Skyler Henley
Exactly two months, yan ang bilang ng araw ng panliligaw ko kay Sophie. Matagal na ba? Kung oo, well okay lang sa akin. Gusto ko nga iyon na matagal kasi alam ko sa sarili ko na worth it naman ang ginagawa ko para sa kanya.
"Henley, anong balak mo kay Portia? Akala ko ba sa America siya manganganak? Kapag malaki na ang tiyan niya hindi na pwedeng magbiyahe pa siya sa eroplano." Nasa bahay kasi ako ngayon. Kausap naman ako ni Dada.
"Eh hindi pa naman po ako pwedeng bumalik sa America ngayon. Alam mo po namang nanliligaw pa ako kay Sophie. Pasasagotin ko po muna siya at masigurong walang ibang manliligaw sa kanya. Tapos ihahatid ko lang si Portia doon at babalik din agad." Initially, after na lumabas sana ang papers niya saka ko siya dadalhin sa America. Pero siyempre may pagbabago.
"Ikaw talaga. Nambabakod ka ah. Pero okay lang iyan. Make sure you will get her answer. Gusto ko ng manugang na Doctor." Parehas kaming natawa ni Dada.
Kapag narinig lang ni Mommy ang pinag-uusapan namin panigurado, sasawayin kami nun. Knowing Mommy?
"Opo Dada. Pagbubutihin ko po ang panliligaw sa kanya. Promise magkakamanugang ka ng Doctor."
"Anong manugang?" Mommy.
Sabay kaming napatingin kay Mommy na kadarating lang sa living room. Nakapamewang pa ito sa amin at naka taas ang isang kilay. Ang hot ng Mommy ko talaga.
"Ah Love kasi itong si Henley." Si Dada parang natataranta.
"Dada ikaw kaya." Dahil nga sa likas akong mapang-asar, siya ang biktima ko ngayon.
"Anong ako? Ikaw itong pinag-uusapan natin. Bata ka." Dada.
"Wala kaya Dada." Kunwari ko pang deny.
Natatawa na talaga ko. Takot si Dada kay Mommy. Doon ako sure na sure.
"Ayst! Ikaw bata ka pati ako pinagloloko mo. Love dito ka nga sa tabi ko. Miss kita eh."
"Miss mo mukha mo. Bakit saan ba ako nagpupunta para mamiss mo? Eh narito lang naman ako sa bahay. Unless ikaw may pinuntahan." Mommy.
Ang taray ni Mommy! Nanonood lang ako sa kanila ngayon at pinipigilang matawa. Ang under ni Dada!
"Love ah! Wala akong pinuntahan. Nandito kaya ako sa bahay lagi." Tumabi naman si Mommy sa kanya. Hindi rin naman matiis ang isa eh. "Miss lang talaga kita kayakap. Pakiss nga."
Akmang hahalik sana si Dada pero hinarang naman nito ang palad. Hindi ko na talaga mapigilan ang tawa ko kaya ayun, ang lakas ng tawa ko sa harap nila. Seeing my parents like this? Ang saya sa pakiramdam. Why? Kasi ramdam ko ang pagmamahalan nila na ilang taon na rin silang nagsasama. Sweet pa rin sila sa isa't-isa.
"Henley anak. Anong pinag-uusapan niyo ng Dada?" My sweet Mommy Sabrina.
"Gusto daw po niyang magkamanugang ng Doctor, Mommy."
Tumingin siya kay Dada at nagtaas na naman ng isang kilay. "Bakit ba pinapangunahan mo ang anak natin Haym? Kung sino ang gusto niya dapat suportahan natin siya. Huwag lang niya sasaktan ang anak natin."
"Love naman. Hindi ko naman siya pinapangunahan eh. At kahit naman sino ang gusto niya, susuportahan ko talaga. Ang sinasabi ko Love ay si Sophie. Doctor siya di ba? So, gusto ko si Sophie na maging manugang." Dada explained to Mommy.
Tila nakuha naman niya ang ibig sabihin ni Dada. "Oo pala. Naku makakalimutin na yata ako Haym. Matanda na nga ako."
"Love, kahit na makakalimutin ka, narito naman ako palagi para alalayan ka sa lahat ng oras. At saka, hindi kapa matanda. Kaya mo pa nga ang makatatlong rounds." At dahil sa huling sinabi ni Dada, hindi ko napigilan ulit ang malakas kong tawa.
Napakagaling talaga ni Dada! Kaya nga naka lima silang anak!
"Ang halay mo Haym! Sa harap pa talaga ng anak natin mo iyan sinasabi? Ughh! Minsan gusto ko talagang sapakin ang Dada mo Henley. Huwag kang tutulad dito ah! Ayaw kong magsumbong si Sophie na ganito rin ginagawa mo sa kanya." Tumatawa akong tumango kay Mommy.
"Opo Mommy. Hindi naman iyon magsusumbong, kasi po sa amin lang iyon." At tumawa pa ako ulit.
Ang sarap lang sa pakiramdam na suportado ka ng mga magulang mo sa lahat ng desisyon at gagawin mo sa buhay. My parents? Im thankful and greatful that they are mine. Mula pagkabata, lagi silang nakasuporta sa aming magkakapatid. Busy man sila sa mga trabaho nila, hindi nila kami pinapabayaan.
"Ikaw talagang bata ka. Mana ka nga dito sa Dada mo. Maiba tayo, sinagot kana anak?" Mommy asked.
Pero bago ako makasagot sa tanong niya, sumingit naman si Dada muna.
"Iyon nga ang sinasabi ko Love, na gusto kong magkamanugang ng Doctor. Hindi pa kasi siya sinasagot ni Sophie.""Ikaw ba tinatanong Haym?" Masungit na sita ni Mommy. Natahimik naman agad ang Dada. Under talaga.
"Hindi pa po ako sinasagot ni Sophie, Mommy. Napag-usapan po kasi naming maghinay-hinay muna. Naiintindihan ko naman po siya. At payag naman ako doon. Pasasaan po ba at mapapasagot ko rin siya. Mahihintay ko naman po siya, Mommy."
"Ang swerte naman ni Sophie sayo anak. Mabuti na lang sa akin mo namana iyang ugali mo na iyan, yang pagkamaunawain mo. Sana nga anak, huwag ka niyang paasahin. Ayaw kong makita kang nasasaktan." I smile at her.
"Hindi po iyon magagawa ni Sophie, Mommy. Mabait siyang tao at alam kong ayaw din niyang makasakit ng iba. Napag-usapan na rin po namin iyon, na kapag may iba man siyang nagustohan at hindi ako iyon, hindi po ako magagalit sa kanya. Doon siya masaya dapat suportahan ko po ang ikakasiya ng taong mahal ko diba po Mommy?"
My Mommy nodded her head. "Oo naman anak. Kung saan masaya ang taong mahal mo, dapat suportahan mo. Pero anak, masakit kapag ganun. Ang hindi ikaw ang pinili."
"Masakit man Mommy pero mahal ko rin po."
My parents smiled at me. Alam kong nauunawaan nila ako. Who else can understands you? Siyempre ang magulang ang unang gagawa nun.
Iniba na namin ang usapan at napunta sa kapatid kong buntis. Ikakasal na nga siya next year eh. Si Ate Heather. Tuwang-tuwa ang magulang namin dahil magkaka-apo na daw sila sa wakas. Si Ate Hailey nga binibiro namin na siya na rin sana ang sunod na magkapamilya. Pero nasa work pa rin ang focus kasi niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/214002215-288-k154741.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.