Chapter 29

1.4K 62 12
                                        

Skyler Henley

Two weeks had past ng makauwi ako dito sa America. Naroon pa rin yung time na naiisip ko siya, pero dinadaan ko naman sa trabaho ang lahat para hindi ko siya maisip. Pero siyempre, mahal ko siya at lagi ko siyang naiisip. I also miss her, a lot. Hanggang miss na lang ako sa kanya. May iba ng nagpapasaya sa kanya eh.

About naman doon sa nangyari sa amin ni Laura, we let it passed just like what we did before. Alam naman namin sa isa't-isa na dahil lang sa init ng katawan kaya namin iyon nagawa.

Im a terrible friend dahil sa ginagawa ko sa kanya. Pero alam rin naman niya iyon. Okay lang sa kanya.

"Kuya, usap tayo." Portia said.

Rest day ko kaya naman nandito lang ako ngayon sa bahay. Wala rin siyang check-up ngayon, sa susunod pang linggo ang schedule niya. Her baby is healthy, ayun sa Doctor niya.

"Halika dito sa tabi ko, upo ka." We are sitting sa couch. "Ano bang gusto mong pag-usapan?"

"Nabobored ako dito sa loob. Gusto kong lumabas sana pero hindi na lang. Ang lamig naman kasi." Natawa naman ako ng konti sa sinabi niya. Hindi pa talaga siya sanay.

"Huwag ka ng lumabas pa. Dito ka na lang. Kung nabobored ka dito, tawagan mo ako or di kaya papuntahin natin dito yung mga pinsan ko. Makukulit ang mga iyon, tiyak hindi ka mabored. Ka-edad mo nga lang yung iba eh."

May mga pinsan talaga ako dito. Yung mga kapatid ni Dada, dito na rin nanirahan kasama ang mga pamilya nila. Ganun din si Tita Jackie at ang pamilya niya. Malapit lang sila sa amin.

"Kaya ba nilang pakisamahan ang buntis na gaya ko Kuya? Baka nga mandiri pa sila sa akin. Dahil sa ang bata ko pa tapos buntis na." Malungkot niyang sabi.

"Don't be sad Portia. Your baby is a blessing to us, to you. At hindi nila gagawin ang mandiri o husgahan ka. I know them, mababait silang mga tao. Gaya ng pamilya namin, tanggap ka rin nila. So don't ever think that way again."

Alam ko namang nalulungkot siya dito. Pero para rin sa kanya ang ginagawa ko. Para sa future ng magiging anak niya.

"Opo, salamat po. Ikaw naman Kuya, anong problema niyo ni Ate Sophie?"

Her question got me. Hindi ako agad nakasagot. Alam ko rin kasing close na sila ni Sophie, at ayaw ko rin namang maiba ang tingin niya dito.

"Hindi lang talaga kami para sa isa't-isa. Kaya umalis na ako doon."

"Ano bang nangyari talaga? Kwento na Kuya, dali na. Makikinig ako." Natutuwa ako na may isang gaya niya dito sa tabi ko. Gustong makinig sa akin.

"Remember that morning? Nung masaya tayong nag-agahan lahat? Yung same day rin na umalis tayo." She nodded. "I wanted to surprise her sa office niya kasi hindi ako nakapunta sa kanya the other day. I also bought bouquet of tulips for her, kasi iyon ang lagi kong binibigay sa kanya. Ang saya ko nga noong umagang iyon. Namiss ko kasi siya. But when I was outside her door, naka-awang iyon konti at may narinig akong parang nagtatalo. Hindi ko naman sana gustong sumilip doon pero baka nga may masamang nangyari na kay Sophie. Pero I regretted that I did that."

Ayaw ko ng umiyak ulit. Im trying to move on. Pero ang hirap pa rin talaga.

"Kwento lang Kuya. Kaya mo iyan." Pagpapagaan naman niya sa akin.

"I saw them kissing, Portia. Yung kaibigan niyang nanliligaw din daw."

"Did you confront them po?" She asked.

Umiling ako bago sumagot. "No. Because the moment I saw them kissing? I knew na hindi ako ang pinili ni Sophie. Why Im going to argue with them? Sisirain ko pa ang kasiyahan ng taong mahal ko? Hindi na. Alam ni Sophie iyon na hindi ko siya kukwestyonin. Kaya kung saan masaya ang taong mahal ko, susuportahan ko siya."

Coz that's what love means. Support your love ones.

"Mali ka Kuya. Maling-mali ang ginawa mo." Nagtataka naman akong napatingin sa kanya.

"Anong mali doon?"

"Mahal mo siya?" I nodded. "Yun naman pala, di dapat pinaglaban mo po. Alam mo namang may laban ka sa karibal mo di ba? Mali naman yung ginawa mong pag-atras ng walang labang naganap. Tinanggap mo agad yung pagkatalo mo. Maling-mali iyon. Heto pa Kuya, hinayaan mo bang magpaliwanag sayo si Ate Sophie." Umiling ako. "Ayun naman pala! Mali kana naman Kuya. Sana pinagpaliwanag mo siya. Paano pala kung hindi niya gusto yung taong iyon?"

"Paanong hindi? Eh magkahalikan nga?" Kontra ko naman sa sinabi niya.

"Magkahalikan ba agad eh ibig sabihin gusto na niya iyong kahalikan niya? Parang yung pagtikim mo na lang ng isang pagkain na bago sa iyo. Siyempre titikman mo lang naman iyon kung gusto mo o hindi di ba? But in the end, ikaw pa rin ang magdedesisyon kung gugustohin mo o hindi. I mean po is, hindi naman ibig sabihin na nagkiss sila eh gusto na nila ang isa't-isa. Paano nalang kung ayaw pala ng isa? Pero hindi mo naman malalaman ang sagot kasi hindi mo hinayaang magpaliwanag si Ate Sophie." Pangbawi niyang salita.

Ngayon ko lang nga narealized na mali talaga ako ng ginawa. Hindi ko hinayaang magpaliwanag sa akin si Sophie. I was blinded sa nakita ko.

"Ano po? Naisip mo na mali ka ano? Sa susunod po kasi, hayaan niyong mag-explain ang isa't-isa. Never assume unless it was concluded. Naku Kuya, mas matured pa yata akong mag-isip kesa sayo!" Asar niya sa akin at natatawa pa.

Naiiling na lang ako sa ginawa niyang pang-aasar. Buntis kasi kaya ganyan. Pero napa isip nga ako, I assumed. I never let Sophie explain. Pero saan pa di ba? Kita ko sa dalawang mata ko na naghalikan sila. Hindi naman papahalik iyon kung hindi niya gusto.

"Kesa mag-isip ka ng kung ano-ano pa diyan Kuya, tawagan muna ang Babe mo. Sige ka, kapag pinaghintay mo pa iyon ng matagal, maghahanap na talaga ng iba." Pangbibiro pa niya.

"No. I knew, mas pinili niya kung saan siya masaya. At hindi ako iyon. Di ba ang sabi ko kung saan masaya ang taong mahal ko-."

"--Susuportahan mo? Ay ang hirap mong kausap Kuya. Diyan kana nga, naiistress kami ni baby dahil sayo." Umalis na siya at nagpunta na sa kwarto niya.

Naiiling na natatawa talaga ako sa batang iyon. She somewhat knocked my senses. Pero hindi na mababago pa iyon na hindi ako ang pinili ni Sophie.

"Yeah, kung saan siya masaya susuportahan ko."

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon