Sophie
Days passed mula ng huling kita namin ni Henley together with her family, Harry and Laura.
Hindi na nasundan ito kasi nag pakabusy na ako work ko. Mabuti na lang din iyon para makalimot. I convinced myself to move forward from now on. Kailangan ko ring maging masaya. Ako na lang yata yung naiwan sa nakaraan. Sila masaya na habang ako, hindi pa.
Kaya kong maging masaya. Kakayanin ko.
"Ano? Labas na lang tayo? Stress ka na sa work."
I was brought to reality when this man talked. Kanina pa siya dito sa office ko at kanina pa ako ginugulo para lumabas kami. Ewan ko ba kung bakit nandito na naman. Oo nga na nagtatrabaho siya dito pero kasi ang kulit eh!
"Nelson please. Can't you see? Busy pa ako. Kailangan kong basahin yung records ng next patient ko." Yup, it's Nelson, my suitor.
Nelson is handsome. Have a nice body na kung ibang babae siguro mahuhumaling sa kanyang magandang katawan. Matangkad, malinis tignan, at maporma. Puro positive ang masasabi at makikita sa kanya, but those are nothing with me. Walang espesyal sa kanya. Wala. Siguro dahil nasa isang tao lang ako nahuhumaling? Ah! No! Erase! Erase!
He is inviting me kanina pa para lumabas and clearly as he said, stress na nga talaga ako ngayon. Nasobrahan ko na yata ang pagtatrabaho ko. Kaya naman napahilot ako sa kumirot kong ulo.
"See? Stress ka na. Kailangan mong mag-unwind. Sobra na yang pagtatrabaho mo." I know, he is only concerned to me.
I sigh. Tama naman kasi siya. Siguro kailangan ko rin ng break. I closed the folder that contains the record of my patient. Napasandal na lang ako sa upoan at hinilot ulit ang ulo.
"Na-stress na rin ako sayo, alam mo ba? Lagi kang nangungulit sa akin dito. Wala ka bang trabaho? Eh sa alam ko, doctor ka." I may sound masungit pero sanay na siya sa akin na ganito. Tinatawanan na lang niya ako minsan.
"Aside from manliligaw mo ako, Im also a friend. Gusto ko lang naman na pagaanin kahit kaunti yang pagkastress mo. Tsaka yung work ko? Im off duty today. Kaya nandito ako." He is right, magkaibigan rin kami.
We started as friends. Dahil nga sa dito siya nagtrabaho noon, naging magkaibigan kami. Anak siya ng kaibigan ni Daddy kaya dito rin siya nagtrabaho. Mabait naman kasi siya at alam kong maaasahan.
"Oh, off duty mo pala. Why don't you just rest in your house at hindi yung kinukulit ako?"
"Okay, mapapaamin tuloy ako." I look at him intently dahil sa kanyang sinabi. "Your Dad said na ilabas kita ngayon. Sabi kasi niya na masyado ka ng busy at laging over work. So, kinausap niya ako na ilabas ka just to unwind."
I sigh deeply. Daddy is being a matchmaker now. I know, nag-aalala lang sila sa akin pero sana hindi na lang niya inutusan ang isang ito. Makulit kasi iyan minsan.
"Okay. Let me finished this first then sasama na ako. Huwag kang makulit!" Banta ko sa kanya. He answered me with a smile on his lips at umakto pang nagzipper ng mouth.
Hinintay naman niya ako na matapos at agad na kaming umalis. Pumunta lang kami sa mall kasi gusto ko lang maglakad-lakad. Ayokong lumayo pa. We went to a restaurant para kumain. After that he guided me papunta sa arcade. It's not my thing ang ganito pero sa makulit nga itong kasama ko, napilit niya ako. Somehow, nailabas ko ng konti yung bigat at pagod ng katawan ko.
After mapagod sa paglalaro, we decided to walk. Nauna ako kasi bumili siya ng makakain. Ewan ko doon, gutom na naman.
As Im walking, may nakita akong alam kong kilala ko. She is carrying her son. Napangiti ako sa nakikita ko. Masaya niyang kinakausap at nilalaro ang anak niya. I know, she will be a good parent.

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Roman d'amour**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.