Sophie
Ilang araw na, na hindi ko nakikita si Henley. Hindi rin siya nagpaparamdam maging sa tawag man or text. Lagi naman iyon tumatawag sa akin eh.
I also tried to call her number, pero operator service lang lagi ang sumasalo sa tawag ko. Natry ko na ring tawagan si Portia sana, to check her too. Pero gaya ni Henley, hindi ko na rin siya macontact. I don't know what is happening.
Namimiss ko na siya. Yung pangungulit niya at pang-aasar sa akin. Lahat ng ginagawa niya, namimiss ko na.
I realized too, mahal ko na talaga siya. Napag-isip isip naman ako sa payo ni Daddy. Siya pa talaga ang naka-alam na mahal ko na pala si Henley. Slow Sophie.
"No Henley again?" Narito kasi si Daddy sa office. Alam niyang hindi na nagpupunta at nagpaparamdam si Henley.
"Yeah. Wala pa rin po." Malungkot kong sabi. Sinong hindi malulungkot di ba?
"Did you try to call her Mom? Si Sabrina?"
"No, I didn't. Should I ask her Daddy?"
"Try to talk to her Sophie. Baka may problema lang sila. Ayaw lang na maistorbo ka."
May point naman si Daddy. Later, tatawagan ko si Tita. Nasa akin naman ang telephone number nila sa bahay nila eh.
"Eh how about Frederick? What happened?"
I still remembered what he did to me that day. He kissed me. He tried to confessed his feelings to me pero I take him down. Kasi nga mahal ko si Henley.
Dahil nga sa hindi ko siya pinayagan sa gusto niya, he kissed me. It's against my will na magpahalik sa kanya kaya na sampal ko siya. Pinipilit niya ang sarili niya sa akin, and I know why he is doing that. Gagawin niya lang akong cover up to his parents! Come on, he is a gay! Kaya imposible ang sinasabi niya. Besides, he has a boyfriend.
Nagsorry naman siya sa akin that same day. At inamin nga niya na iyon ang plano niya. I got mad at him dahil sa ginagamit pa niya ako. Pwede naman siyang magsabi ng problema niya kasi kaibigan ko siya, pero hindi ko naman gagawin at papayag sa plano niya.
"We talked what happened po Daddy and sobrang pagsosorry po niya. But I gave him a slap on his face. Hindi ko naman sinadya iyon Daddy. But yeah, he deserves pa rin po." Pina-alam ko kasi sakanya agad ang nangyari. Daddy is fuming mad on that day. Gusto nga niya sanang ipakulong si Fred for assaulting me mismo sa teritoryo pa namin. But thanks to Mommy, pinahinahon niya si Daddy.
"Naku kung hindi lang sana ako pinigilan ng Mommy mo talagang ipapakulong ko iyon. Kahit na kaibigan mo pa." Now she is mad again.
"Hayaan mo na Daddy, he said sorry na po. At pinatawad ko naman po siya."
"What if Henley saw what he did? Eh di mapupurnada pa ang panliligaw niya sayo? Botong-boto pa naman ako sa batang iyon para sayo."
What if nga kung nakita niya? Baka akalain nun niloloko ko at pinaasa. In which, hindi ko gagawin sa kanya.
I remembered, may bouquet of tulips na nagkalat sa malapit sa office ko that time. Hindi kaya? Pero hindi lang naman ako ang nabibigyan ng ganoong bulaklak so buong hospital. I once saw another Doctor before, she was holding tulips too. Sana hindi siya.
"Hindi naman po siguro Daddy. Kung nakita po sana niya, susugod iyon. Ayaw rin po ni Henley kay Fred. Minan na rin pong muntikang magpang-abot ang dalawa dito. Kaya kung nakita man niya po, susugorin niya po iyon." Knowing Henley? May pagka-short tempered kasi siya.
"Sana nga anak. Sige doon na ulit ako sa office namin ng Mommy mo. Try to call Sabrina. Baka may sagot siya sa mga tanong mo."
"Yes po Daddy." Lamabas na rin siya ng office ko.
Napabuntong hininga naman ako. Ganito pala ang feeling once na hindi mo nakikita ang taong mahal mo. Napapaisip ka kung ano ba ang ginagawa niya, kung nasaan siya, kung mabuti ba ang lagay. Haayst! Henley naman, nasaan kaba? Miss na kita.
After namin mag-usap ni Daddy, sunod-sunod naman ang pagpunta ng mga pasyente dito. Kaya naman tumulong na rin ako sa iba, wala rin akong scheduled appointments at operations. Naging busy nga ako maghapon eh.
----
Kinabukasan, same routine pa rin ako. But this time, tatawagan ko na si Tita Sabrina. I need to know kung okay lang ba si Henley.
Ilang rings pa lang naman at nasagot agad ang tawag ko.
"Hello? Reidson Family." Si Tita kaya ito?
"Yes hello too. May I speak to Misis Reidson please?"
"Speaking. May I know who is this?" Sakto si Tita pala!
"Tita? Si Sophie pala ito."
Tahimik sa kabilang linya ng ilang segundo.
"Ikaw pala Sophie. Napatawag ka?"
"Ah Tita, itatanong ko lang kung nasaan si Henley? Hindi po kasi siya nagpupunta dito ilang araw na din po. Sinusubukan kong tawagan pero hindi naman po natatawagan ang number niya. May problema po ba?"
I heard Tita Sabrina sighed deeply. May problema yata talaga sila.
"Sophie? Bigyan muna natin siya ng panahon para makapag-isip."
Makapag-isip tungkol saan? Ano bang nangyayari ngayon? Im clueless!
"Tita ano bang problema?"
"Hayaan muna natin siya Sophie. Hindi ako ang taong magsasabi kung ano ang problema. Si Henley dapat. Hayaan mo kapag tumawag siya, sasabihin kong kausapin ka."
Ramdam kong ilag sa akin si Tita ngayon pero hindi ko mapinpoint kung bakit.
"Sige po. Salamat po."
At binaba na niya ang linya. Hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari. Pwede namang sabihin na agad kung ano ang problema, hindi yung hinuhulaan ko pa.
Nakakainis naman si Henley. Ngayon lang niya ginawa sa akin ito na hindi pagpaparamdam ng ilang araw. Isa o tatlong araw, iyan lang ang bilang ng araw na hindi niya pagpaparamdam sa akin noon. Pero ngayon ilang araw na ba? Sobra na sa isang linggo.
I tried to call her again. At paulit-ulit na lang na ang operator ang sumasagot. Nakakainis!
At habang naiinis ako, naisip ko ang pinag-usapan namin ni Tita. Ano ba ang ibig sabihin ni Tita na makapag-isip si Henley? Saan? Sa panliligaw sa akin? Ang alam ko, mahal niya ko. Ngayon ba nag-iba na ang nararamdaman niya?
I looked around inside my office. Yung tulips na huling bigay niya sa akin natuyo na. Matagal na iyon. Tulips. Hindi kaya? Hindi kaya nakita niya yung ginawa sa akin ni Fred? Sa kanya galing yung nakita kong tulips noon sa labas ng office.
"If the time comes na hindi ako ang pipiliin mo, kung sino man ang manliligaw mo na pipiliin mo, Im not going to argue or ask you why it's not me who you choose. Malinaw naman sa akin na siyempre, may kulang sa akin. And if that time comes Babe? I'll be happy that you found someone what your heart wants."
I remembered what she said. Hindi ba talaga kayang nakita niya at gaya ng sabi niya noon, hindi niya ako kukwestyonin. Sa nakita niya, nag-assumed agad siya doon? Without confirming first? Ang daya naman niya! She didn't let me defend myself!

BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Romance**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.