Chapter 16

1.4K 56 9
                                        

Sophie

Dahil sa sinabi ni Frederick, nawala ang mga nakakainis na ngisi sa mga labi ni Henley. Naging seryoso na rin siya at makikita sa mukha niya na walang emosyon. I don't know, ngayon ko lang siya nakitang ganyan. Hindi naman sa nakakatakot pero parang sumisigaw ng 'danger!'.

"Really? Manliligaw ni Sophie?" Walang kabuhay-buhay ring tanong ni Henley. Ugh, what to do? Parang hindi maganda eto. Sophie think!

"Yes." Sagot naman ng isa.

Tinignan ko siya at pinanlakihan ng mata na nagpapahiwatig huwag ng ituloy pa ang sasabihin pero isang nakakalokong ngiti lang din ang sinagot sa akin. Ano ba iyan, pinapatulan pa kasi!

"Frederick, please huwag-"

Sinubukan ko ng pumagitna na mumuong masamang awra sa paligid kaso eto, pinuputol nila kapag magsasalita na ako.

"Let him speak Sophie. I just want to know what is on his mind."

Henley is now, ugh mad. She calls me by my name. Ngayon ko lang siya talaga makikita na galit. Never ko pa siyang nakitang ganyan. As in never, kaya natatakot na rin ako baka mag-away pa sila dito.

"Tama nga naman Sophie, let me say what I want to say. Uulitin ko, manliligaw ako ni Sophie. Bakit sino ka ba?" Frederick asked.

Napatingin naman ako kay Henley at nagsusumamo na sana huwag na lang patulan pa ang isa. Kaso parang hindi mangyayari iyon, ang hirap din kasing salubongin ang mga tingin niya. Nakakatakot.

"She's my Fiancee." What??

Gusto kong isigaw iyan kaso parang may zipper na sa bibig ko na ayaw bumuka. Ang hirap naman maging referee!

"Kailan pa? As far as I remember, she is not committed to anyone. She is not engaged to someone. So paanong fiancee mo siya?"

Lord please, lamonin na sana ako ng lupa dito. Ayoko ng makarinig ng usapan nila. They are getting into my nerves!

"Listen, Frederick can you visit me again next time? Henley and I will talk about something, so?" This time, pinalaki ko na ang mata kong singkit para naman makaramdam na siya.

At napahinga naman ako ng ngumiti siya sa akin. Salamat.

"Okay, we'll see each other again, Darling." He bid his goodbye. Hahalik pa sana sa akin kaso pumagitna na si Henley.

"Okay na, huwag ng humalik. Alis na. Shoo!" Now, Im confident na hindi na gaanong galit itong isa.

Natatawa na lang si Frederick na lumabas sa office ko. At doon, napahinga ako ng malalim na kanina ko pa pala pinipigilan.

Naupo na ako sa swivel chair ko at sapo ang ulo. Nakakasakit naman ng ulo hetong nangyari. Ni isa sa kanila walang tamang sinabi. Manliligaw? Fiancee? Really?

"For you." Iniabot naman niya sa akin ang bouquet of tulips. Maganda ang mga eto pero hindi ko maappreciate ngayon dahil sa nangyari. Kinuha ko na lang para wala ng madaming salita.

"Now, who is he?"

Nasa harap siya ng table ko at naka tukod ang dalawang kamay paharap sa akin. Unti-unti ko namang inangat ang paningin ko sa kanya at ng nasa mukha na niya ako, I swallow an imaginary lump. Why? Kasi ito na naman yung seryos siya. Nakakatakot.

"Ah-si-si Frederick." Nauutal ko pang sagot.

"Is he really courting you?"

Ahm, what will I answer? Eh sa hindi naman talaga totoo yung sinabi niyang manliligaw ko siya. I don't even know why he said that. And as far as I know, he is in a relationship!

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon