Skyler Henley
Im driving my way to Sophie. I mean sa hospital. Ngayon na kasi lalabas si Portia at ngayon na rin namin gagawin ang plano. I also called our lawyer para sa mga legal works na mangyayari. Ready na ang lahat.
I arrived at the hospital ng 9 am. Kinuha ko ang dalawang bouquet na binili ko kanina. Roses for Portia and Tulips for my Sophie. Pagpasok sa entrance, pinagtitinginan na naman ako ng mga tao. Na akala mo pwedeng kainin sa paraan ng pagtingin nila. I know, Im Hot!!! Nakangiti lang ako habang nilalagpasan sila.
Im now in front of the door sa office ni Sophie and about to knock ng magbukas eto. Gulat na Sophie ang bumungad sa akin.
"Good morning Babe!" Masigla kong bati. But she just ignored on what I said.
"Babe mo mukha mo! May atraso ka sa akin!" Umagang-umaga ang init ng ulo.
"Kaya nga papasokin mo muna ako kasi pinagtitinginan na tayo ng mga tao dito. Gusto mo bang agawin nila ako sayo?" Pilya kong sabi. She glared at me. Tumingin nga siya sa paligid kasi totoo naman. "See?"
Pinapasok niya ako sa loob at sinara na rin niya eto. "Flowers for you Babe. To lighten up your mood. Or baka ako lang ang hinihintay mo para maging good mood kana?" Again she glared. Pikon!
"Whatever your mouth say. Please umaga pa Henley, huwag kang mang-asar." Sabi niya at kinuha naman niya yung bigay kong flowers.
Pinatong ko muna sa isang mesa yung isang flowers para kay Portia.
"Okay! Hands up Babe. Anong oras lalabas si Portia? I will give that bouquet to her." Turo ko sa mesa. "Huwag kang magselos, kasi sakanya ko ibibigay hindi sa iba." Kaya tumawa ako.
Hindi niya ako pinansin at nag-ayos na lang siya ng mga gamit. Baka pupunta na kami kay Portia.
"Let's go." Maikling sabi niya. Okay wala sa mood.
Lumabas na kami ng office niya at pinagtitinginan naman kami ng iba. Marahil sa dala-dala kong bulaklak. Inggit sila. Nakarating kami sa room ni Portia at nag-aayos na siya ng gamit. Siguro clear na for discharged eto.
"Hi Portia!" Magkasabay pa naming bati ni Sophie.
"Hello po lovers!" Masaya naman niyang bati sa amin. Natawa ako sa sinabi niya pero etong katabi ko napangiwi. Ang ganda kayang pakinggan. Lovers.
"Heto oh flowers for you." Makikita mo sa mukha niya ang saya niya. Marahil ngayon lang siya nabigyan ng bulaklak.
"Salamat po." Nahihiya pa siya. "Uhm ngayon na po ba tayo pupunta sa mga magulang ko?" Kinakabahan ding tanong niya.
Napatingin sa akin si Sophie. I give her my sweetest smile. Pero inirapan lang ako. Halikan ko siya eh! Pero tinuon ko ang pansin kay Portia. "Yup. Alam ko kung anong nasa isip mo. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat sayo. At sana kung ano man ang maging desisyon nila eh tatanggapin mo, okay ba?"
"Kasama mo kami Portia, hindi ka mag-iisa doon. Kaya huwag ka ng kabahan." Dagdag ni Sophie sa sinabi ko.
After that little chitchat, narito na kami sa kotse ko at inaayos ang kaunting gamit ni Portia. Hindi talaga siya binisita ng magulang niya.
"Henley, paano pag may violent reaction ang parents niya?" Nag-aalala niyang tanong. Naka tayo pa kaming dalawa sa labas ng kotse pero si Portia nasa loob na. Kaya naman hinapit ko ang bewang niya at nadikit sa akin.
"Don't worry Babe, papunta na doon yung lawyer and the bodyguards. At kung subukan man nilang gumawa ng mali, may kalalagyan sila. Trust me for this one." Malumanay kong sabi. She nod her head. I try to kiss her pero hinarang niya ng palad niya ang mukha ko.
"Nice one perv! Tara na nga, sumisimple kapa!" Tinulak niya ako at pumasok na sa passenger seat. I laughed on what was happened. Isang halik lang naman!
Malayo ang bahay nila Portia. Nasa one and half hour ang biyahe at ng makarating kami sa bahay nila, naroon na ang lawyer at nga bodyguards. Hindi ganoon kalaki ang bahay nila pero sakto lang na tirahan din ng isang pamilya.
Lumabas na kami ng kotse at nakayakap si Portia kay Sophie. Makikitaan mo siya ng takot. Kasi naman, dito pa lang sa labas maririnig mo na ang sigaw ng taong lasing. Kaya lumapit na ako sa kanila.
"Don't worry, we're here for you. Walang mananakit sayo." I just tapped her shoulder at naglakad na kami papasok sa bahay nila.
Nauunang maglakad ang mga bodyguards. At sa tapat ng pintuan, bumukas eto at nakatayo roon ang isang ginang. Gulo-gulo ang buhok.
"Anong ginagawa niyo dito? Sino kayo at kasama pa talaga ninyo iyang disgrasyadang babae na iyan?" Marahas niyang sabi.
Nagtitimpi lang ako pero ang pananalita niya ang nagpawala neto. Gusto ko siyang sugorin pero hinawakan ni Sophie ang braso ko kaya naman huminahon ako.
"Misis, narito kami para kausapin kayo tungkol sa anak ninyo. At hindi kami nagpunta dito para maghatid ng away. Ayaw namin sa rahas, pero huwag niyo na lang pong subukan." Sabi ng Lawyer namin. Marahil na rin sa takot ng ginang ng makita ang mga naglalakihang bodyguards eh pinapasok kami. Ayaw pa sanang humakbang ni Portia pero sinuyo na lang namin eto.
Pagpasok sa bahay nila eh isang lalaki ang nag-iinom sa loob. Ilang bote ng alak na ang naubos niya at nagkalat na rin eto. Napatingin siya sa amin at ng dumapo ang mata kay Portia bigla na lang etong tumayo ay susugorin na sana ang dalaga pero napigilan ng bodyguards.
"Anong ginagawa mo ditong babae ka? Diba pinalayas kana namin at wala ka ng babalikan pa dito? At ano eto? Nagdala kapa ng mga kakampi? Lumayas kayo!" Lasing niyang sigaw sa amin.
Susugorin ko na sana ulit siya ng hilahin ako ulit sa braso ni Sophie. Mga iresponsableng magulang! Dapat sa kanila kinukulong!
"Huminahon ka nga Henley, hindi away ang pinunta natin dito diba. Kaya tumigil ka dyan. Ako sasapak sayo." Napatingin naman ako sa kanya dahil sa huling sinabi niya. Naku, under yata ako neto.
"Nakakainit ng ulo kasi kung anong pinagsasabi." Dipensa ko sa sarili.
Naka upo na kami ngayong lahat dito sa sala nila at magkatabi rin ang mga magulang ni Portia. Sinabi na ng Lawyer namin ang balak namin at walang pagdadalawang isip na ibigay sa amin ang anak nila. Tinignan ko si Portia at parang nabuhayan siya ng pakawalan na siya ng magulang niya. Pero humirit ang magulang niya at gusto ng pera kapalit ng kalayaan ng anak. Hindi ako nagdalawang isip rin na ibigay eto sa kanila para lang makawala na si Portia mula sa kanila. Nagkapirmahan rin ng mga papeles na wala ng silang habol pa kay Portia at kapag sinubukan nilang gulohin ang anak, sa kulongan ang bagsak nila.
We went home after we settled all the problems at nagpasalamat sa Lawyer. Inuwi ko sa bahay si Portia dahil doon na muna siya habang inaasikaso pa ng Lawyer yung ibang papers niya papunta sa America.
"Maraming-maraming salamat po Kuya Henley. Malaking utang na loob ko po sayo etong ginawa niyo." Naluluha niyang sabi habang naka upo kami sa living room. Katabi naman niya si Sophie at pinapatahan eto.
"No worries. Wala kang utang sa akin ah. Pero kung gusto mong makabawi, tulongan mo ako sa panliligaw dyan sa Ate Sophie mo." Pampagaan ko lang ng mood. Natawa naman siya habang ang sama ng tingin sa akin ni Sophie.
"Anong panliligaw sinasabi mo dyan. Bakit pumayag ba ako?" Mataray niyang sabi. Mas lalong natawa si Portia.
I get up at nagtungo sa harap nilang dalawa, kinuha ko ang isang kamay ni Sophie. Nagpupumilit bawiin pa sana pero hindi ko hinayaan eto. Lumuhod ako sa harap niya.
"Sophie Rilly Villaruz, can I court you?"

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romantik**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.