Chapter 38

1.3K 69 12
                                    

Skyler Henley

After how many hours of driving, I think five to six hours? Kahit na nakakapagod at nakakangawit, enjoy naman ang biyahe. Ikaw ba naman ang ganahan sa pagmamaneho dahil sa kasama mo ang taong mahal mo. Di ba ang saya?

Gabi na kami nakarating ni Sophie dito sa La Union and we checked in sa isang hotel, near the beach area. Tutal etong dagat naman talaga ang habol namin dito.

"Isang room na ang kinuha ko for us, is it okay with you?" My lovely Sophie asked.

"Sure Babe. Ayaw ko rin namang mawalay ka sa akin, much better we stay in one room. Behave naman po ako." At natawa ako sa huli kong sinabi sa kanyan. Kaya ayun siya, medyo namula ang mukha nito.

"Umayos ka nga Henley!" Saway niya sa akin.

"Ayaw mo nun? Tabi tayo matulog Babe ah?" Pang-aasar ko pa sa kanya.

"Anong tabi matulog? Oyy sa sahig ka!" Sagot naman niya.

"What? Babe naman! Behave nga ako oh? At tsaka hindi ako sanay na matulog Babe sa baba ng kama." Reklamo ko naman. Naku sana hindi ko na lang inasar para hindi sa baba ako matulog.

"Bahala ka diyan. Dalhin mo na lang yung ibang bag natin sa room." Sagot na lang niya at nauna ng mag lakad.

Hindi na lang ako umimik baka mas malala pa yung sunod niyang sasabihin kaya naman sumunod na rin ako sa kanya.

Pagtapat ng room namin, agad namang binuksan ni Sophie ang pinto at binuksan rin ang ilaw. Pagpasok, iisang queen size bed lang ang kama. Kumpleto na rin yung ibang amenities nila dito like TV, single sofa, maliit na refrigerator at yung bathroom nila ay may bathtub pa.

Nilagay ko na lang sa isang gilid ang mga bag namin at agad nahiga sa kama. Ang lambot! Nakakarelax sa katawan.

Nakapikit ang mata ko ng maramdaman kong nasa tabi ko si Sophie. Hindi nakahiga pero naka upo lang ito.

"Pagod?" She asked.

"Yeah, pero ayos lang naman ako. Konting pahinga lang siguro."

"Sana kasi pumayag kang ako rin ang mag maneho kanina."

"Nah. It's better you take a rest. Alam ko namang pagod ka rin sa work mo. Ayaw ko rin namang mapagod ka pa sa pagmamaneho."

"But-"

"No more buts Babe." Putol ko sa ano pang sasabihin niya. "Dito ka na lang sa tabi ko, higa ka. Mawawala ang pagod ko."

Agad naman siyang nahiga sa tabi ko at agad ko rin siyang niyakap. Naka unan naman ito sa isang braso ko. Nakasiksik naman ang mukha ko sa kanyang leeg at palihim na inaamoy ang natural scent nito. Ang bango niya talaga!

"We need to eat our dinner pa, Henley. It's seven in the evening already. Gutom na ako." Oo pala, kanina pa yung huling kain namin. Yung nasa biyahe pa kami.

Napa angat naman ang tingin ko sa kanya at siya naman ay nakatingin rin pala sa akin. I smile at her. Wala lang, parang ang gaan lang kasi ng pakiramdam ko kapag nakatitig ako sa kanya.

"I love you." I said. Hindi ko sinagot ang kaninang sinabi niya, bagkus iyan na lang ang nasabi ko.

Wala eh, mahal na mahal ko ang babaeng nasa harap ko, ang babaeng yakap ko ngayon, ang babaeng nagpatibok ng puso ko mula pa noong mga bata pa kami.

"I know." She answered.

Ayus lang sa akin na hindi niya sinagot ang kaninang pahayag ko. I can wait for that one.

Humalik na lang ako sa noo niya at ilang segundo lang iyon ng na pagdesisyonan naming bumaba na sa restaurant ng mismong hotel para doon na lang kami kumain.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon