Chapter 23

1.4K 57 4
                                        

Sophie

Im thankful kasi naiintindihan ako ni Henley. Alam kong matagal na para sa kanya ang magdadalawang buwan na panliligaw sa akin. Pero kasi, gusto kong makilala muna namin ng husto ang isa't-isa bago namin harapin ang bagong stage. Ayaw ko kasi na someday isumbat namin sa isa't-isa na dapat kinilala muna namin ang bawat isa bago harapin ang stage ng magkarelasyon. Mas mabuting ngayon pa lang dapat kinikilala na namin.

"Anak? Busy ka?" My Daddy Riley asked.

Nasa bahay kami ngayon dahil rest day naming lahat. Sunday ngayon kaya walang pasok. Pero kung kailangan naman kami sa hospital ay ready naman. Pwera lang kapag nasa out of town or country kami.

"Hindi po Daddy. Pasok po." Nasa may pinto ko kasi siya ng kwarto ko. Ako naman naka upo lang dito sa bed. Magkatext nga kami ni Henley. Nasa ibang town silang magpapamilya. Doon daw sa fiance ng Ate Heather.

Tumabi naman si Daddy sa akin. Kahit na may edad na siya, ang gwapo pa rin ng Daddy. Maalaga siya sa katawan kaya para siyang bata pa rin.

"Baka naistorbo ko kayo ni Henley sa tawagan?" Daddy Riley asked.

"Hindi po. Magkatext lang kami ngayon Dad. Nasa ibang town kasi sila ngayon, pinapaalam lang niya kung ano ng ginagawa niya."

"Sinagot mo na ba siya anak?" Umiling naman ako bilag sagot. "Ang tagal na pala niyang nanliligaw ah. Bilib ako sa batang iyon. Marunong palang maghintay." Natatawang sabi ni Daddy.

"Iyon naman ang sabi niya Daddy. Maghihintay daw siya sa akin. Alam mo po namang ito ng unang relasyong papasokin ko kung sakali di ba? Gusto ko lang pong makasiguro na wala akong pagsisisihan sa huli. Na dapat po hindi minamadali ang lahat. Gusto ko po kasing makilala muna namin ang isa't-isa ng husto."

Tumango naman siya bilang pagsang-ayon sa mga sinabi ko. "Pero anak, huwag masyadong matagal ang pagpapahintay sa kanya. Baka maghanap ng ibang yun." Tatawa tawang sabi niya.

"Daddy naman. Eh kung hindi siya makapaghintay, di okay lang po sa akin."

"Hindi ka iiyak? Hindi ka maghihinayang? Hindi ka masisisi?" Sunod-sunod namang tanong ni Daddy.

Iiyak ba ako? Siguro oo. Kasi sinong babae ang hindi iiyak kung ang manliligaw niya hindi siya nahintay. Somewhat may nainvest na rin naman siyang feeling doon. Maghihinayang? Pwede rin. Sa time na nilaan naming dalawa. Magsisisi? Na pinahintay or pinayagang ligawan. Hindi ko alam.

"Ewan ko po Daddy. Hindi ko po masasagot iyan ngayon. And sana, hindi rin mangyari po."

"Sana nga anak. Ayaw kitang masaktan rin ng iba. Maheartbroken?" Biro niya kaya naman napasimangot ako sa kanya. "Biro lang anak. Pero totoo, ayaw kitang masaktan. Kayo ng Mommy mo ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko. Ayaw ko kayong nakikitang nasasaktan kasi mahal na mahal ko kayo."

"Mahal na mahal po rin kita Daddy. Salamat po sa pagtanggap sa akin at kay Mommy." Alam ko kasi kung ano ang nangyari sa kanila noong bago pa ako pinanganak. Kinukwento kasi nila sa akin lahat. Hindi naman ako nagtanim ng ano mang galit or what sa kanila. Mas nagpapasalamat pa nga ako eh.

"I think that's what love can do. Lahat naman tatanggapin para sa taong mahal mo. Ang I love your Mommy that time. Kayo ng Mommy mo." Nikayap ko naman siya bilang pasasalamat sa lahat. "May I ask you something?" Tumango ako. "Do you have feelings for Henley?"

Meron na nga ba? Kasi sa tuwing kasama ko siya, lagi akong masaya. No dull moments with her. Naipapakita ko kung sino talaga ako at siya rin. Siguro oo meron na, gusto ko siya.

"I think po Daddy meron. And Im figuring out kung ano po ito. Hindi ko po masabi kung ano kasi." Alanganin ko namang sabi.

"If it is Like or Love?" I nodded. "Ano bang nararamdaman mo kapag kasama mo siya?"

Ngayon lang ako mag-oopen ng nararamdaman ko kay Daddy about Henley. Even kay Mommy hindi ko nagagawa.

"Ano po, ahm kapag kasama ko siya, masaya ako. Wala pong dull moments na kasama siya. Lagi akong nakangiti kapag kasama siya kahit na naroon pa rin ang pang-aasar sa akin. Naipapakita ko po sa kanya yung Sophie na ordinaryong tao at hindi isang bilang Doctor. Gumagaan po yung paligid ko kapag nasa tabi ko siya." Nahihiya ko namang sabi. Eh sa ngayon lang ako nag-open talaga sa kanya.

"Give me a hug baby." Ginawa ko naman iyon kahit na tinawag na naman niya akong baby. "Give your Mommy a hug too mamaya okay?" Nagugulohan man, tumango na lang ako. "My first born child is now grown up. Dalaga na talaga ang anak ko. Ang bilis ng panahon, parang kailan lang noong tinutulongan mo pa akong maka-alala ng panahong nawalan ako ng memorya. Yung lagi kang naka bantay sa akin noon habang pinagbubuntis pa ni Samantha ang kapatid mo. Ngayon, isa ka ng kilalang Doctor Sophie. Naalala ko nga noong bata ka pa, lagi tayong nag-aaral about sa pagdoDoctor hindi ba? Kasi gusto mo talagang tularan kami ng Mommy mo."

Hindi ko alam kung bakit nag rereminisced si Daddy. Ang tagal na noong mga panahong nawalan siya ng memory.

"Daddy, may problema po ba?" Tanong ko naman habang yakap ko pa rin siya.

My Daddy Riley kiss my head first before answering. "Wala anak. Gusto ko lang naman magreminisced tayong dalawa. Baka hindi na natin magawa ito sa mga susunod n araw."

"Why Dad? Ano po bang sinasabi ninyo? Aalis ba kayo ni Mommy? Daddy kinakabahan ako." Mas humigpit naman ang yakap ko sa kanya.

Totoo, kinakabahan ako sa ginagawa at sinasabi niya ngayon. Kung aalis man sila, alam kong hindi sila magtatagal sa pupuntahan. As much as possible, si Mommy ayaw niyang nawawalay kami sa kanya. Kahit na ganitong nasa tamang edad na nga kami. Even Daddy, mas gusto ngang magkakasama kami lagi kapag may pupuntahan o lalabas ng bansa. Kaya nagtataka ako ngayon bakit ganito siya.

"Hindi naman kami aalis anak. Baka nga may lalayo eh. Hindi ko lang naman maisip na may isa sa inyo ni Silver na lalayo sa amin." Ang gulo pa rin ni Daddy.

"Daddy, wala namang lalayo eh." Naiiyak na ako.

"Huwag kang umiyak Sophie. Baka makita ka ni Mommy mo niyan pagalitan pa ako." Natatawa na siya sa akin. Kasi naman.

"Kung ano-ano kasi sinasabi mo Daddy. Wala namang lalayo eh. Hindi naman po namin kayo iiwan ni Mommy. Alam kong hindi rin kayo magagawang iwan ni Silver. We are dependent sa inyo."

"Anak, what I mean is, someday may lalayo na sa amin. At kayo iyon kapag nagsipag-asawa na kayo."

Asawa? Ang advance niyang mag-isip. Wala nga kaming karelasyon tapos asawa ang naisip niya. Daddy talaga.

"Ang advance naman Daddy." Natatawa ko ng sabi. Nakahinga pa ako ng maluwag.

"Anong advance ka dyan? Baka nga ilang buwan na mag-aasawa kana." I looked at her. "Kayo ni Henley anak. Naku naman. Sa sagot mo kanina sa tanong ko. Mahal mo na siya Sophie. Mahal mo na si Henley."

Mahal ko na siya? Ganoon ba ang feeling kapag mahal mo na ang isang tao? Masaya? Pero nagugulohan pa rin ako eh. Ready na ba ako?

"Daddy? Mahal ko na siya?"

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon