Chapter 49

1.1K 46 10
                                        

Sophie

"Sophie, Im sorry. Pasensya na kung humantong kayong dalawa ni Henley sa ganito." Tito Joey said.

Kasalukoyang binabaybay naming dalawa ang daan pauwi sa aming bahay. Buti nga at hinatid niya ako ngayon, dahil sa hindi ko rin naman kaya ang magmaneho sa ganitong estado. Iniwan na rin namin ang kotse ko sa bahay nila at siya na raw ang bahala doon kung paano niya iuuwi sa bahay.

Napatingin naman ako sa kanyang nagmamaneho. I smiled to her, pero hindi abot sa tenga ang ngiti. Siguro naman, naiintindihan niya ako ngayon.

Actually, narinig ko lahat-lahat ang pinag-usapan nila kanina. It's not my intention to eavesdrop, aalis na nga sana ako dapat noon, kasi pansing kong seryoso sila sa pag-uusapan. Not until Henley drop the news. I was shocked too. Pero napa-isip naman ako kung bakit ganun na lang kaseryoso ang boses kanina ni Tito Joey.

At ng umamin na si Henley, doon ko na rin naintindihan ang lahat. Im shocked, confused, and lastly, I felt hurt. Hindi ko dapat maramdaman ang sakit dahil sa maiintindihan ko naman kung sakaling sinabi sana niya ng mas maaga. That something happened to them noong huling balik niya bago ang huling uwi niya dito. Maiintindihan ko pa iyon, dahil sa wala namang kami at dahil rin sa nangyaring pagkakamali noon.

Pero ang mas ikinasasakit ng damdamin ko ay ang pakiramdam na ayaw niyang aminin sa akin ito. We are together for months now, tapos may lihim palang ayaw ibunyag. What's the purpose of being in a relationship, if both of you have a secrets na ayaw ipaalam sa isa't isa. What's the essence of being in a relationship, if one of you don't have trust? Di ba, ang relasyon, dalawang tao ang involve? So dapat, you must work together.

But hearing what Tito Joey's story about Tita Sabrina before, parang mas papanig na ako sa kanya. I don't know their story, kanina ko lang iyon nalaman at masakit nga na hindi mo alam na may anak ka pala, na hindi mo man lang sila nadamayan noon. Napaisip ako doon, kung gusto ko bang mangyari rin kay Henley ang nangyari sa Dada niya.

When I was a kid back then, noong nawalan ng memory si Daddy, kahit naman na ilang taon lang ako noon, nasasaktan na ako. Yung feeling na iisa lang ang magulang mo, at feeling ko noon na si Mommy lang ang magulang ko. When Daddy was not talking to us before, nasasaktan na ako bilang anak nila. And I concluded, mahirap ang maging solo parent.

At iyon rin naman ang ayaw kong mangyari kay Laura. Kahit sabihin niyang ayos lang na wala si Henley sa tabi niya, at some point, she will be needing her too. Ang magpalaki ng anak ang mahirap lalo na kung mag-isa lang naman.

"We're here na, Iha." Pagputol ni Tito Joey sa malalim kong pag-iisip.

Napatingin naman ako sa harap namin at nasa tapat na kami ng bahay. Hindi ko man lang namalayan dahil sa malalim kong pag-iisip.

Pumasok kaming dalawa at tumungo sa living room. Wala pa ang parents ko dahil nasa trabaho pa sila. Even Silver, nasa school pa niya. Napa upo na lang ako sa sofa at napayuko. Hindi ko na alam ang iisipin at gagawin.

"Sophie, alam kong sa ngayon, gulong-gulo pa ang isip mo. Huwag ka munang mag-isip ng bagay-bagay." Malumanay niyang sabi.

"Maybe, but I can't help it po. It's too much to take in. Parang noong isang araw lang okay kami, tapos ngayon po, eto na hindi ko po alam kung anong iisipin ko." Naiiyak kong sagot sa kanya.

"Unexpected things happen, Sophie. At isa na ito ngayon. Ayaw kong dagdagan pa ang sakit na dinaramdam mo, pero gusto kong makinig ka sa akin. Uunahan na kita, Im not forcing you to leave Henley. Gusto ko lang maintindihan mo, ninyo ang sitwasyon. I know, you heard us kanina. Mula sa simula. And I know, yung kwento ko about sa kambal din ay narinig mo." I tried to look at Tito Joey.

Chasing My LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon