Chapter 18

1.4K 50 8
                                    

Sophie

Hindi naman naka pagtataka na kaya nga ni Henley ang magkaroon ng ganito kalawak at kalaking resort. Mayaman ang pamilya niya at mayaman siya so maliit na bagay lang ito sa kanya.

The resort is so beautiful. Hindi lang naman puro cottages ang laman nito, kundi naidaragdag din dito ang mga punong nagsisilbing silong mo kapag maaraw.

"Welcome to Skyley's Garden." Pinapasyal niya talaga kasi ako dito at itong garden nga ang last destination namin. "This place? Ako at ang pamilya ko lang ang pwedeng pumasok dito and it includes you. Wanna know why?" Naka ngiting tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot pero sa mata niya lang ako nakatingin. "Because I know, someday you will be part of our family. You will be my beloved wife soon."

Makikilig na sana ako kung hindi ko lang alam na binibiro na naman ako nito. "Henley, tama na ang biro. Ipasyal mo na lang ako."

"But that is true Babe."

"Henley, please?" Hindi ko maintindihan minsan ang sarili ko.

"Okay." Alam kong nasaktan ko siya sa sinabi ko pero what can I do?

Nilibot lang namin ang napakagandang garden niya. Iba't-ibang mga bulaklak ang nakatanim. Imported rin ang iba dito at talagang pinaggastusan niya ito.

Nang matapos naming libotin lahat dito sa resort ay sa restaurant na kami nagpunta.

"Sophie, huwag ka sanang magalit. I prepared something for us." Tawag pansin ni Henley sa akin habang naka tingin ako sa papalubog na araw. Ang gandang panoorin nito.

"What is it Henley?"

"We are in a date right? Nagpahanda lang naman ako ng isang table para sa atin. Doon oh." Turo niya sa likod ko.

Napatingin naman ako kung saan siya nakaturo at may isang table nga doon na may dalawang upuan at may mga naka set ng plates, glasses and other utensils. Even candles were there. Okay I got it.

"Shall we?" Tanong niya at nilahad ang kamay.

Kinuha ko na lang ito at hindi na nag-isip pa ng kung ano. Ginusto ko rin sumama sa kanya ngayon. We walked from the seashore to the table they set for us. Yeah, a dinner date it is.

Henley pulled the chair para maka-upo na ako. Gentleman kumbaga. I said my thank you at ngumiti naman siya. Naupo na rin siya sa kaharap kong chair. At sinenyasan ng ihanda ang mga pagkain.

"Wala na akong maisip na ibang pagdadalhan sayo para sa isang dinner date. Hindi ko kabisado dito as you know. Kaya naman dito na lang sa resort ko ginawa. Hope you will like it." Sa totoo lang, gusto ko dito. Gusto kong dito niya ako dinala.

"Yeah, I like it here to tell you honestly. Malayo sa lugar na maingay, mapolusyon at maganda pang view. So, thank you for bringing me here." Kahit naman parang bata kami mag-away ni Henley, I appreciated what she's doing. Like now.

Naihanda na lahat ng pagkain at sinimulan na rin namin. Hindi kasi kami pwedeng magtagal dito dahil malayo ito pauwi. May pag-uusapan pa kami ni Mommy pagka-uwi ko. Sana naman nakatulog na sila mamaya. Alam ko namang tatanongin nila ako about kay Frederick. Hindi ko nga rin nakakausap pa ang isa.

"As much as I want to spend more time with you here, kailangan iuwi na kita sa parents mo. It's getting late too at malayo pa ang biyahe." Tapos na rin kaming kumain at masarap ang inihanda nila.

"Yeah. We really need to go home now." Gustohin ko rin namang magstay pa dito ng matagal kailangan ng umuwi.

Dumaan lang kami sa office ng resort at nagpaalam na rin sa mga staff niya dito. Nagpasalamat na rin kami sa pag-asikaso nila sa amin.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon