Skyler Henley
Cold stares, heavy breaths, and worried eyes. Iyan lang naman ang ambiance dito sa bahay. When Dada heard our conversation, hindi ko talaga alam kung ano ang iisipin ko noon. Alam ko kung gaano siya kabait, pero alam ko rin kung paano siya magalit, at iyon ang ikinakaba ko ngayon.
Pagka-uwi pa lang naming dalawa sa bahay, tahimik ang buong paligid at alam kong wala ang mga kapatid ko, pero kalaunan ay lumitaw din sa paningin namin si Mommy. She was all smile when she saw us, pero agad din nawala iyon ng makita ang seryoso at tahimik na si Dada.
"So, what is this all about?" Tanong ni Mommy.
Narito kaming tatlo sa living room, wala rin namang ibang tao kaya dito na lang kami mag-uusap. Sila ang magkatabi sa malaking sofa, habang ako naman ay sa pang solo na sofa. Mommy is holding Dada's hand. Hinahaplos pa ito at alam kong pinapakalma niya na ito. With what Dada's look, I know, she is furious now.
I sighed deeply, heto na.
"Mommy, Dada, Laura is pregnant." Bitaw kong balita sa kanila.
Mommy looks like she is happy, but I know, that will fade when I spill my next news. While Dada is still, seryosong mukha.
"Talaga? Tell her, congrats." Masaya pang sabi ni Mommy. I smile too her, pero iyong ngiting hindi aabot sa tenga ang saya.
"Love, let's listen first on what Henley will say. And I know, she will tell us all the truth." Sabi naman ni Dada na may diin pa ang salitang all na binitawan niya.
Napatingin naman ako sa mga mata ni Mommy. Pati siya nagugulohan na rin siguro kung bakit ganito ang awra sa aming tatlo, kung bakit ang seryoso ni Dada
"Yes Mommy, she is pregnant. And the baby she's carrying, is mine." Malungkot pero may konting ngiti ang sumilay sa aking mga labi.
Mommy was shocked. It's written in her face. I know, Mommy.
"H-Henley, nagbibiro ka na naman ba?" Tanong nito. Alam kong ganito ang sasabihin niya dahil sa lagi nga akong nagbibiro sa kanya.
"Sana nga po, pero hindi." Malungkot kong sagot at yumuko.
Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa nasabi ko na o dahil sa mga susunod na mangyayari.
"Love, Haym, ano? Hindi kayo nagbibiro ng anak mo?" Ngayon si Dada naman niya ito kinukumpirma.
"Love, it's true. Narinig ko lang kanina na pinag-uusapan nila iyon. I heard it accidentally." Sagot naman niya kay Mommy.
I look at Mommy. Sa mukha pa lang niya, nagugulohan ito at hindi pa naniniwala.
"T-then, paanong nangyari? I mean, Henley, you were here for the past months. H-How come?" Nauutal pa niyang sabi.
"Noon pong biglaan kong uwi sa America, doon po nangyari." Nakakahiya mang ito ang pinag-uusapan namin ngayon pero kailangan ng pag-usapan.
Napasandal ito sa sofa at niyakap naman ito ni Dada.
Right now, I feel na isa akong disappointment sa family. I got a child, unwedded.
"Mommy, Im sorry for being a disappointment to you." Hingi kong paumanhin sa aking ina.
"No, Henley. No. Hindi ka disappointment kay Mommy." Agarang sagot rin nito.
I smile bitterly.
Ilang minuto naman ang nagdaan at hindi kami umiimik na tatlo. Para bang inaanalize pa yung sinabi ko.
"So, ano ang mapag-usapan ninyong dalawa?" Mommy ask. Nakikinig lang naman si Dada.
"Before I went home here, nag-usap kaming dalawa po. And sure, papanindigan ko ang anak namin, but not her."
![](https://img.wattpad.com/cover/214002215-288-k154741.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing My Love
Любовные романы**Book 3** Story of Skyler Henley and Sophie Rilly. Chasing each other.