Chapter 25

1.4K 70 19
                                        

Skyler Henley

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa bibisitahin ko si Sophie sa office niya. Hindi kasi kami nagkita kahapon gawa nga ng busy rin siya. Ngayon hindi na.

All smile pa akong bumaba sa hagdan at doon, masaya kong binati ang pamilya ko. Nandito pa sina Hendrick at Hera, maaga pa naman talaga kasi.

"May lakad ka Henley?" My Ate Hailey asked.

"Yup Ate! Pupuntahan ko si Sophie. Miss ko na eh." Nakangiti ko namang sagot.

Umiling naman siya na nakangiti.

"Hayyst. Mommy, Dada. In love na po talaga si Henley. Magtitino na po sana siya ano?" As usual, si Ate Hailey ay gaya ko ring mapang-asar.

"Hayaan mo na Hailey. At sana nga, magtino na siya." Sagot naman ni Dada. Si Mommy naman naka ngiti lang siyang nakatingin sa amin.

"Oh kita mo Ate. Inggit ka na naman sa gwapo mong kapatid. Pakasal na kayo kasi ng boyfriend mo." Pang-aasar ko sa kanya.

"Teka! Ako rin gwapo rin ako ah!" Hirit naman ni Hendrick.

Kaya naman lahat kami ay napatawa sa sinabi niya. Gwapo rin kaya itong kapatid kong ito. Ewan ko nga kung naka ilang girlfriends na rin eh. Gaya ko, matangkad din siya.

"Yeah whatever Hendrick. At ikaw Henley, hindi ako inggit sayo. Oo magpapakasal ako, pero hindi pa ngayon. Busy pa ako sa company natin. Mapupunta kasi sa akin iyong hinahawakan ni Heather once she will file her maternity leave." Ate Hailey said.

Oo nga naman, darami ang trabaho niya.

"Don't worry Hailey, tutulong naman ako sayo for the mean time na wala ang kambal mo." Dada.

Hindi rin naman kasi sila totally na hindi na nagtatrabaho kahit na pinasa na sa amin ang mga company. Naroon pa rin sila para tulongan kami.

Our breakfast went well. Masayang usapan at kwentohan. Nauna ng umalis si Hendrick at Hera para pumasok sa mga school nila at ako naman ay ihahatid ko na lang si Ate Hailey.

Nang maihatid ko naman siya ay dumeretso muna ako sa pinagbibilhan ko ng flowers for Sophie. Alam na alam na kasi nila ang gusto ko at oo, suki na nila ako doon.

Ilang liko pa ang ginawa kong pagmamaneho at nasa parking lot na ako ng hospital. I parked perfectly at lumabas na sa kotse habang hawak ko naman ang tulips bouquet for Sophie.

"Good morning po!" Bati ko kay manong guard. Kilala na ako nito. Lagi ba namang nagpupunta dito di ba.

Pagpasok ko sa loob, as usual, sa akin na naman nakatingin ang mga tao. Oo na alam ko, gwapo ako!

Naka ngiti pa akong naglalakad habang hawak ang bouquet. Sigurado ako magugustohan na naman ito ni Sophie at sasabihing nagiging garden na naman ang buong office niya. Sana nga masurpresa ko siya at sana nandoon siya sa loob. Hindi ko na kasi tinanong pa kung nandito siya o wala. Para nga isurprise siya eh.

Nasa tapat na ako ng office niya at naka bukas ng konti ang door. May naririnig kong nagsasalita sa loob na parang nagtatalo at dahil nga sa naka-awang ng konti ang pinto, sinubukan kong sumilip doon.

At eto, pinagsisisihan kong ginawa ko pa ito, ang pagsilip. Sana hindi ko na lang ginawa pa.

Hindi siya ang nasurpresa ngayong araw kundi ako. Ako pa ang nasurpresa sa gagawin ko sanang pagsusupresa sa kanya.

My heart is aching. My heart beats so fast. My heart is broken.

There, standing two people, lips are connected with each other.

Ang sakit! Ito ba yung sinasabi ni Mommy? Sobrang sakit naman.

Sophie and Frederick are kissing.

And my tears, parang agos ng tubig sa ilog na sabay-sabay pang nahulog. I can't control my tears. Hindi ko mapigilan ang mga ito na huwag ng lumabas pa.

Nabitawan ko ang dala kong bulaklak at napa-atras na ako patalikod. Hindi ko na sinubukang pumasok pa.

I bitterly smiled.

"Kaya naman pala hindi mo ako kayang sagotin. Kaya naman pala gusto mong maghintay pa ako, dahil sa may Frederick talagang naghihintay rin sayo. Pero sabi ko nga, hindi kita kukwestyonin kung bakit hindi ako ang pinili mo. If iyan talaga ang kasiyahan mo, hindi ako hahadlang sa gusto mo."

Umiiyak ako dito sa loob ng kotse ko habang nakatingin sa pigura ng dalawang tao malapit lang sa kotse ko. Hinahatid ni Sophie si Frederick sa kanyang kotse.

"Pero masakit rin pala Sophie. Masakit ang magparaya. Masakit na pinakawalan ko ang taong mahal ko. Ang sakit Sophie." Dahil sa dala na rin ng galit at paghihiyang, pinagsusuntok ko pa ang manibela ng kotse ko.

"But I guess, hindi talaga tayo para sa isa't-isa. Goodbye Sophie."

Pinaharurot ko ang sasakyan ko pauwi sa bahay. At ng makarating ako doon ay agad kong kinausap si Mommy at Dada na kailangan na naming umalis ni Portia. Biglaan man pero sinabi ko na lang na emergency sa trabaho ko. Ayaw ko man magsinungaling sa kanila pero hindi ko rin kasi gustong sabihin ang nakita ko. Ayaw kong maiba ang tingin nila kay Sophie.

Tinawagan ko na lang ang mga kapatid ko para makapagpaalam sa kanila at parehas silang nalulungkot dahil sa hindi sila personal na nakapagpaalam sa amin ni Portia.

Everything was settled at narito na kami sa airport. Sina Dada ang naghatid sa aming dalawa dito. Naghihintay na lang kami na matawag iyong flight number namin.

"Anak, kanina kapa walang imik. Ano ba talagang problema?" My Mommy Sabrina asked.

Totoo, hindi ako masyadong magsasalita kanina pang pag-uwi ko sa bahay. Agad kasi akong nag-impake at ganun din sila sa mga gamit ni Portia.

"Mommy, tanggap ko naman eh." Hindi ko na napigilan pang umiyak at magsumbong na parang bata sa kanya. "Tanggap ko naman na hindi ako ang pinili niya. Pero masakit pala talaga. Sobrang sakit Mommy."

Agad naman niya akong niyakap. Alam kong nakatingin din sina Dada at Portia sa amin ngayon. Hindi ako nahihiya na umiiyak ako sa Nanay ko.

"Hindi ko ineexpect na ganito kasakit. Mahirap pala talaga kapag nandoon kana mismo sa sitwasyon. Hindi mo alam ang gagawin. Mommy, ang sakit." Mas niyakap niya pa ako lalo.

"Tahan na anak. May rason siguro ang tadhana kung bakit kayo hindi pinagtuloy. Na maging kayo. Pero anak, huwag kang manatili lang sa stage na iyan. Move on Henley. Huwag kang magpapatalo sa sakit."

I still sobbing na parang bata kay Mommy.

"Kaya ba agad-agad kang aalis ngayon? Dahil sa kanya?" I nodded. "Sige anak, hahayaan muna kitang lumayo ngayon. But promise to Mommy na sasabihin mo sa akin kung ano ang problema ha?"

"I promised Mommy. Sorry po, talo ang anak niyo. Dada sorry, hindi na matutuloy yung gusto mong magkamanugang ng Doctor." Agad naman akong niyakap ni Dada.

"Maghanap kana lang ng Doctor doon sa America. Iyon pa rin ang gusto kong maging manugang." Sabi naman ni Dada na siyang nagpatawa sa akin.

Alam kong pinapagaan niya lang naman ang damdamin ko. And thanks to Dada, gumaan ng konti.

"Anak, ingatan si Portia doon. Magpacheck-up siya sa magaling na Doctor doon ah? At kapag nagkataon, lagi mo along sabihan sa pagbubuntis niya." Bilin sa akin ni Mommy.

Napatingin naman ako kay Portia. Alam kong nabigla ko siya ngayon sa pag-alis namin. Pero pangako ko kasi sa kanya na sa America siya manganganak at doon titira. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Opo Mommy. Parang kapatid ko na rin po siya eh. Pamangkin ko po ang dinadala niya. Ako pong bahala sa kanya."

Tinawag na ang flight number namin at tumayo na kaming lahat. Naluluha pa si Mommy ng maglakad na kaming dalawa ni Portia papasok.

And one last glance sa mga magulang namin, I smiled at them.

Goodbye Sophie.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon