga!" Kontra pa ni Hera.
"Why? Im just saying my compliments. Dada, gusto mo ng magka-apo sa akin?" At bigla-bigla na lang niya itong sinabi.
Nagkatinginan kami ni Laura at lihim pang natatawa. Habang sina Mommy at Dada naman ay nabigla sa kanyang sinabi.
"Have a decent and stable job, improve your financial status, build your own house, and lastly, be a good husband first before that child your talking about. Prove yourself first kung gusto mo ng talaga na magka-asawa at anak. Having a child is not a joke. Madaming responsibilities ang naka kabit doon. Be a good parent and partner. Dapat handa ka sa lahat ng mangyayari once you choose that path. Hindi biro ang magkaroon ng asawa at anak." Mabahang litanya ni Dada.
Lahat kami ay nakikinig sa kanya. Even Laura is listening too.
"Kayo rin, Hailey and Hera. Ikaw Hailey, you already proved yourself. You have a stable job. Your financial status is not a problem. But Im asking you a favor as your parent, kung mahanap mo na yung taong makakasama mo habang buhay at kung talaga siya na nga ito, don't do anything na ikakasama ng relasyon niyo. Give and take is the key to a successful relationship. You should also accept the flaws of one another. Be open to one another. No more secrets."
Parang natamaan ako sa huling sinabi niya. No more secrets. Iyon ang pagkakamali ko, noon.
"And to you there young lady, huwag ka munang mag isip ng pag-aasawa." Doon gumaan ang awra ng paligid dahil sa tinawanan namin si Hera. Nakasimangot nga ito ngayon. "Finish first your chosen course. Pass the board exam and be a Doctor. I know, someday you will be a good Doctor. Ikaw ang inaasahan namin ng Mommy mo na mag-aala sa amin kapag uugod ugod na kami. So, No Boyfriend Policy."
Ayun, nakasimangot pa rin ang isa. May boyfriend na kaya ito?
"And to you Henley." Napa ayos naman ako ng upo at hinawakan ang kamay ni Laura. "Alam kong madami ka ng pangangaral na nakuha. I know, you knew what's right and wrong. Im only asking you to be a good partner for Laura. And be a good parent to your offsprings."
I know Dada. I know.
"Oh, na sermonan pa kayo ng Dada niyo. Sige na kain na ulit. Kung hindi maganda ang pakiramdam mo Laura, just tell me okay?" Mommy said.
"Yes po. Thank you." Sagot naman ng katabi ko.
Our dinner went well. Naroon pa rin yung pagkahilo ni Laura pero hindi ko naman ito pinapabayaan. We also chitchat more ng pamilya ko. And our baby boy? Ayun, nakikipaglaro na sa mga Tito at Tita niya. Wala na yung tantrums nito kanina, buti na lang.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.