All my life, lahat ng gusto ko na kukuha ko. Kung anong nasa isip ko, makakamit ko. Mga bagay na lagi kong ninanais. Pero pagdating naman sa taong gusto ko, yun ang hinding hindi ko na yata pa makukuha pa.She was my first girlfriend, yung hindi lang pang fling. Siya lang talaga yung kauna-unahang babaeng sineryoso ko. Kahit na noon ay para kaming aso't pusa kapag nagkita dahil sa lagi naman kasi etong naiinis sa akin. Not until the day na napa-amo ko rin siya.
But unexpected things happened. Sinubok kaming dalawa ng panahon. Pinilit pinaghiwalay at doon na rin kami bumitaw sa isa't isa. We just did the right thing and I can say, we did it right. Hindi man kami sa huli, nagpapasalamat pa rin ako sa kanya sa isang na pakasayang ala-ala na pareho naming binuo.
She will always be my greatest love. Sophie.
Sa ngayon, masaya na ako kung ano man ang meron ako ngayon. Masasabi kong kumpleto na ako ngayon.
When we parted our ways, I decided to leave Philippines and be with the mother of my child. Eto naman talaga ang dapat kong gawin. Eto ang tama.
Laura didn't know that Im coming home that time. At ng pinuntahan ko ito sa kanilang bahay ay gulat ito. I told her everything. Hindi rin naman siya sang-ayon sa naging desisyon namin at nag pumilit pa ito na siya ang kakausap kay Sophie noon para mag-kaayos kami. But I told her na wala ng mababago pa. Nagalit rin siya sa akin noon kasi hindi ko pinaglaban yung sa amin ni Sophie. What will I do? Siya na ang gustong bumitaw noon, for the sake of my child.
As days goes by, we both settled our lives. We decided to try our relationship not for just the baby, but for us too. Para maging mabuti kaming magulang sa anak namin. And of course, hindi mahirap mahalin si Laura. I've learned to love her, but not as much as I love Sophie. Alam iyon ni Laura yet she still understands me. Lagi pa rin ako nitong inuunawa kahit na ganun and Im thankful for that.
Lagi akong naka agapay sa kanya habang pinagbubuntis pa nito ang anak namin. We stayed in one roof. Sa pag-aalaga ko sa kanya, doon ko binuhos lahat ng oras ko para lang makalimot sa nakaraan. At para maging ligtas rin ang anak ko.
When it's her due, halos mataranta na ako noon dahil sa hindi ko alam ang gagawin. Nauna mang manganak noon si Portia, hindi ko pa rin alam kung ano ang gagawin. Naroon kasi yung kaba, excitement at siyempre yung saya. Sa wakas makikita ko na yung anak ko.
Laura gave birth to a healthy baby boy. Oo, lalaki ang anak namin and we named him, Harry. Harry L. Reidson.
Sobrang saya namin noon, ang taba niyang bata at malusog. Kuhang kuha niya sa akin yung kulay ng buhok ko at kulay ng mata ko. Hindi maipagkakaila na anak ko nga siya. Ganun din kasi ako noong bata pa ako. Chubby. Halos sa akin yata lahat niya nakuha eh. Mapa ilong, bibig at mata. Pero kung titignang mabuti, pinaghalong Laura at Henley ito.
I informed my family about my baby at maski sila ay excited ng makita ito kaya naman lumipad sila papunta sa States kinabukasan. Si Ate Heather lang ang hindi naka sama dahil sa nagbabantay rin ng anak niya. And the rest? Lahat sila lumipad makita lang ang anak ko.
Sobrang saya ni Mommy at Dada noon na makita ang anak ko. Na sa wakas, nadagdagan na naman ang apo nila.
Seeing my whole family smiling and being happy while they were baby sitting my son, iyon na ata ang pinaka masayang larawan na nakita ko. At masasabi kong hindi ako nagkamali sa desisyon ko.
"Henley, akin na si Harry. Kailangan na niyang magbreast milk."
Napa balik ako sa reyalidad ng magsalita sa likod ko si Laura. Karga ko kasi ang anak namin at nilalaro. Ilang buwan na ba siya? Nasa anim na buwan na at ang galing ng maki-interact sa iba.
"Baby, it's time for your milk. Punta na tayo kay Mommy ha?" Kausap ko sa anak ko at para naman nitong naintindihan ang sinabi ko dahil sa ngumiti ito. Ang gwapo!
"Akin na, kanina pa kayo nag lalaro ah. Baka pinagod mo ang baby boy ko?" Kinuha naman niya ang baby namin mula sa akin.
Magaling at maalagang Ina si Laura. Wala kaming kinuha na baby sitter dahil ayaw niya at ang sabi niya, siya lang daw ang mag-aalaga sa anak namin. Ayaw niyang ipaalaga sa iba. I agreed to her.
Halos ayaw na niyang bitawan ang anak namin. Kung sa gabi naman kapag nagising ay siya pa ang mag-aasikaso sa bata kahit na sinasabi kong ako naman. She always insisted na siya na lang daw.
"Hindi naman. Malakas yang baby boy natin eh." Sako ko pinisil ng konti ang pisngi ng anak ko. Ang cute kasi!
"Huwag mo ngang pisilin ang pisngi niya. Masakit naman din iyon." Saway naman nito sa akin.
Hindi ko na lang ito kinontra pa at nginitian na lang ito. We sat on our bed dahil sa kailangan na niyang mag pa breast feed. Gutom na kasi talaga ang bata.
As she is busy breast feeding our child, napapangiti na din ako habang pinapanood ko sila. I have now a complete family.
Niyakap ko silang dalawa at napatingin naman sa akin si Laura.
"Why?"
"Uhm? Im just happy that I have you both. You complete me. Thank you, Laura." And I kiss her head at sa anak din namin.
"No. I should be the one saying thank you. Thank you because, you were there when I needed you. You choose to stay with us. Even if you have a choice to not to. Thank you for loving us." She said.
Ano bang ginawa kong tama at sinusuklian ako ng taong napaka bait? Im lucky that I have her, I have them.
"I won't leave you. You and Harry. We are now a family. I will always be by your side. I love you both." And I kiss her again this time sa lips na.
"I love you too, Henley. I love you both."
And we continue feeding our son. Hinding hindi ko sila iiwan. They complete me, they are my family. I love them.
![](https://img.wattpad.com/cover/214002215-288-k154741.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Любовные романы**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.