Skyler Henley
Pag-uwi ko sa bahay ay hapon na. Nag-usap talaga kami ni Laura ng masinsinan tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi ko man siya papanindigan pero ang magiging anak ko, yun ang papanindigan ko. Kahit na anong isipin, akin pa rin ang batang dinadala niya.
Ano ang nararamdaman ko ngayon? Magkakahalo. Pagkabigla, pagkalito, siyempre masaya rin ako dahil sa may anak ako, at ang pinaka sa lahat ng nararamdaman ko ngayon ay pagkabahala.
Im worried if my parents will know about this. Lalong lalo na si Dada. Lagi niyang sinasabi sa akin na be responsible in any actions I will do at ito na yata ang gusto niyang iparating sa akin. Alam kong maiintindihan ako ni Mommy, pero si Dada? Hindi ko alam. Hindi man halata pero strikto siya. Ayaw na ayaw niya ang nagpapabaya sa kahit anong bagay, lalo na sa amin. At hindi ko talaga alam kung anong masasabi niya kapag nalaman na niya ito.
Im worried too, for Sophie, for us. Kauumpisa pa lang namin sa relasyon heto at may problema na agad. Alam kong hindi mawawala ang problema pero sobrang bigat na agad ang bungad sa amin. Alam kong maiintindihan niya, pero natatakot ako kapag pagpipiliin niya ako. Alam ko sa sarili ko na siya at siya lang ang pipiliin ko pero hindi ko alam kung ano rin ba ang maiisip niya. I can't afford to lose her.
Kinausap ko na rin agad si Portia about Laura at sa narinig niya. Mabuti na lang at mabait siya. Sinabi ko lang na ako na ang magsasabi sa mga magulang namin. Problema ko ito, so ako dapat ang magdala.
_______
Week had passed at wala pa rin akong tapang na sabihin sa pamilya ko. Mommy will be worried while Dada will get furious lalo na kapag sinabi ko ang desisyon ko. At kay Sophie? Kahit nag-uusap man kami sa phone, hindi ko kayang banggitin sa kanya.
Paano ko naman siya sasaktan kung sa tuwing nag-uusap kami thru video call ay lagi itong nakangiti? Na pinapakita niya sa akin kung gaano siya kasaya sa relasyon namin? Hindi ko kayang gawin iyon na palitan ng lungkot ang masasaya niyang ngiti. I can't.
Hindi ko rin naman naumpisahan kung ano talaga ang balak ko ditong ayosin. Iiwan ko na sana ang negosyo ko dito at ipapaubaya sa mga pinsan ko nalang para hindi na kami magkalayo pa ni Sophie. Iyon ang initial plan ko, but I guess, destiny has another plan for me.
Every night, I get myself drunk. Gusto ko lang makalimot sa problema. Iyon ang laging ginagawa ko. Portia and my grandparents were worried too. Pero sinasabi ko na lang na walang problema.
Gaya ngayon, gabi na naman at katatapos lang namin mag-usap ni Sophie. Miss ko na siya, pero wala pa akong nauumpisahan sa plano kong pag-iwan ng negosyo. Iba ang naiisip ko, kung paano ko ba sasabihin sa kanila na magkakaanak na ako. Pero laging bokya rin naman ang naiisip, wala akong maisip.
My phone rang. Hindi ko ito pinapansin dahil kanina pa iyan. Hindi ko rin alam kung sino ba ang tumatawag, pero dahil sa naririndi na ako sa tunog, I answer it without knowing who Im talking.
"Henley? Anak?" It's Mom.
I guess, sinabi ng Lola sa kanya ang lagi kong ginagawa sa gabi. Wala talaga akong kawala.
"Mommy?"
"Anak, alam kong may problema. Ramdam kita, anak. Andito naman si Mommy para makinig eh."
Mothers feels their child.
"Nothing po. Stress lang talaga sa ginagawa ko rito. I need to set things up, lalo na po iiwan ko itong negosyo ko rito para hindi na rin ako lumayo pa sa inyo." I need to lie.
"Sigurado ka na iyan lang ang problema mo?"
"Yes Mommy." Im sorry Mom.
"Sige, hindi na kita pipilitin pa kung ayaw mo. Pero anak, tandaan mo na lagi akong narito handang makinig sayo. Makikinig ako hanggang sa matapos kang magkwento."

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.